Forty Six

239K 1.7K 206
                                    

Arkisha's POV

"Excited na talaga ako! Imagine, isang linggo na lang gagraduate na tayo!" si Jane.

"Oo nga eh. Pero bago yun, alam ko mas excited ka bukas", sabi ni Ella.

Andito kami sa mall, namamasyal. Tsaka may bibilhin daw itong si Ella.

"Bakit naman ako magiging excited bukas, aber?"

"Eh kasi bukas na kaya tutugtog ang banda nina Brent", sagot ni Ella.

Oo nga pala, bukas na nga pala yung sinabi sa akin ni Brent nung huli kaming nagkita.

"Hindi ke ne nge kase sye crush eeeehhhhh", maarteng sabi ni Jane.

"Sus! Wag kang manonood bukas ha! Ikaw, Arkisha, excited ka na din ba?" ako naman ang binalingan ni Ella.

Busy naman ako sa pagtingin ng mga damit.

"Syempre naman. Ang tagal ko kayang hinintay makgraduate", sagot ko.

"Alam ko naman yun, ang tanong ko kung excited ka na sa pagtugtog nina Brent."

"Ah.. Oo. Excited din. First time ko kasi siya mapapanood pero narinig ko na naman siyang kumanta."

"Ah, eh nga pala. Luluwas ba ang mga magulang mo sa graduation?"

Napatungo ako.

"Halata na ba?" tanong ko sa dalawa. Tukoy ko sa tiyan ko.

"Hindi pa naman, wag kang mag-alala", sagot ni Jane.

"Eh paano mo nga pala yan sasabihin sa mga magulang mo?"

"Hindi ko pa din alam eh. Pag-uusapan na lang siguro namin ni Adam pagdating niya."

"Speaking of Adam, malapit ng dumating yun ah", sabi ni Ella.

Oo, malapit na nga siyang dumating. Araw araw naman tumatawag siya, kinakamusta ako. Minsan natetempt akong sabihin ang kalagayan ko pero mas gusto ko kasi talagang ibalita sa kanya sa personal.

"Oo, ilang araw na lang dadating na siya", sagot ko.

Hinila kami ni Ella sa mga damit ng pambata. Kumuha siya na isa, kulay pink.

"Arkisha, tingnan mo ito oh, sigurado bagay na bagay to sa babies mo", sabi ni Ella.

"Ella ano ka ba?! Eh pang 1 year old na yang kinuha mo eh, anong akala mo sa mga anak ni Arkisha, ganyan na kalaki paglabas? Tsaka pink? Hindi bagay sa lalaki ang pink!" sabi ni Jane.

Nagtatalo na naman sila. Pero sa totoo lang naaaliw ako sa dalawang ito kapag nagtatalo sila.

"Lalaki? Sino naman ding may sabi sayo na lalaki ang magiging anak nila ni Adam? Babae yan! Kaya nga pink eh!" sagot naman ni Ella.

"Baliw talaga kayong dalawa! Huwag nyo nga pagtripan ang kambal ko!" sita ko sa kanila sabay tawa.

**

Sabay sabay kaming tatlo pagpunta sa school. Ngayon na tutugtog sina Brent. Balita ko may iba pang banda ang inimbitahan ng school. Mahaba habang gabi to.

Para hindi ako maconscious sa tiyan ko, isang pink na dress na lang ang isinuot ko. Girl na girl ako tonight.

"Wow! Ang sexy mo pa rin kahit buntis ka na!" sabi ni Ella.

Glad You Came by The Wanted ang tugtog ng pumasok kami. Sobrang dami ng tao. Yung mga ilaw nakakasilaw, but I'm sure everyone will enjoy the night.

"Namiss kong sumayaw!" sabi ni Jane habang naglalakad papunta sa table na napili namin. Sumasayaw sayaw pa nga siya eh habang naglalakad.

Sakto pagkaupo namin, lumabas na sa stage ang banda ni Brent at nagsimulang tumugtog.

EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon