Five

697K 4.9K 398
                                    

NOTE: Here is the link for Chapter Four. https://www.wattpad.com/12222977-ex-with-benefits-four

(Utang na loob, wag na kayong magalit at wag nyo ng itanong kung bakit kailangan kong iprivate ang ibang chapters. Pag nagtagal kayo dito  sa wattpad, malalaman at maiintindihan nyo din. Salamat. Basa na xD )


FIVE

Tinext ako ni Adam. Tinanatanong ako kung asan ako. Sinabi ko na malapit na akong mag-out sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Part time job ko 'to kasi sa umaga, nag-aaral ako. Isang taon na lang naman at matatapos na ako sa kurso ko. Tiyaga lang ang kailangan.

Hindi ako kagaya ni Adam na mayaman. Ang pamilya niya ang may-ari sa isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa at siya ang tagapagmana ng kumpanyang yon.

Sa ngayon, naghahappy-happy pa yan, pero pagdating ng Daddy niya mula sa States, ang alam ko, siya na ang magma-manage nun.

Nang palabas na ako ng shop, nakita ko na kaagad ang kotse ni Adam. Alam na alam nyan kung saan ako nagtatrabaho, eh kasi dito kami nagkakilala.

Mula nang nakita ko siya dito sa shop, naniwala na ako sa love at first sight. Totoo pala yun. Eh kasi naman dun sa first boyfriend ko, hindi ko naman naramdaman yun. Siguro kasi mas gwapo si Adam kesa dun. Tapos panay pa ang pa-cute sa akin ni Adam habang umoorder siya. Pero syempre hindi ko ipinahalata na crush ko na siya umpisa pa lang. Hanggang sa nagiging malimit na ang pagpunta niya sa coffee shop and then finally, he asked me out. Doon na nag-umpisa ang lahat. Pero hindi rin nagtagal ang relasyon namin, kung bakit? You'll find out.

Alam nyo bang mahal na mahal ko ang b@stard ng yan? B@stard kasi sinaktan niya ako. Yang si Adam, sweet yan. Sobra! Kaya madaming babae ang nahuhulog dyan eh at isa na ako dun.

"Here," may iniabot sakin si Adam.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Pera. Diba nangako ako sayo na ako ang bahala sa titirahan mo?"

Binilang ko ang pera, 10K. Tiningnan ko siya. Tiningnan niya rin ako.

"Bakit? Ah. Alam ko kulang pa yan for a year. Don't worry, pang isang buwan mo lang naman yan. Next month na yung kasunod."

Inirapan ko siya.

"What? Kulang pa ba para sa isang buwan yan?" kinuha niya ang wallet niya. "Dadagdagan ko."

"Hindi 'yon. Actually, sobra nga 'to eh, 5k lang okay na."

Isinoli ko sa kanya ang kalahati.

"Huwag kang mag-alala. Babayaran kita. Pautang muna nitong five thousand, ha. Babayaran din kita, promise."

"Anong utang? Eh diba may usapan tayo?"

Sumandal ako sa kotse niya.

"Kalimutan mo na yung usapan natin. Utang ko 'to sayo. Walang wala kasi ako ngayon eh. Pero pag nakasweldo ako ngayong katapusan, babayaran agad kita."

Nakatitig lang siya sa akin.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha? Kung makatitig ka naman dyan!"

Nakatitig pa rin siya. Nako-conscious na ako.

"Alam kong maganda ako," bulong ko. Maganda naman talaga ako, hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero alam kong maganda ako. Sa school, lagi nila akong niyayayang lumaban sa mga beauty contest kasi matangkad din ako kaso, wala akong hilig sa ganun. Simple lang ang gusto ko. Gusto kong makatapos, makahanap ng magandang trabaho, at magkapamilya kay Adam. Hihihi!

Joke lang yung huli!

Pero sabi nga nila, jokes are half meant true.

"Alam kong maganda ka pero hindi naman siguro ikakabawas ng ganda mo kung hindi mo na ako babayaran. May usapan na tayo diba?"

Teka, parang siya pa ang galit, eh siya na nga ang babayaran.

"Eh kalimutan mo na nga yon. Basta babayaran kita."

"Subukan mo! Kapag binayaran mo ako, hindi na tayo magkikita! Sakay!"

Whoa?!

I hate the idea.

"Sumakay ka na sa loob. Ihahatid na kita."

Bossy na naman siya. Nakatulala pa rin ako dahil sa sinabi niya na hindi na raw kami magkikita.

"Sasakay ka ba o bubuhatin kita papasok ng kotse?!"

Huh? Dali-dali na akong sumakay sa loob. Nasa isip ko pa rin yung sinabi niya. Hindi ko na siya makikita?

Nooo!

"Sigurado ka ba na kapag binayaran kita hindi ka na makikipagkita saken?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya.

"Basta huwag mo akong babayaran. Ganun lang kasimple."

I slowly faced the window. Natatawa na kasi ako. Hahaha! Ibig sabihin he also hates the idea na hindi makipagkita sakin.

Mabilis kaming nakarating sa boarding house ko. Bumaba kami ng kotse.

"Hi Arkisha!"

"Gab? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Tiningnan siya ng masama ni Adam.

"Ibibigay ko lang sana sayo 'tom," at iniabot niya saken ang isang libro. "Nakita ko sa upuan sa school. Nakapangalan sayo kaya idinaan ko na."

"Nag-abala ka pa. Thank you." Hindi ko napansin na naiwan ko pala ang libro kong ito.

"Okay lang yun. Sige, mauna na ako," paalam niya.

"Salamat ulit."

Tiningnan ko si Adam, habol ang tingin niya sa papalayong si Gab.

"Ikaw, di ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya.

"Sino ba yun?"

"Schoolmate ko."

"Gabing gabi na inaantay ka pa. Baka masamang tao yun?"

"Kita mong sinoli na nga libro ko. Alam mo, umuwi ka na."

"Hindi mo ko papapasukin?"

"Huwag na. Wala akong kasama ngayon dito. Mahirap na," sagot ko.

Wala kasi yung mga ka-boardmate ko, umuwi sa probinsya nila.

Hinila ni Adam ang kamay ko papasok sa gate.

"Wala pala eh. Ano pang hinihintay natin? Let's get inside!"

...to be continued

A/N: Okay, ibinalik ko na ang story. Bukas na ulit ang sunod na Chapters. Salamat.

-youramnesiagirl


EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now