Fifty Four

248K 2.8K 586
                                    

Arkisha's POV

I've got nowhere to go. Magulong magulo ang isip ko. Ayoko pa rin namang umuwi sa boarding house pero ayoko din namang mag-isa. Buntis ako at baka kung anong mangyari sa akin. Kinuha ko ang phone ko and I dialed Jane's number.

"Puntahan mo ako dito ngayon", sinabi ko sa kanya kung saang restaurant ako naroroon. "Dito ko na lang sasabihin sayo ang nangyari."

Mabilis namang nakarating si Jane.

"Isasama ko sana si Ella pero wala siya eh", sabi niya pagkaupo niya. I told her what happened.

Nanlaki ang mata niya ng marinig niya ang sinabi ko.

"Ang bruhang yon! Nagawa niya yon sayo?! Nasaan na siya? Kriminal siya! Okay ka lang ba? Are you sure?" nagaalala niyang tanong.

"Medyo okay. Well I have to be okay for my babies. I need to be strong."

"Si Adam? Alam na ba niya ang nangyari?"

Tumungo ako.

"I don't know. I'm sure wala naman siyang pakialam", pinipigilan kong humikbi.

Nag-angat ako ng tingin and I looked at her.

"Jane, pagod na ako. Ayoko na. Alam mo yung pakiramdam na lahat naman ginawa ko, lahat binigay ko pero kahit anong gawin ko kulang pa rin? Lagi akong talo. Just when I thought na okay na ang lahat, ayan na naman, may bagong pagsubok na naman. Minsan tinatanong ko, wala ba talaga akong karapatang sumaya?"

Hinawakan niya ang kamay ko. Pinipigilan kong hindi umiyak kasi na public kami pero buti na lang kokonti ang tao ngayon sa restaurant.

"Sabi ko noon na si Adam ang happiness ko but then I realized, siguro nga tayo talagang mga tao ang gumagawa ng sarili nating happiness. Hindi natin pwedeng iasa sa iba kaya naman mula ngayon, gagawa ako ng sarili kong happiness. Yung hindi siya kasali. Yung walang taong makakapanakit sa akin."

"What do you mean?" tanong ni Jane.

"Arkisha!"

Sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin.

"Thank God I found you", sabi niya at niyakap niya ako.

"How are you?" ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.

"Okay naman", sagot ko.

I invited her to sit down.

"Bakit mo ako hinahanap?" tanong ko.

"Kailangan kong maunahan si Adam sa paghahanap sayo eh", sagot niya.

Naguluhan ako sa sagot niya. Si Adam, hahanapin ako?

Napansin niya siguro na parang may pag-aalinlangan ang reaksyon ko sa sinabi niya.

"Okay. Adam knows everything. Alam na niya na anak niya ang dinadala mo. Alam na din niya walang nangyari sa inyo ni Brent."

Honestly, habang sinasabi ni Venice ang lahat ng yon, wala akong pakialam. Wala akong maramdaman. Wala akong pakialam. Not interested.

Hindi na rin ako nacurious kung paano naniwala si Adam. Wala na talaga. Parang mula ng lumabas ako ng kwarto niya, noong araw na pinagtabuyan niya ako, nilagyan na niya ng tuldok ang lahat.

"Arkisha, are you listening?" tanong ni Venice.

"Okay", walang gana kong sagot.

"Okay? What okay?"

I took a deep breath.

"Okay as in I heard it and I don't care."

"Oh Arkisha.."

EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon