Forty

276K 2.9K 1.1K
                                    

3rd person's POV/ Nobody's POV

Bumukas ang pinto ng opisina ni Adam at iniluwa nito si Scarlett.

"Hi Hon!" bati ni Scarlett.

Nagulat si Adam nang makita na naman niya ang babae sa opisina niya. Napatayo siya.

"Scarlett, stop calling me Hon", utos ni Adam. "What is it this time?"

"Why? We used to call each other that endearment before."

"Exactly, before. We're totally over."

"But Adam, I already told you my reasons and I still love you, I believe that everyone deserves second chance", sabi ni Scarlett habang papalapit siya kay Adam.

"I love Arkisha."

"I don't care, hindi magtatagal marerealize mo din that she is a rebound."

"She is not a rebound! I love her so much!"

"But how about me? What about my feelings? For her own sake sasaktan mo ako?" paawa niyang tanong.

"Ikaw ang gumagawa ng dahilan para saktan ang sarili mo."

"Ginagawa ko lang ang lahat ng ito dahil mahal kita. Kasalanan bang mahalin kita? Kung maibabalik ko lang, sana sinabi ko na lang sayo na buntis ako. Pero nag-aaral tayo parehas noon."

"Scarlett, paulit ulit akong hihingi ng tawad sayo kung gusto mo but you also have to accept the fact that things will never be the same again."

"AJ", tawag niya kay Adam sa malungkot na boses. Tuluyang lumapit si Scarlett kay Adam at humikbi sa dibdib ni Adam.

*knock knock*

Pilit na ilalayo ni Adam si Scarlett sa katawan niya nang may marinig siyang katok ngunit ayaw lumayo ni Scarlett.

**

Arkisha's POV

Sa wakas natapos din ang midterm exams. Makakauwi din ng maaga, pero mas feel kong makita si Adam. Namimiss ko na siya eh. Hindi naman siguro siya magagalit kung pupuntahan ko siya sa opisina niya. Gusto ko lang siyang makita talaga, kahit umalis ako kaagad basta makita ko siya.

"Yes?" tanong ng isang babae sa akin. She must be his secretary.

"I'm looking for Adam. Nasa loob po ba siya?"

"You are?"

"I'm Arkisha, his girlfriend", sagot ko.

"Girlfriend ka rin?"

"Ano po yon?"

"Wala. Akala ko kasi yung nasa loob ang.. Anyway, pumasok ka na lang sa loob."

Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto. Halos mamutla ako sa nakita ko. Sobrang lapit ng katawan ng babaeng yon kay Adam.

Agad iyong itinulak palayo ni Adam nang makita ako.

"Babe", salubong sa akin ni Adam.

Humarap ang babae.

It's her!

"Bye AJ, see you around", malanding paalam ng babaeng yon sa boyfriend ko habang nakangiti siya.

AJ?

Psshh!

"Babe", tawag ulit sa akin ni Adam. Gusto na naman ata nitong mabato ah!

"Kelan pa?" tanong ko nang hindi nakatingin sa mga mata niya.

Unti unti niyang hinahawakan ang kamay ko.

"Kelan pa kayo nagkikita ng babaeng yon?" matigas kong tanong.

"This is just the second time", mahina niyang sagot.

"Just the second time? Just? At wala ka man lang bang balak sabihin sa akin?"

"Sasabihin ko din naman sayo. Arkisha, wala kaming ginagawang masama."

"So kailangan ko pang maghintay na may gawin kayo? Sabagay, kitang kita ko nga eh, you were so close."

"Arkisha, please believe me", sabi niya habang mahigpit ang hawak sa kamay ko.

Hinawakan ko ang mukha niya.

"Adam, naniniwala naman ako sayo. Natatakot lang ako. Natatakot akong mawala ka ulit sa akin. Minsan ka na niyang inagaw sa akin. Ayoko ng maulit yon."

Niyakap niya ako.

"No baby, mahal kita, tandaan mo yan."

"Mas mahal kita."

He gently kissed my lips.

Paglabas ko ng opisina ni Adam, habang naglalakad, I saw Scarlett sa isang restaurant. She's alone, so I decided na lapitan siya.

Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin.

"Excuse me but I don't remember inviting you here?" mataray niyang sabi sa akin.

"We need to talk", sagot ko. "Stay away from my boyfriend", utos ko sa kanya.

"Why? THREATEN MUCH?" maarte niyang tanong.

Ginaya ko ang tono niya.

"Why not? Cause you're MALANDI MUCH!"

"How dare you!"

"GUILTY MUCH?" pangaasar ko sa kanya.

"I knew it, wala ka ngang tiwala kay AJ", at marahan siyang tumawa.

"May tiwala ako sa kanya, sa pagmumukha mo ako walang tiwala."

"You know what, naaawa ako sayo. Imagine, nakuha mo pa akong lapitan dito para lang sabihin sa akin yan? Pathetic!"

"Nakita kasi kita, nag-iisa. You must be really lonely, ang bait ko nga, nilapitan pa kita", sabi ko. "If I am not mistaken, halos itulak.. no, itinulak ka na ng boyfriend ko kanina, eh kasi naman, ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa kanya, now tell me, sinong nakakaawa sa ating dalawa?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.

Tumawa na naman siya. May sayad ata to ah!

"That part? Yun lang naman ang naabutan mo diba? Hindi mo alam kung gaano na kami katagal sa loob. Anong sinabi sayo ni AJ? Wala diba? Sino nga naman kriminal ang aamin na nagkasala siya?"

"Are we talking about criminal here? Eh ikaw lang ang kilala kong ganun. Stealing someone's boyfriend is a crime", sabi ko.

"I didn't steal your boyfriend. The last time I check, siya ang naghahabol sa akin noon. I can't blame him."

"You didn't but you will, don't you? Diba yan ang gusto mo? But sorry to disappoint you."

"Ano bang alam mo sa mga nangyari at nangyayari? We had a connection at hindi mo na maiaalis sa amin ni AJ yon. Alam ko mahal pa din ako ni Adam. First love never dies, darling", sabi niya.

"Hindi ka ata nainform? Binago na. TRUE LOVE never dies, ang bagay na hindi nag-exist sa pagitan nyo ni Adam na siyang nararamdaman namin ngayon."

"Minsan ko na kayong napaghiwalay when AJ run to me, kayang kaya ko ulit gawin yon", sabi niya.

Ako naman ang tumawa ng bahagya.

"Scarlett darling," ginaya ko ang tono niya kanina. "Just a piece of advice, two words, TRY HARDER!"

Then I left her, alone.


EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon