Forty Eight

246K 2K 470
                                    

Arkisha's POV

"Arkisha.." narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Pamilyar sa akin ang boses. Iminulat ko ang aking mata.

"A-adam??" tawag ko.

Totoo ba ito? Nandito na siya! Nandito na si Adam! Pero nasaan ba ako? Tiningnan ko ang paligid ko. Kasabay noon ang pagsugod ni Adam sa..

OH MY GOD! Bakit katabi ko si Brent? Anong nangyari? Bakit nakaunderwear lang ako? Nasaan na ang damit ko?

"HAYOP KA BRENT! AKALA KO GAGO AKO, MAS GAGO KA PALA! P*TANG INA!"

Panay ang suntok ni Adam kay Brent. Natatakot na ako. Pero hindi naman lumalaban si Brent.

"Arkisha!"

Sina Jane at Ella. Nandito din sila!

"Adam, tama na! Ano bang nangyayari?" sigaw ko! Ayoko na ng gulo.

"Arkisha, magbihis ka", sabi nina Ella at tinulungan nila akong magbihis.

Ako naman ang binalingan ni Adam. Masama ang tingin niya sa akin. Galit na galit.

"AKO PA ANG PAPATIGILIN MO? TALAGANG IPINAGTATANGGOL MO ANG LALAKI MO NO?! MAGSAMA KAYONG DALAWA! TAPOS NA TAYONG DALAWA! TAPOS NA TAPOS NA!!"

Ano?? Wala akong ginagawang masama!!

Magsasalita na sana ako pero lumabas na siya ng kwarto kaya naman hinabol ko siya at hinawakan sa braso.

"Adam wait! Wala kaming ginagawang masama! Please!" pagmamakaawa ko.

Hinawakan ko ang kamay niya, umaasang papakinggan niya ako.

"Adam, please. Magpapaliwanag ako!!"

Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Ramdam na ramdam ko ang galit niya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan", pagkasabi niya noon, tuluyan na niya akong iniwan.

Wala akong nagawa kundi umiyak habang paulit ulit na tinatawag ang pangalan niya. Nilapitan ako nina Jane.

"Arkisha, halika na, umuwi na tayo", sabi ni Ella.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Jane.

Anong nangyari? Ano nga bang nangyari?

Pinuntahan ko si Brent kung saan siya iniwan ni Adam. And there he is, putok ang labi niya sa mga suntok ni Adam.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Nagtiwala ako sayo. Itinuring kitang kaibigan, tapos ito pa ang igaganti mo sa akin?" sabi ko sa kanya habang tumutulo ang luha ko.

"May ginawa ba akong masama sayo ha Brent? Sinaktan ba kita?"

"I'm sorry", bulong niya.

"SORRY? MAIBABALIK BA NG SORRY MO ANG TIWALA NI ADAM? HA??!"

Hindi ko na napigilan ng sigawan ko siya.

"Akala ko ba malinaw na sayo na si Adam ang mahal ko?"

"Arkisha, this is not about my feelings", sagot niya.

"Kung ganon bakit? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?" malumanay kong tanong. Nanghihina na din ako.

"I-I'm really sorry", paulit ulit niya lang na sinasabi.

"Alam mo Brent, nung nakilala kita at nalaman kong kapatid mo si Scarlett, ipinakita mo sa akin na magkaiba kayo. Pero ngayon, pinatunayan mo lang na iisa nga ang dugong nananalaytay sa inyong dalawa. Nagpapasalamat na lang ako na hindi kita minahal!"

EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon