Twenty Three

360K 3.4K 406
                                    

TWENTY THREE

Pagdating kay Adam, aaminin ko, mabilis talagang lumambot ang puso ko. What can I do? I really love the guy.

He wants me to stay with him. Kung ano ang ibig sabihin niya doon, hindi ako sigurado. At least ngayon aware na siya kapag nasasaktan ako at sana nga hindi na siya gagawa ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin ko.

Hindi ko masasabing kami na ulit kasi parang hindi pa rin naman ganon. He's still my ex. A friend siguro.

Basta. It's complicated pa rin.

Tutal mukhang hindi ko din naman yata kaya na mag-kaaway kami ni Adam, mas mabuti na nga siguro yung ganito. Na okay kami. Na masaya naman kami sa kung anong meron kami.

Yung sakit? It's a part. Sino ba namang nagmamahal ang hindi nasasaktan?

Kapag pinipilit kong iwasan si Adam, kapag pinipilit ko ang sarili ko na hindi na siya mahalin, kabaliktaran naman ang nangyayari. Siguro ang dapat kong gawin, hayaan ko lang na mahalin siya. Let the feeling flow. Hanggang sa mapagod ako. At kapag dumating ang araw na yon, hindi ko na kailangang kumbinsihin ang sarili ko na iwasan si Adam.

"Your phone is ringing", sabi ko kay Adam. Sinundo niya ako sa coffee shop. Honestly, ayoko talagang magpasundo sa kanya, pero siya ang mapilit.

Hindi sinasadya nabasa ko kung sino ang tumatawag.

Eunice ang nababasa ko sa screen.

Kinuha ni Adam ang phone niya and ignored the call. Itinuon niya ulit ang focus niya sa pagmamaneho.

"Bakit hindi mo sinagot? Baka importante?" tanong ko, but at the back of my mind "Sino na naman ang babaeng yan ngayon???!"

"She's not important. She's just a girl I met somewhere I don't remember", sagot niya.

I just nodded. Tahimik na ulit ako.

Bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko. Nagulat pa nga ako eh.

"Diba sinabi ko na sayo na gagawin ko na ang lahat para hindi kita masaktan?" sabi niya.

I looked at him at pinisil niya ang kamay ko.

Kumakabog na naman at dibdib ko. So ibig bang sabihin hindi na siya mambababae? Ako na lang ang babae niya?

Gusto kong tumalon sa tuwa, pero syempre hindi pwede. Tanga na nga, mas magmumukha pa akong tanga sa harap ni Adam. At tsaka hindi naman ako makakatalon dito eh, eh di nauntog ako sa kotse.

"May pasok ka ba bukas?" tanong niya.

"Bakit?"

"Ako ang unang nagtanong."

"Wala. O? Bakit?"

"Yan. Ganyan. Sa susunod na sagutin mo ng tanong ang tanong ko, hahalikan kita. Naiintindihan mo?"

"Sigurado ka?" pangaasar ko.

"Aba't, gusto mo na talagang simulan ha?"

"Tingin mo?"

Napapailing siya nang nakangiti. Samantalang pinipigilan ko naman ang tawa ko. Actually, ito ang namimiss ko, yung kulitan naming dalawa. Kapag kasama ko si Adam, cool lang kaming dalawa pero parehas kaming hot. Weird eh?

"Gusto kasi kitang makasama eh", sabi ni Adam.

"Huh? Eh kasama mo na nga ako ngayon ah?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako sigurado kung kita niya, nakatingin kasi siya sa daan.

"Adam.. Don't tell me.. this is about.. our... benefits?"

He stopped the car. May nasabi ba akong masama? Benefits lang sinabi ko ah?

Bumaba siya ng kotse. Pinagbuksan ako ng pinto. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Baba", utos niya.

Hindi pa rin ako natitinag sa pagkakaupo ko sa passenger's seat.

"Adam, yung tungkol sa benefits..?"

I was about to say na pag-usapan na lang namin next time pero hinawakan niya ako sa balikat.

"Relax, kung miss na miss mo na ako, I understand. Ako din naman, I miss you so much, and you know that. Nag-aalala lang ako na baka nagtataka na ang Ate Gem mo kasi hindi ka pa bumababa diyan. Kanina pa siya nakatayo sa may gate."

Huh??

Pagtingin ko sa paligid, andito na pala kami sa harap ng boarding house ko. Tuluyan na akong bumaba ng kotse. Nakita ko si Ate Gem sa may gate. Nang makita niya akong bumaba, pumasok na siya sa loob. I was about to get inside nang pigilan ako ni Adam.

"Hepp.. May nakakalimutan ka yata?" tanong niya.

"Ano yon?"

"Patatlo na yan", pagkasabi niya. Hinila niya ako at hinalikan ng tatlong beses. Yung pangatlo niyang halik, mas matagal sa dalawang nauna.

"Pumasok ka na, baka magbago ang isip ko at iuwi kita", sabi niya.

"Goodnight Adam."

"Goodnight. Magkikita ba tayo bukas?" tanong niya.

"Gusto mo ba?" tanong ko.

And with just a split second, hinalikan niya ulit ako.


EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon