Thirty One

320K 3.1K 795
                                    


Adam Jacob's POV

It's been a very busy week. Ang daming kailangang asikasuhin sa opisina. Tambak pa ang schedule ko ng meetings.

I want to see her! I'm dying to see Arkisha. I miss her so much.

Bakit ba kung kailan handa na ako saka naman nagsulputan ang mga meetings na to. Now I want to hate being the successor of Castrences. Once I am finished with all of these, I swear, I'll talk to her.

"So, this is what's keeping you busy?"

Pag-angat ko ng tingin nasa harapan ko si Christian. Remember him?

"Don't you know how to knock? At paano ka nakalusot sa sekretarya ko?"

"Charms pare. You should try it sometimes", sagot niya.

"Kahit pala anong edad, gumagana yang charms mo?"

"Naman!"

Napapailing ako. Parang gusto ko na talagang palitan ang sekretarya ko. Well, my secretary is not the typical secretary that you know. She is in her early forties, with three kids. Si Daddy ang kumuha sa kanya. Alam kasi ni Dad ang likaw ng bituka ko pagdating sa mga babae.

"What brought you here?" tanong ko.

"Yayayain ka sana namin sumama mag out of town. Tara?"

"Sayo na nanggaling diba? I am busy. See this?" tukoy ko sa mga papeles sa mesa ko.

"Tsk. Tsk. Sayang talaga. Ang dami mo ng namimiss pare."

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko na lag siyang lumabas.

"Wait, si Brent na lang pala ang yayayain ko", pahabol ni Christian.

May inis akong naramdaman nang marinig ko ang pangalan ng lalaking yon.

"Ang bilis niya talaga noh? Imagine, yung babe na kasama mo sa party ko eh siya na ang kadate ngayon? Ano ba yon? Ipinamigay mo o inagaw sayo?"

Tumaas yata ang lahat ng dugo ko sa aking ulo.

"Oh pare, don't get me wrong ha?"

"Ano bang ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Well, Chloe and I saw them together at the park the other day. Ang sweet pare, kumakain pa ng ice cream. Sabi ko nga kay Chloe, magdate din kami ng ganun minsan eh. Nakakilig pala!" at tumawa pa siya.

Hindi ko na alam ang mga sunod pa niyang sinabi. Nang magbalik ang diwa ko, wala na siya sa loob ng opisina ko.

Magkadate sina Arkisha at Brent?

No way!

Kakasabi ko lang diba na kakausapin ko na siya. Mabilis ba si Brent o mabagal lang talaga ako?

Arkisha is mine!

Maybe not yet..

But Arkisha will be mine!

**

Inayos ko na ang mga gamit ko. Pauwi na ako and I decided na bukas na bukas pupuntahan ko na si Arkisha. Hindi pala umeepekto ang pamysterious effect ko sa kanya. Wala yatang bisa ang pagbibigay ko ng mga bulaklak. Naisip niya kayang ako yun? O baka may iba pang lalaki na nagbibigay sa kanya ng bulaklak? Like Brent?

I hate the idea.

Mas pinili kong ibaba ang bintana ng kotse ko para makalanghap ng hangin kahit na medyo polluted. At mukha talagang nang-aasar ang tadhana.

Inaasar ba ako ng kanta sa katabi kong jeep?

Hindi ka makatulog, dinig mo ang ulan
Kung pwede lang ulitin, ba't mo di simulan?
Hindi mo ba naisip na babalik din siya?
Kung pwede lang ulitin, ba't di mo simulan?


Wo-oh woh-oh
Bago mahuli ang lahat
Sa bilang ng tatlo o apat
Sundan mo, sundan mo,
Puntahan mo na siya

Bago mahuli ang lahat..

Para akong nauntog sa kantang narinig ko. Dali-dali akong nag U-turn at tinahak ang daan papunta sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Arkisha.

10:00 p.m.

Cup of Chinos

Inabangan ko siya sa may labas.

"Adam!"

Parang gulat na gulat pa siya ng makita ako.

"Are you expecting someone? Is it Brent?" tanong ko.

"Hindi naman sa ganon, nagulat lang ako. Bakit ka nga pala nandito? Sarado na kami."

"I know. Napadaan lang ako", pagsisinungaling ko. I'm not good at this. Damn!

Tumango lang siya.

"I heard nililigawan ka na ni Brent?" pikit mata kong tanong. Hindi naman siguro niya ako napansin kasi madilim and besides she's not looking at me.

"Oo, kasi yung taong akala kong kaibigan ko eh basta basta na lang ako ipinamigay", sagot niya.

Ipinamigay? Yun ba ang tingin niya? God knows na hindi ko kayang gawin yun!

"Hindi totoo yan", sabi ko.

Tiningnan niya ako.

"Hindi mo na kailangang ipagtanggol ang sarili mo Adam. Tanggap ko na."

Naguguluhan ako. "Tanggap na ano?"

"Tanggap ko na hindi mo ako gusto. Na kahit kailan hindi mo na ulit ako magagawang mahalin. Kitang kita naman kasi, ako lang ang bulag. Kahit na minsan nakakalito ka. Minsan sweet ka sa akin, pero mayamaya lang ibang babae na ang kasama mo. At least ngayon, alam ko na."

WHAT??!

That is not true!

May napansin akong namumuong luha sa mga mata niya.

Ngumiti si Arkisha.

"Ang gaga ko noh?" sabi niya at tuluyan ng tumulo ang luha niya ngunit pinahid niya din kaagad.

"Kunyari hindi ako umiyak sa harapan mo ha. Ayoko kasing makikita mo akong umiiyak.."

Habang sinasabi niya yon, mas lalo lang dumadaloy ang mga luha sa pisngi niya. Sunod sunod din ang pagpunas niya.

"...ayoko lang kasing makita mo akong umiiyak. Ayokong malaman mong iniiyakan pa rin kita."

Natulala ako. Gustong gusto ko siyang yakapin at ikulong sa mga braso ko.

"Lintek na luha to, ayaw tumigil. Makisama naman kayo", sabi niya sa sarili at pinahid ang mga luha.

Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong gawin, pero naschock ako sa mga sinabi niya.

Iniiyakan pa rin niya ako? Mahal pa ba ako ni Arkisha?

Nasilaw ako sa ilaw ng kotseng dumating. I know its Brent.

Bumaba siya sa kotse at nilapitan si Arkisha. Parang nalagyan ng semento ang mga paa ko. Hindi ako makagalaw. Next thing I know nakasakay na silang dalawa at nasa passenger seat na si Arkisha, saka lang ako nakagalaw.

Kumatok ako sa bintana ng kotse, sa tapat ni Arkisha. Bumaba ang bintana.

"Arkisha, baba", utos ko kay Arkisha.

Lumabas si Brent sa kotse.

"Adam, anong ibig sabihin nito?" tanong ni Brent.

"Arkisha, please, bumaba ka diyan", utos ko sa kanya.

Nagtatanong ang mga mata niya. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginamit ko pero sinunod niya ako. Bumaba siya sa kotse.

Hinawakan ko siya sa kamay at hinarap si Brent.

"I'm sorry Brent, pero hindi ko kayang ipaubaya sa kahit kanino si Arkisha."

Pagkasabi ko noon, isinakay ko na sa kotse ko si Arkisha at iniwan namin ang tulalang si Brent.


EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon