Twenty Nine

345K 2.8K 333
                                    

Arkisha's POV


"So nanliligaw na nga siya sayo?" tanong ni Ate Gem, habang nakatingin sa bulaklak na kakadeliver lang ngayon.

"Sabi niya", sagot ko. She's referring to Brent.

It's weird. Wala namang card. Anonymous ang sender. Ipinatong ko sa mesa.

"Pano ba yan girl? Wala ka ng pag-asa kay Brent?" sabi ni Ella kay Jane.

"Okay lang. Eh di magmo-move on na lang ako", sagot ni Jane.

"Move on move on ka pa dyan. Hindi naman naging kayo!" singhal ni Ella.

Inayos ni Jane ang buhok niya.

"Eh ano naman? Basta. Madami naman akong crush at tsaka hindi naman talaga mahirap magustuhan si Brent kaya di ako magtataka kung madevelop si Arkisha sa kanya. Basta masaya ako para kay Arkisha. She deserves to be happy."

Tiningnan ko si Jane. Nakangiti siya sa akin. Ngumiti din ako.

Until now hindi pa din nagpapakita si Adam. Iniisip na rin kaya ako? Ano kayang ginagawa niya? Galit pa ba siya?

"Huy!"

Napatingin ako kay Ella.

"Hindi pa siya nakuntento sa pagpapadala ng bulaklak", sabi ni Ella at inilipat niya ang tingin sa labas.

Nakita kong pinagbuksan ni Jane si Brent ng gate.

"Move on move on daw, samantalang atat pagbuksan si Brent", bulong ni Ella.

"For you", at iniabot ni Brent sa akin ang dala niyang chocolates.

"Thank you. Nag-abala ka pa. Tuloy ka", sagot ko.

"Hindi kaya magkadiabetes ka nyan?" bulong ni Jane sa akin. Narinig din ni Ella.
 

"Amplaya Plus Alert!" banat ni Ella.

Tiningnan ko silang dalawa.

"Arkisha, I wanna ask you out. Pwede ba?" tanong niya.

Tiningnan ko ulit sina Jane at Ella. They mouthed "GO!" with a smile.

"Sige."


**

Pagkatapos naming kumain sa isang fine dining restaurant, we decided na sa park na lang tumuloy.

While he's driving, nagpatugtog siya. Napansin kong parang acapella yung tumutugtog at pamilyar ang boses.

There I was an empty piece of a shell
Just minding my own world
Without even knowing
What love and life were all about...


He pressed the stop button.

"Why?" tanong ko.

"Mali yung napili ko. Never mind. I'll just choose another song", sagot niya.

Ngumiti ako. "Is that you?"

Tumingin sya sa akin pero agad na ibinalik ang tingin sa mga kanta.

"H-hindi ah."

"So kumakanta ka pala huh?"

"Oo, pero.." Napakamot siya sa ulo.

Nakarating na kami sa park.



"Let's go?" yaya niya.

"I wanna hear it again", sabi ko.

"Tsk huwag na. Maglakad lakad na lang tayo."

"Okay. Maglalakad tayo pero kakantahin mo siya sa akin ng live."

Bumaba na ako ng kotse. Sabay kaming naglalakad. May mga iba pa ding tao na namamasyal. I looked at him.

"Go. Sing."

"Nahihiya ako."

"Nahihiya ka? Malakas ang loob mong pumorma sa babae pero sa pagkanta nahihiya ka? Hahaha. Sige na, kumanta ka na."

Nakatingin pa din ako sa kanya.

"There I was an empty piece of a shell
Just minding my own world
Without even knowing
What love and life were all about

Then you came, you brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was so in love with you

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling
You gave me a meaning to my life
Yes, I'm gone beyond existing
And it all begun when I met you
"


"Yehey!"

Pumalakpak ako. "Ang galing! Isa pa."

"No. Hindi mo alam kung gaano katinding hiya ang nararamdaman ko sayo ngayon", sabi niya habang namumula siya.

"Wala ka namang dapat ikahiya. You're a good singer. Mag-audition ka, papasa ka!"

"Actually, may banda ako."


"Seriously??"

He nodded.

"Eh bakit nahihiya ka pang kumanta sa harap ko, may banda ka naman pala?"

"Yun na nga eh, kasi nga nasa harap kita."

Nahihiya siya sa akin? Hala!

"Magaling ka. Huwag kang mahiya. So saan kayo tumutugtog?"

"Nagkawatak watak na kami. Ayaw kasi ng Daddy ko na kumakanta ako. Wala daw akong future doon."

Pinapakinggan ko lang siyang magkwento at totoong malungkot ang boses niya.

"Gusto niya tumulad ako kay Adam. Alam naman natin na si Adam ang magmamana ng company nila. Babae ang panganay nila, kaya si Adam ang magmamanage nun."

"Pero ako, panganay ako kaya ako talaga ang dapat magpatakbo ng negosyo namin. Alam mo ba, gustong gusto ng kapatid kong babae na siya na lang ang humawak ng company namin para daw parehas sila ni Adam at para daw pag sila ang nagkatuluyan, magiging isa na yun."

Teka. Stop.

Kapag sila ni Adam ang nagkatuluyan?? Sino ba ang kapatid ni Brent?

"Hindi ko nga siya mainitindihan. Dati naman ayaw niya magmanage ng company. Pero nang malaman niya na si Adam na ang magmamanage ng kanila, ayun nagbago ang isip."

"Pero ayaw pa din ni Daddy. Wala daw siyang tiwala sa kapatid ko. Sabi pa niya, kung gusto daw ng kapatid ko na makatuluyan si Adam, magagawan daw niya ng paraan. Ayun, tumigil sa pangungulit kaya sa akin na naman ang bagsak."

"So your sister must really l-like A-adam?" pinilit kong hindi pumiyok sa tanong ko. Hindi kaya may sira sa ulo yung kapatid ni Brent? Obsessed eh.

"A lot!" dugtong niya.

A lot? Alin yung sira sa ulo? Ah, yung pagkagusto pala kay Adam.

"Anong nangyari?"

"Hindi ko nga alam kung nagkita na sila. Imposible kasing hindi pa. Ikaw? Gusto mo ba si Adam?"



"H-ha?"

Relax, Arkisha.

"Mukha kasing close na close kayo? At tsaka mukhang importante ka sa kanya?"

"Akala mo lang yun", sagot ko.

"Iba kasi siya kapag tinitingnan ka niya."

"Imagination mo lang yun."

"Iba rin ang titig mo sa kanya."

"Alam mo, OA ka na. Ayun, ice cream! Mag-ice cream na lang tayo."

Bumili na lang kami ng ice cream. Just when I thought na nakatakas na ako sa tanong niya, nagkamali ako.

"So do you like him?"

"Matagal ng tapos yung sa amin", sagot ko na lang.

"I knew it! Nagkaroon nga kayo ng relasyon. How did you manage to be friends?"

"It just happen", maikli kong sagot.

"Ako. Ayaw kitang maging ex", sabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Bakas sa mukha ko ang tanong na "bakit?"

"Kasi kapag naging tayo na, hindi na kita papakawalan", sagot niya.

Ngumiti lang ako.

"Yung sister mo at si Adam, bakit sila naghiwalay?"

I may sound a little bit tsismosa but there's a part of me na gustong itanong ang bagay na yon.

"I'm not sure pero misunderstanding siguro."

"Sigurado nasaktan yung sister mo?"

"Ahm, yes. Maybe. Pero sa tingin ko mas nasaktan noon si Adam."

Si Adam ang mas nasaktan? Uy, headline yan! Paano nangyari yun?

"Diba si Adam ang number one heartbreaker in town? Paanong siya ang mas nasaktan?"

"Iniwan kasi siya ng kapatid ko. Mahal na mahal ni Adam ang kapatid ko. Akala ko nga sila na ang magkakatuluyan eh. Naging babaero si Adam, kung sino sino ang idinedate. Until one day, nagkita ata sila, gustong bumalik ni Adam sa kapatid ko. Imagine, yung kapatid ko ang umiwan sa kanya pero si Adam pa din ang may gustong bumalik."

Parang alam ko ang part na to.

"Tapos? Anong nangyari?" kinakabahan kong tanong.

"Arkisha? Okay ka lang? Yung ice cream mo natutunaw lang oh", at pinahid niya ng tissue ang kamay ko.

"Sorry, okay lang ako."

"Hindi pa rin siya binalikan ng kapatid ko. May boyfriend na siya noon at ang alam ko may girlfriend din noon si Adam. Hindi ko na nga lang alam kung anong nangyari sa relationship ni Adam at nung current girlfriend niya noon."

AKO, ALAM KO ANG NANGYARI!

Sigaw ng utak ko.

Daig pa ang inlove ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanlalamig ang kamay ko.

"Okay ka lang talaga?" paulit-ulit niyang tanong.

"Oo naman", pagsisinungaling ko.

"Mahal na mahal pala talaga ni Adam ang kapatid mo noh?"

"Noon, oo. Pero ngayon? I doubt it. Tingin ko nga wala ng pakialam si Adam sa kapatid ko ngayon."

"What do you mean?"

"Mukhang baliktad na ang nangyayari eh. Yung kapatid ko na ngayon ang atat kay Adam. Alam ko iniiwasan na ngayon ni Adam ang kapatid ko. Tingin ko naka move on na siya sa kapatid ko."

Nanlalamig pa din ang kamay ko.

"Alam mo, tingin ko hindi ka talaga okay. Gusto mo ba iuwi na kita?"

Good idea.

"Ah, oo. Mabuti pa nga. Sumakit lang ang ulo ko bigla."

Nang makarating kami sa bahay nagpaalam na din kaagad si Brent.


"Nag-enjoy ako", sabi niya.

"Ako din. Salamat nga pala ulit sa chocolates."

"You're welcome", ngumiti siya showing his dimple.

"Thank you din sa flowers", pahabol ko ng sumakay na siya sa kotseniya.

"Flowers? Chocolates lang ang binigay ko ah?"

"Ibig mong sabihin hindi sayo galing yung flowers?"

"No. Mukhang may karibal ako sa puso mo ah?" nakangiti niyang tanong."Goodnight, Arkisha."

Umalis na siya. Eh sino namang magbibigay sa akin ng flowers?


EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon