Chapter 63

441 11 0
                                    


Chapter 63
Tammy's POV

"Let me go!! Isusunod kita!! I'll kill you!!"

"Nababaliw ka na!!"

Nanatili pa rin akong nakapikit hanggang sa tuluyan na akong bumagsak sa lupa. Hindi ko na kaya, naririndi na ako. Nanlalambot na ako. Natatakot na ako sa mga nangyayari.

"Ian!! Tumawag ka ng pulis at ng ambulansya!"

"What the fck!! Kumalma ka nga!! Fck!! Kumuha kayo ng tali!!"

"Shannen, damn. Saglit lang."

Tanging ingay lang nila at patuloy na pagwawala ni Sunji ang naririnig ko. Humanap ako ng lakas na magmulat ng mata.

"Shannen..."  Tuluyan na naman akong umiyak.

"Aghh."  Nanginginig akong hinawakan yung kamay nya.

"Shannen, sorry. Sorry. Saglit lang, darating na rin yung ambulansya."

Maya-maya dumating na rin yung ambulansya at ang pulis. Mabuti nalang talaga at sa braso lang tinamaan si Shannen at hindi naman sya gaanong naubusan ng dugo dahil hindi rin naman kami kalayuan sa hospital. Mabuti na rin at nasunggaban agad ni GD si Sunji at nasipa yung baril palayo kundi baka may nasaktan pa.

"Kamusta si Shannen? Okay na ba sya? Si Sunji? Ano nang nangyari?"  Tanong ko agad kay Maw pagbalik nila ni GD dito sa resthouse. Naiwan kami nila Ian dito.

Pinunasan nya yung magkabila kong pisngi saka nya ako niyakap ng mahigpit. Niyakap ko sya pabalik saka sinubsob yung mukha ko sa dibdib nya.

"Sshhh. Okay na. Nandoon na sila Shannon. Maayos na ang lahat."  Napayakap nalang ako sakanya ng mas mahigpit saka ko naramdaman yung paghalik nya sa tuktok ng ulo ko at pagsandal nya sa akin.

Thank God at natapos na, nakakalungkot lang na kaylangan pang may masaktan. Pero nagpapasalamat na rin ako at ligtas kaming lahat at ligtas si Shannen.

"Sorry nadamay pa kayo."  Sabi nya sakanila.  "This was supposed to be a happy moment for us, pero nasira lang lahat."  Pahabol pa nya.

"Dude, it wasn't your fault that you happened to have a psycho admirer."  Sabi ni GD saka nya tinapik sa balikat si Maw.

"Wala kang kasalanan. Wala tayong alam lahat."  Sabi naman ni Ian. Kahit papaano, nakahinga naman ako ng kaunti. Nakakabigat kasi sa damdamin na muntikan pang maraming masaktan ngayon dahil sa amin.

"How is she?"  Tanong nya saka napatingin kay Lian.

"Kanina pa sya tulala."  Sagot ni Ian. Humiwalay ako kay Maw saka lumapit at tumabi sakanya.

"Lian."

Hindi sya nagsalita. Nakatingin lang sya sa kawalan. Hindi ko alam ang gagawin ko, bakit ba kaylangang maging ganito ang mga nangyayari ngayon?

"Lian, nandito lang ako, kami."  Saka ko hinawakan yung kamay nya. Lumingon naman sya sa akin.

"Tammy, s-sorry. Sorry. Tell Ane that I'm sorry. I'm really sorry."  Saka sya yumakap sa akin saka humagulgol. Niyakap ko rin sya pabalik habang paulit-ulit nya lang na binabanggit ang salitang 'Sorry'. Sumandal ako sa pader saka pumikit. Sana...Sana bangungot lang ang lahat ng nangyari. At sana...sana pag mulat ko, maayos na ang lahat.

-

October 16, 20xx

"Happy 4th birthday Chrissa!!"

"Wohooo!!"  Nagpatuloy magsigawan ang mga bisita, natatawa nalang ako.

"Oh, gift ng pinaka-maganda mong ninang!"  Natatawa kong sabi saka inabot kay baby Chrissa ang regalo ko.

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Where stories live. Discover now