MGD 47 - The Sleeping Prince

176K 5.4K 1.9K
                                    

Maligayang Pasko po! Gift ko? Haha

Note: Mawawalan ako ng stamina dahil sa PS ko sa previous chapter. Sige, miss pa ng miss.

Ihanda ang mga puso x)

*****

MGD 47 — The Sleeping Prince

"Manang, hindi po ako marunong humawak ng baby." I told Manang that I don't know how to handle Yusef. Kahit sobrang cute ni Yusef ay hindi ko matake na mahawakan s'ya kahit gustong gusto ko. Paano na lang kung mapilay s'ya ng dahil sa akin?

Lumipas na naman ang dalawang linggo, at marami na naman ang nagbago. Inilibing si Aya katabi ng puntod ng kapatid ko. I hope maging masaya na silang dalawa. Sobrang hands-on ako sa pag-aalaga kay Yusef, feeling ko nga ako na ang nanay n'ya. And until today, hindi pa rin gumigising ang tukmol. Feeling ko nga ay sinasadya n'ya ang bagay na iyon para mamiss ko s'ya ng todo.

"Ma'am, ganito lang po ang tamang paghawak." dinemonstrate pa sa akin ni Manang kung paano ang tamang paghawak. Sa loob ng two weeks, tinuturuan ako ni Manang na magtimpla ng gatas, magpatulog at magtanggal ng diaper. Ew, sobrang kadiri. Feeling ko ba kapag nagpapalit si Yusef ng diaper ay mukha ni Carl ang nakikita ko.

"Okay, Manang. Too much informations today. Feeling ko ay sasabog na ang utak ko." hindi ko makaya 'yung pag-aalaga ng bata.

Sobrang thankful ko kay Yusef dahil kung hindi dahil sa kanya ay siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagsalita. Sobrang nakakatawa nga kung paano nabalik ang boses ko.

One time, kaming dalawa na lang ni Yusef ang naiwan sa kwarto ko. Oo, super higa s'ya doon at pinapalitan ko s'ya ng diaper dahil basa na ito. The moment when I am about to change his diaper, putek! Biglang may tumulsit at naramdaman ko na lang na naihian n'ya na ako sa mukha. Sobrang bastos na bata diba? Napasigaw ako ng wala sa oras. So ayun, instant facial wash ang peg.

Because of this cute little boy, mas naging masayahin ako. Ewan ko ba, pero kahit mahirap mag-alaga ng bata ay ang saya pa rin. Kapag nga nakikipag-skype ako sa tulog na halimaw ay kasama ko pa si Yusef. Oo, I already told Papa na ako na lang ang tatayo na mommy ni Yusef at sino pa ba ang magiging daddy? 'Yung hukluban na nacomatose.

Ewan ko ba sa kanya kung bakit ayaw n'ya pang gumising. Nawala ang depression ko bigla dahil na rin siguro nadidivert ang atensyon ko sa ibang bagay.

"Very good, Ma'am!" pag-cocongrats sa akin ni Manang noong successful n'yang nailipat sa akin ang super gwapo na batang 'to.

"Manang ah? Baka lumaki ang muscles ko nito?" pagbibiro ko at tumawa lang s'ya. May nakalagay na pacifier si Yusef sa bibig. Nakakatawa pa nga ang trip ng doctor ni Yusef e, dapat daw i-breastfeed. My god, paano ko naman gagawin ang bagay na iyon? Pero bumibili naman si Papa ng milk talaga sa isang hospital. Ayun muna raw ang gagamitin para daw maging healthy. Aba, gusto rin naman naming maging super bright itong pamangkin ko.

Dinala ako ng mga paa ko sa harap ng laptop ko, umupo na ako sa malambot na kama ko at nag-logged-in sa skype.

"Baby Yusef, gigisingin natin ang daddy mong tamad ah?" sabi ko sa kanya at naghikab lang s'ya, "Kakatulog mo lang e, inaantok ka na naman?" tanong ko at ngumiti s'ya sa akin.

Nakakabaliw pala talaga ang mag-alaga ng baby. Kahit feeling ko ay hindi n'ya ako naiintidihan ay todo kausap pa ako. Nagmumukhang tanga na ako sa palagay ko.

"Super pikit na naman s'ya 'no?" sabi ko pagkakita ko na ganun pa rin ang lagay n'ya.

May nakasaksak na tube sa bibig n'ya at natutulog na naman s'ya. "Hoy! Nakapagsalita na ako at lahat! Tulog ka pa rin! Aba! Magtrabaho ka na dahil paggising mo may anak ka na!" bulyaw ko sa kanya.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon