Twenty

374K 3.1K 241
                                    

As promised na magdedidicate ako sa kanya. Eto na.  I ddcate this @prexiousdoll!

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Twenty

"O? Nag-away ba kayo ni Adam?"

Maayos na ulit ang bahay. Nadatnan kong nanonood ng t.v. sina Ate Gem at Jane. Napansin siguro nila ang dala dala kong mga gamit ko.

"Hindi", sagot ko kay Ate Gem.

"Maniwala ka dyan? Nag-away yan", bulong ni Jane sa kanya.

Nakakita ako ng unan sa sofa at ibinato kay Jane.

"Narinig ko yon!"

"Aray naman!"

"O? Eh bakit nag-alsa balutan ka na at bumalik ka na dito ngayon?" tanong ni Ate Gem.

Tinabihan ko sila.

"Bakit? Masama ba? This is my home. Eh ikaw Ate Gem? Bakit bumalik ka na dito? What happened between you and Harris?"

"Nag-away na naman kami eh."

"I get it. Kaya pala ganun ang tanong mo saken. Well what's new? Palagi naman kayong nag-aaway eh."

"Hoy! Kahit palagi kaming nag-aaway, mahal na mahal ko pa din ang tukmol na yon noh!"

"I didn't say anything", depensa ko.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi ako nagugutom eh. Magpapahinga na lang ako."

Tumayo na ako at nagdiretso sa kwarto. Nagbihis at humiga sa kama ko.

May isang oras na yata akong nakahiga sa kama pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Walang ibang laman ang isip ko kundi si Adam.

Hindi ba dapat hindi ko na siya iniisip ngayon? Wala na. Tapos na. Tapos na tapos na kami. Matagal na. Since the day we broke up dapat noon pa lang tinanggap ko na na tapos na kami. Na dapat dumistansya na ako sa kanya. Kaya heto ako ngayon, mas nahihirapang magmove on.

Sabi ko na eh, dapat talaga hindi ako naniniwala sa mga hula hula na yan eh. Kaya nga hula diba, walang kasiguraduhan. Hinulaan lang. Siguro nagkataon lang na yung number na yun ang nasa isip ng manghuhulang yon.

"Sige na Arkisha, magpahula ka na din", udyok ni Ella.

"Ayoko nga!" tanggi ko.

"Ang KJ mo! Wala namang mawawala sayo pag nagpahula ka. Sige na."

Sabagay, may point siya. Inilahad ko ang kamay ko sa manghuhula. Hinawakan niya ito. Pinag-aaralan ang palad ko. I find it really weird. Paano niya nagagawang manghula sa pamamagitan ng pagtingin lang sa palad ng tao?

"May karelasyon ka ngayon, iha", sabi ng manghuhula. Hindi siya tanong pero hindi ko mapigilang mapatango.

Hmp. Tsamba lang yun. Dalawa lang naman ang pagpipilian, may single or taken.

"Ang galing nyo po! May boyfriend nga po yan, si Adam", singit ni Ella.

Pinandilatan ko si Ella. Ang daldal kasi, hinihintay ko nga kung mahuhulaan din ni Manang yung pangalan ng boyfriend ko.

"Masaya ka sa piling niya. Mahal na mahal mo siya..", pagpapatuloy ng manghuhula.

Okay. Now I'm enjoying this. I'm finding it romantic. Sige pa Manang, ano pang nakikita mo sa palad ko?

"Bago pa lang kayo. Marami pa kayong pagdadaanan.."

=__=

Nyeee.. Syempre, lahat naman ata ng relasyon, ganun.

EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon