Sixty Four

232K 3.2K 674
                                    

Adam's POV

Napakabilis ng panahon. November na. Kabuwanan na ni Arkisha. Yung tiyan niya, sobrang laki na talaga. No wonder, dalawang bata ang nasa loob. Palagi ko siyang sinasamahan sa mga check-up's niya. At ngayon hinihintay na lang namin ang nalalapit na paglabas ng dalawang bata.

Papalapit sa akin si Arkisha ng mapansin kong parang may mali.

"Babe okay ka lang ba?" tanong ko kay Arkisha.

Napansin ko kasi na parang hindi siya mapakali.

"A-adam, MANGANGANAK NA ATA AKOOOO!!"

Tumayo ako at nagsimulang mataranta.

"ANO?? SAN-SANDALI!! IAN! TAWAGIN MO SI MAMA, SABIHIN MO MANGANGANAK NA ANG ATE MO!" utos ko kay Ian. Agad naman siyang lumabas ng bahay.

"ADAM! ANO BANG GINAGAWA MO? BAKIT BA PAIKOT-IKOT KA SA BAHAY! MANGANGANAK NA AKO!"

"Natataranta na kasi ako. Huwag mo kasi akong sigawan."

"ANONG GUSTO MO? BUMULONG AKO!? A-ARAYY! ANG SAKIT NA TALAGA!!"

Nilapitan ko siya.

"Sandali, kukunin ko lang ang mga gamit sa kwarto."

Dali dali akong pumasok sa kwarto at kinuha ang mga gamit na matagal ng nakahanda. Natataranta pa rin ako habang kinukuha ko ang mga gamit. Ganito pala ang pakiramdam kapag magiging tatay ka na.

Lumabas na ako agad at nakita ko si Arkisha na nakaupo na siya sa sofa at nanonood ng t.v.

O.o

Hinawakan niya ang remote at inilipat lipat pa ang mga channel.

"Ibalik mo na yan. OA ka", sabi niya nang tingnan niya ako.

AKO PA ANG OA? Sino kaya ang sigaw ng sigaw kanina??

"Diba manganganak ka na?" tanong ko at inilapag ko sa isang tabi ang mga gamit na bitbit ko. Tinabihan ko siya sa sofa.

"Nawala ang sakit eh. Hindi pa siguro. Hahahahaha!" sagot niya at tawa na siya ng tawa sa pinapanood niya.

"Alam mo ba kung gaano ako nataranta??"

"Oo, kita ko naman. Eh anong magagawa ko eh sa hindi pa pala ako manganganak? Alangan namang pilitin ko ang sarili ko na umanak ngayon eh hindi pa pala?"

Pinagtitripan ba ako ng buntis na to?

Tiningnan niya ako.

"Galit ka ba sa akin? Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya.

Bigla namang dumating ang Mama niya.

"ASAN NA? ASAN NA ANG ANAK KO???!"

Mag-ina nga sila. Kung makasigaw eh.

"Akala ko ba mangaganak ka na?"

"Eh hindi pa daw po. False alarm", sagot ko. Ako na ang sumagot, busy sa panonood ang buntis na ito eh.

Dinikit pa ni Arkisha ang katawan niya sa akin at inihilig ang ulo niya sa balikat ko, tapos tatawanan ang pinapanood niya.

Siguro pinagtitripan lang ako nito kanina. Ang sweet eh.

>.<

"Hay, akala ko naman manganganak na talaga ang batang ito. Halos madapa pa ako sa pagtakbo pauwi", sabi ng Mama niya at nagdiretso na siya sa kusina.

Tiningnan ko si Arkisha na nakahilig pa din sa balikat ko.

"Kita mo na? Kung nadapa ang Mama mo, naku", sabi ko.

EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon