Special Chapter - Trish

223K 5.2K 2K
                                    

In line comments were highly appreciated. :)


"I told you, monster! Manang-mana sa iyo 'yang mga anak mo! Maraming alam na kalokohan! Pasalamat kayo at napapagtiyagaan ko pa kayong apat! Lalong sumasakit ang ulo ko sa mga pinaggagawa niyo!" singhal ko sa nagdadrive na katabi ko, hindi ko alam kung ano na namang gulo ang pinasok ng mga T's. Hindi siya sumagot at parang wala lang sa kanya na ipinatawag kami sa Principal's Office.

"So ganyan?! Dededmahin mo na ako!? May babae ka na ba?!" tanong ko sa kanya, napalingon siya sa akin at biglang natawa, siraulo ka talaga Sy.

"Kumain ka na nga lang." malambing na tinig niya at sinubuan ako ng fries, "Just shut up and eat, ikaw lang nagpapastress sa sarili mo, freak." Muntik ng mapaarko ang bago kong trim na kilay. So ako pa ngayon ang dahilan kung bakit ako nasstress? So ako ang may kasalanan? So ako ang salarin? So ako nga?

"So pinapalabas mo na ako mismo ang nagpapastress sa sarili ko?" tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at saka dahan dahang tumango. Awtomatikong gumalaw ang kamay ko at naglanding iyon sa likod ng kanyang ulo.

"Aray naman! Bakit ka nambabatok?! Ha?!" sigaw niya sa akin.

"So galit ka na niyan?" tanong ko sabay tumawa.

"Hindi. Sino bang may sabi na galit ako?" tanong niya. Mabilis na nagbago ang boses niya. Bumalik na naman sa pagkamalumanay ito. Ayan, very good.

"Hindi ka naman pala galit pero bakit mo ko sinisigawan?" tanong ko sa kanya. Kumuha ako ng fries at idinip ito sa sundae. "Open your mouth and just eat." Deklara ko at ibinuka niya ang kanyang mapupulang labi. Ngumuya muna siya bago siya nagsalita.

"Hindi po ako sumisigaw, mahal na reyna. Nagvovocalize po ako." At bigla siyang ngumiti sa akin. Ang plastik ng ngiti niya.

"So sinasabi mong mali ako? Na nag-asssume lang ako na sinisigawan mo ko? So ako na naman ang mali? Ha? Tss, bakit ka ganyan? Bakit ako na lang ang lagi mong sinisisi?" tanong ko sa kanya. Biglang kumirot ang puso ko at feeling ko ay maluluha na ako.

Huminto ang takbo ng kotse, dumapo ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi ko, "Ayan ka na naman, freak. Bakit ba sobrang emosyonal mo lately?" tanong niya sa akin.

"Ikaw kasi, inaalipusta mo na ako. Siguro nga, tama ang hinala ko. May babae ka na 'no?" tanong ko at hinalikan niya ako ng mariin sa labi ko. Mabilis lang ito pero bakit ganito? Parang nawala ng mabilis 'yung tampo ko sa kanya.

"Sus naman, freak. Bakit pa ako hahanap ng iba kung ikaw 'yung pinakamaganda sa paningin ko?" tanong niya at muling ini-start ang makina ng kotse.

Muntik na akong mapangiti kaso pinigil ko ang sarili ko, "So pinakamaganda lang?" tanong ko sa kanya. Sumilay ang isang mapaglarong ngiti sa mukha niya.

"Pinakasexy rin s'yempre," Aniya.

"So pinakasexy at pinakamaganda lang?" tanong ko at medyo napapangiti na ako dahil sa usapan namin na ito.

"Pinakareklamador din!" sabi niya at inihanda niya na ang malalapad niyang braso para sa mga ganti ko. Tawa lang siya nang tawa habang binubugbog ko siya, "Baka bumangga tayo, freak! Hindi pa tayo nakakabuo ng baby gir.... Oh shit!" biglang napapreno ng malakas 'yung kotse niya.

"Papatayin mo na ba ako?!" sigaw ko sa mukha niya. Hindi siya nagalit sa pagsigaw ko kahit na sobrang lakas na ito. "Walanghiya ka talaga! Kung papatayin mo ko sa sarap ay okay lan.... What the hell did I just say?!" napasapo ang palad ko sa noo ko.

Hinawakan niya ang dalawang magkabilang balikat ko, "Kailan ka huling nagkaroon?" tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Bakit?" tanong ko habang sinusuri ang mukha niyang hindi maipinta kung natutuwa ba o ano.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon