Sixty Two

244K 2.8K 495
                                    

Arkisha's POV

Nanalo yung team nina Adam sa basketball. Malay ko ba na magaling talaga siyang magbasketball. Kahit na wala siya doon buong laro. Eh sabi ko nga diba, sa ibang basketball magaling yan.

Sinamahan na niya ako pauwi sa bahay. Itinext ko na lang si Jam at sinabi ko na isabay na lang si Ian pauwi. Yon ay kung sasabay sa kanya si Ian.

Paguwi namin sa bahay, ang daming kalat sa sala. Hindi ko alam kung saan nanggaling yon.

"Ma, ano po itong mga ito?" tanong ko kay Mama.

"Ah, eh kasi inilabas ko yung mga gamit na hindi na kailangan, para maitapon na. Pampasikip lang dito sa bahay natin eh", sagot ni Mama.

Eh teka, saan matutulog nito si Adam? At may pagkamanguhula yata si Mama kasi sinagot niya yung tanong ko.

"Arkisha, sa kwarto mo na muna patulugin si Adam ha", sabi ni Mama.

"PO? Bakit?"

"Hindi nga pwede sa kwarto ni Ian diba? At tsaka ano bang inaarte mo?" tanong niya at pagkatapos tiningnan niya ang umbok ng tiyan ko. Nahiya naman ako bigla.

Wala akong nagawa kundi pumayag na sa kwarto ko matulog si Adam. Mas malaki nga ang kama ko kumpara kay Ian. Kinuha ko na ang unan at kumot ni Adam at dinala sa kwarto ko. Siguro sinabi na rin ni Mama kay Adam na sa kwarto ko siya matutulog kasi nung oras na ng pagtulog pumasok na siya sa kwarto ko.

"Okay lang kahit sa sahig ako matulog", sabi niya.

"Ayaw mong tumabi saken?" I asked sarcastically.

Ngumiti siya. "Syempre gusto! Ikaw lang ang iniisip ko.. baka.."

Tinalikuran ko na siya at niyakap ang unan ko.

"Pakipatay na lang ng ilaw", sabi ko at natulog na ako.

No. Hindi pa pala ako tulog. Makakatulog ba ako? Naramdaman kong humiga na si Adam sa tabi ko.

Ilang minuto na ang lumilipas, hindi pa din ako nakakatulog. Si Adam kaya, tulog na?

Pssshh..

Pake ko ba?!

Isang oras. Isang oras na akong tulala. Lutang ang isip. Siguro naman tulog na ang katabi ko.

Bumangon ako ng konti at pinagmamasdan ko siya habang mahimbing na natutulog (kung natutulog nga siya?). Mas lalong naemphasize ang haba ng pilik mata niya ngayong nakapikit siya. Ang matangos niyang ilong na kinukurot kurot ko noon, ang labi niya na magaling humalik.

Nasabi ko na ba na magaling nga siyang humalik?

Hinaplos ko ang pisngi niya. Siya ang lalaking minahal ko ng sobra. Ng higit pa sa buhay ko. Siya din ang lalaking may dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Bakit ba siya nandito? Okay na ako diba? Nakakaya ko na naman ang mag-isa. Nasasanay na ako. Bakit kailangan pa niyang magpakita? Bakit kailangan pa niya akong guluhin?

Hindi ko namamalayan, pumapatak na pala ang luha ko. Hindi ko alam kung para saan ang mga luhang ito. Isa lang ang sigurado ako.

MAHAL KO PA RIN SI ADAM.

Mahal ko pa rin ang lalaking ito. Kaya mas natatakot ako. Natatakot ako kapag malapit siya sa akin. Baka

bumigay ang puso ko. Kailangan kong maging matatag. Para sa mga anak ko.

Sa totoo lang, ayoko din naman na nakikitang nahihirapan si Adam, pero kailangan kong gawin ang lahat ng ito dahil kaylangan niyang matuto. Hindi pwedeng paulit ulit ang mga nangyayari. Kailangang may magbago.

EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon