Fifty Seven

255K 3K 613
                                    

Arkisha's POV

Aaminin ko, kinakabahan ako and I can't explain why. Anong nangyari? Akala ko 2 months? Mali ba ang kalendaryo nina Venice?

"Ate ano ba? Nakatulala ka na naman dyan! Takot ka din ba sa multo? Ang tanda tanda mo na natatakot ka pa sa multo!" sabi ni Ian.

Hindi ko na tuloy alam ang sasabihin sa batang ito.

"Ahh.. Eehh.. Tsk. Sigurado ka ba na nakita mo siya?" tanong ko na lang.

"Ate, bata pa ako. Malinaw pa ang mata ko. Sigurado ako siya yon! Sige para makasigurado, pupuntahan ko, tatanungin ko pa siya kung gusto mo!" at tumakbo na siya palabas.

"HOY IAN! TEKA--"

Wala na. Nakatakbo na palabas ang makulit kong kapatid. Kasabay naman niya ang pagpasok sa bahay namin ni Jam.

Si Jam ay kababata ko. Schoolmates kami noong elementary at highschool. First section ako, lowest siya. Pero kahit slow yang friend ko na yan, love ko pa rin yan. Nagkalayo nga lang kami kasi nagcollege ako sa Manila.

"ARKISHA!! ARKISHA!!" sumisigaw siya papasok ng bahay namin.

"Ano?? Nakakita ka din ng multo?!"

"Multo? Hindi ako nakakita ng multo! Nakita ko na ang lalaking itinadhana para sa akin!" kinikilig na sabi niya habang nakalagay pa ang kamay niya sa dibdib niya.

Oh. I forgot. Hindi babae si Jam. Beki siya at kung malandi ako, mas malandi siya. Go figure.

Kumunot ang noo ko.

"Jam, lahat ng lalaki sinabihan mo ng ganyan and please huwag mong isabay sa kaba ko ang kakirihan mo please!"

"Anong kaba? Bakit ka naman kakabahan? This time sigurado ako, siya na ang lalaking para sa akin! Ang GWAPOOOOOO!"

"Nabasa ko sa telescope ko na ngayon dadating ang taong para sa akin at nakita ko na nga siya!" sabi ni Jam.

"Teka, ano? Saan? Sa telescope? Baka naman horoscope?" sabi ko.

"Eehh basta yun na yon! Magkatunog din naman. Pareparehas lang yon! Teka diba magkaparehas tayo nung mga sign sign na yun?"

"Zodiac sign", sagot ko.

"Oo, yun. Tama. O eh di parehas tayo ng kapalaran ngayong araw!"

"Jam, wag ka ngang magpapaniwala sa mga ganyan. Kasamahan lang yan ng hula. Hindi totoo."

"Halika po. Pasok po kayo", naririnig ko ang boses ni Ian. Papalapit.

"Ate! Andito na siya oh! Sabi ko sayo eh, siya nga daw ang bayaw ko!"

Iniluwa ng front door namin ang bayaw na tinutukoy ni Ian. Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko.

"O diba Ate? Sabi ko sayo eh, andito na ang ama ng mga baby mo!" dagdag pa ni Ian.

Nanlaki ang mata ni Jam at napa "ooooohhhhhh" sa sinabi ni Ian.

Ayaw ko mang tingnan si Adam pero hinahanap talaga siya ng mata ko at hindi ako natutuwa. Masasabi kong gwapo pa rin siya kaso parang pumayat ata siya, pero konti lang naman.. Baka sa kakaisip sa trabaho.

"Hi!" sabi ni Adam. Natatakot ba siya? Kinakabahan? Eh bakit ganon ang boses niya?

He smiled. Damn Adam! Don't you dare smile at me!

I didn't smile back. Matigas pa din ang anyo ko.

"Ate, Hi daw! Bingi ka ba?" sabi ni Ian. Pwede bang palayasin nyo itong batang to!

EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon