Thirty

323K 2.6K 353
                                    

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. It was her. Kapatid pala siya ni Brent! Ang dahilan ng break-up namin ni Adam!

Napakswerte naman niya at minahal siya ni Adam ng ganun katindi. Hindi ba niya alam na maswerte siya? Well, siguro ngayon alam na niya kasi sabi nga ni Brent, siya na ngayon ang naghahabol kay Adam.

Kaya ba hindi nagpapakita sa akin si Adam these past few days kasi nagkikita na ulit sila? Kaya ba ganon na lang ang pagpayag ni Adam na ligawan ako ni Brent?

Kaya ba ganon na lang kadali na ipamigay niya ako?

Minsan tinatanong ko pa rin ang sarili ko, kung ano ba ang naging pagkukulang ko kay Adam noon at nagawa niya akong lokohin? Meron ba akong hindi nagawa? O nagawang mali?

Based on Brent's story, mas naunang nagkaroon ng relasyon sina Adam at ang kapatid niya. Ibig bang sabihin, rebound lang ako?

REBOUND.

REBOUND.

REBOUND.

Patalbog-talbog yan sa isip ko ngayon.

Minahal nga ba talaga ako ni Adam noon? O nagkataon lang na ako ang nandoon nang mga panahon na miserable siya dahil iniwan siya ng babaeng mahal niya?

Kung minahal man niya ako, gaano katagal? Sobra ba?

At ngayon, mukhang wala na nga yata talagang pag-asa na mahalin niya ulit ako. Sabi ni Brent, nakamove on na raw si Adam sa kapatid niya.

Well, I doubt it.

Ni minsan hindi ko naramdaman kay Adam ang pagmamahal na ibinigay nito sa kapatid ni Brent. Kaya imposibleng makalimutan kaagad siya ni Adam.

At ngayon, nagbalik na siya. Mas magkakaroon siya ng pagkakataon na mabawi si Adam. Gusto kong lumaban pero ano ba ang laban ko sa kanya?

Anong magiging laban ko sa isang Precious Scarlett Madrigal?

Minsan na siyang nanalo, hindi malabong magawa niya ulit yon. Anong puhunan ko? Itong lintek na nararamdaman ko? Makakaya ba akong ipanalo nito?

Lalo na ngayon na mukhang iniiwasan na ako ni Adam. Isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam and I miss him so much.

I can still remember when he told me na "walang iwanan". I just can't believe na siya rin ang kumain ng mga salita niyang yon.

With just a snap, nagtatakbo na siya noon kay Scarlett.

And I was left behind.

Alone.

Crying myself every night to sleep. Yung tipong kahit natutulog na ako, magigising akong basa ng luha ang pisngi ko.

Accepting the fact na PRIORITY ko siya pero OPTION niya lang ako.

I love him so much and it hurts.

Kung literal lang na nakakamatay ang pagiging broken hearted, malamang matagal na akong nakalibing.

But then I realized, na hindi ko dapat sayangin sa pagmumukmok ang oras ko. I have to move on.

It's part of the relationship. Trial and error. Magkakamali at magkakamali ka. You just have to pick up yourself and move on with your life.

I gave my best at nasa sa kanya na kung hindi niya nakita yon. It's his lost, not mine.

But still I'm asking myself, ano nga ba ang nangyari sa aming dalawa?

And the answer? We end up as Ex with Benefits.

EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon