MGD 35 - Facing Death

192K 4.6K 819
                                    

MGD 35 - Facing Death

Dati, I was wishing na sana magkaroon ako ng lalaking mamahalin ako ng buo, 'yung hindi ka pipiliting magbago. 'Yung mahal ka n'ya dahil mahal ka n'ya. 'Yun lang at wala ng iba pang rason.

Natupad naman ang hiling ko at binigay n'ya sa akin ang lalaking minahal kung ano at sino ako.

Three years ago, sabi ko sa sarili ko na hindi ako magbboyfriend dahil isa silang malaking sagabal sa pag-aaral. Pero mali pala ako, nasa sa iyo kung paano sila magsisilbing inspirasyon o destruction.

Pinili ko si Terrence dahil alam kong sa kanya ako sasaya. Pinili ko s'ya dahil alam kong s'ya ang itinadhana para sa akin. Pinili ko s'ya dahil alam kong hindi magiging kumpleto ang buhay ko kung s'ya ang nawawalang kapiraso. Pinili ko s'ya dahil alam kong s'ya na ang lalaking mamahalin ko panghabang buhay.

Nakakatawa ngang isipin na kung sino pa ang ginusto mong mamatay noon ay magiging kasiyahan mo ngayon.

Na kung sino pa ang laging nambibwisit sa'yo ay magiging inspirasyon mo.

Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil hate na hate ko s'ya noon. Mula noong sinampal ko s'ya sa kanilang show hanggang sa mamaging tutor n'ya ako. 'Yung time na sumali kaming dalawa sa pageant at ang masayang adventure namin sa island. Lahat 'yon at naaalala ko pa rin at mananatiling parte ng buhay ko.

Isang buwan na ang lumipas at naging busy kaming dalawa. Busy ako sa pagmomodelo. Habang s'ya naman ay gusto ng magretiro sa pag-aartista. Nais lang naming tapusing dalawa ang pelikulang ginagawa namin para makapagsettle na kaming dalawa.

Mga dalawang scenes na lang ang tatapusin namin at matatapos na ang shooting. Hindi ko mapigilang hindi magselos dahil sa pagiging close ni Terrence at ni Quencess. Alam ko naman na dapat hindi na ako nagseselos dahil parte na s'ya ng nakaraan ng nobyo ko pero ewan ko ba pero kumukulo talaga ang loob ko sa presensya n'ya.

Pinag-awayan naming dalawa ang pagiging close n'ya sa kanyang ex at bandang huli ay ako ang nasunod. Pipilitin n'ya raw na bawasan ang pagkukwentuhan nila sa set. Alam ko naman na hindi talagang maiiwasan na magtagpo ang landas nilang dalawa. Pero ang punto ko ay dapat marunong naman s'ya lumayo at dumistansya kaya ngayon ay magkaaway pa rin kami.

Parati n'ya naman akong pinapadalhan ng mensahe. Lalo na ang pag-gugood morning, good afternoon at good evening. Walang humpay at walang palya. Lagi n'ya rin akong tinatawagan at tinatanong kung nakakain na ako pero matagal na kaming hindi nagkikita.

Pinipilit n'ya akong isama sa Rome para hindi n'ya raw ako gaanong mamiss. Doon kasi mangyayari ang final shoot nila ni Quencess at nagpa-iwan na lang ako dito para hindi ko na lang masaksihan ang scene na 'yon. Sabi sa akin ni Terrence ay huwag daw ako mag-alala dahil magiging good boy s'ya doon at pinanghahawakan ko naman 'yon at nagtitiwala naman ako sa kanya.

Mag-iisang linggo na pala kaming hindi nagkikita at miss na miss ko na ang pang-aasar n'ya. Masyado akong nasanay na nariyan s'ya sa tabi ko. Nasanay ako na may nang-iinis at nang-aasar sa akin. Nasanay ako na araw araw n'yang pinaparamdam na mahal n'ya ako.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon