Twenty Two

370K 3.5K 514
                                    

TWENTY TWO

"Magbar na lang kaya tayo?" yaya ni Ella.

Maagang natapos ang klase namin. Nakatambay pa kami sa school. Wala naman kaming pasok sa coffee shop ngayon. Ewan ko nga ba dyan kay Ella. May kaya naman ang pamilya niya, pero mas pinili niyang maging working student. May gusto daw kasi siyang patunayan. Lahat ng gadgets, meron yan. Isang patunay ang ipad na hawak ko ngayon. Bago na naman to, kasi nga yung dati nanakaw.

"Ayokong magbar. Ingay ingay", sagot ko.

"Eh syempre, alangang tahimik? Tara na lang kasi. Kesa naman takbo ka ng takbo dyan. Hindi ka ba nahihilo? Ang bilis bilis oh!"

Naglalaro kasi ako ng Temple Run 2.

"Shhh, wag kang magulo dyan. Pag ako nataya, lagot ka saken. Mata-top score ko na oh."

"Matatop score? So sinusubukan mong i-beat ang sarili mo?"

Natawa ako. Tama siya. Ako pa rin naman ang leading. Ako lang naman ang naglalaro nito sa ipad niya eh.

"Arkisha, tara na kasi. Kung si Jane ang kasama ko, sigurado papayag yun", pilit niya.

"Exactly. I'm not Jane", sagot ko.

"Hmp. Nakakainis ka talaga! Matataya ka din dyan!"

Maya maya tumahimik siya. Nag-iisip ba? Ewan.

"Adam!" biglang sigaw ni Ella.

Ay! Lintek! Nahulog. Nataya ako. Ang ingay kasi ni Ella eh.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Nakatungo pa din ako at nakafocus sa new game, kahit na alam kong hindi ako makakapagconcentrate. Nararamdaman kong may papalapit sa amin.

Ayokong tumingin. Ayoko.

"Adam! Hindi kita masyadong nakikita ah! Busy?" tanong ni Ella sa kausap niya na sa tantiya ko ay palapit na palapit na.

May kinuha si Ella na notebook sa bag niya. Samantalang ako ilang beses ng nag new game kasi laging nadedead.

"Eto yung hiniram kong notes last week. Pasensya ka na ha, natagalan sa pagsoli. Thank you", sabi ni Ella.

"Okay lang", sagot ng lalaking hindi naman pamilyar sa akin ang boses.

Unti unti kong tiningnan ang lalaki sa harap namin. Paalis na siya.

"Sino yun?" tanong ko kay Ella.

"Si Adam, kaklase ko yun sa isang subject. Eh may hiniram akong notes. O? Bakit? Akala mo si Adam mo ang tinawag ko?"

Nag-iwas ako ng tingin.

"Hindi ah! And he's not mine", sagot ko. Nagconcentrate na ulit ako sa nilalaro ko.

Nagpaalam si Ella na bibili lang daw siya sandali ng tubig.

Mabilis naman siyang nakabalik. Para ngang may kasama siya eh, kasi parang may nakasunod sa kanya. Hindi ako sigurado.

"Hahaha! Hay naku Adam, ikaw talaga! Hahaha!" tawa ng tawa si Ella.

May kasama nga siya. Akala ko umalis na yung lalaking kausap niya kanina, heto't kabuntot niya. Pero hindi pa din ako nag-aangat ng tingin. Busy pa din ako sa nilalaro ko. Malapit ko na ngang mabeat ang sarili ko eh.

"Saan mo ba gustong umupo? Sa tabi ko o sa tabi niya?" tanong ni Ella. Kausap pa din niya ang lalaki.

Teka nga. Bakit sa tabi ko eh hindi ko nga kilala ang Adam na yun eh?

EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon