Twenty Five

345K 2.9K 481
                                    

TWENTY FIVE


"Brent??! Anong ginagawa mo dito?"

Papalabas na kami ni Jane ng school nang makita ko sa may gate si Brent.

"Sinusundo ka", sagot niya.

"Huh? Bakit? Paano mo nalaman na dito ako nag-aaral?"

"I did some research."

Naramdaman kong kanina pa ako sinisiko ni Jane. Pagtingin ko sa kanya, ang lapad ng ngiti niya.

"Ah, Brent this is Jane, kaibigan ko. Jane, si Brent", pakilala ko.

"Hi!" inilahad ni Jane ang kamay niya. At siya pa talaga ang naunang maglahad sa kanilang dalawa.

"Hi! Nice to meet you", sagot naman ni Brent. "Pauwi ka na ba? Ihahatid na kita", alok niya sa akin.

"Actually, Jane and I are on our way sa coffee shop--"

"Cup of Chinos?" tanong niya.

"How did you know?"

"I told you. Nagresearch ako. Tara. Ihahatid ko na kayo."

"Girl, pumayag ka na. Gamitin mo na ang charm mo para makatipid", pasimpleng bulong sa akin ni Jane.

Para makatipid o para makapagpacute siya?

Noong una, ayoko talaga. Nakakahiya kasi, pero mukhang wala siyang balak tumigil sa pangungulet at ang kasama ko naman ay mukha gustong gusto din kaya pumayag na ako.

Nang makarating kami sa coffe shop, hindi muna siya umalis, umorder muna siya at tumigil sandali. Pero nang may tumawag sa kanya sa cellphone ay nagpaalam na siya.

"Nanliligaw ba yun sayo?" tanong ni Jane.

"Hindi ah. Kakakilala ko pa nga lang dun eh. Bakit?"

"Alam mo, kay Adam pa din ako. Siya pa rin ang gusto ko para sayo."

"Si Adam talaga?"

"Oo, para sa akin si Brent! Hahaha!"

**

"Kaninong kotse yan?" tanong ni Ella. Nakasilip kaming apat sa bintana. May tumigil kasing kotse sa harap ng boarding house.

Pagkalipas ng ilang saglit, bumaba ang isang babae. Yung babaeng sinasabi kong isa sa mga dyosa.

"Ang ganda niya", komento ni Jane.

"Sosyal", sabi ni Ella.

"Sopistikada", sabi ni Ate Gem. Pagkatapos nilang magsalita, lahat sila nakatingin sa akin, hinihintay ang komento ko.

Tiningnan ko din sila. Naghihintay pa din.

"Err.. Dyosa" sabi ko. Pagkasagot ko, ibinalik na nila ang tingin nila sa babae.

Lumabas naman si Ate Gem para itanong sa babae kung ano ang kailangan.

Pinapasok niya ito. Natutulala pa din ako kasi iniisip ko kung ano ang kailangan niya sa akin.

"Arkisha, ikaw ang hinahanap niya", sabi ni Ate Gem.

"Ah, si Venice, kapatid ni Adam. Venice mga kaboardmate ko. Sina Ate Gem, Jane at Ella", pakilala ko.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng tatlo. Nginitian sila ni Venice. Niyaya niya akong kumain sa labas.

"I'm sorry nga pala sa nasabi ko. I just thought.."

EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon