Chapter 43

3K 69 13
                                    

**

Chapter 43

Ni hindi ko alam kung saan siya pupuntahan. Bakit kasi ang yaman ng isang iyon. Aish! Saan naman kaya ako pupunta? Sa bahay nila mismo o sa condo niya? Minsan napapaisip na lang ako bakit may mga taong ipinanganak na mismong mayaman at nakukuha agad ang gusto. Hays!

Nawala ako sa pag-iisip ko ng biglang tumunog ang phone ko. Si Louise na ata ito. Bakit kaya ngayon lang naisipang magtext? Naging busy? Impossible baka naman kay Alexus lang.

Without hesitating, I dialled the number that she gave.

"ASAN KA?!" Bungad ko sa kanya.

(Sa bahay.) Cold na sabi niya. Waah! Ang simple lang ng kinainis niya pero sobra na kung magsungit. Kalma Arika, kalma. Mapapatawad ka din ng boyfriend mo.

Naglalakad ako habang kausap siya dahil napakalayo ng sakayan dito sa village namin.

"Saan nga?!" Medyo pagalit na sabi ko.

Hinihingal na ako. (Ikaw pa ang may ganang magalit.) Napahawak na lang ako sa dibdib ko sa kadahilanang naninikip na naman sa sobrang pagod sa paglalakad. Bakit ba lagi na lang wrong timing ang pagsakit nito.

Humanap ako ng lugar na pwede kong maupuan pero bago pa man ako makahanap ay may tatlong lalaking humarang sa akin. Dammit! "E-eh-excuse." Hingal na pakiusap ko. Imbis na umalis ay mas hinarangan pa nila ako.

(Arika?)

"Aba, mukhang tagalooban ito ha. Anak mayaman mga pre." Sabi nung lalaking malatae ang kulay ng buhok.

(ARIKA?!) Naririnig ko ang boses niya pero natatakot akong kausapin siya sa sitwasyon na ganito.

"Halata naman pre, solve na ako dito." Sabi ng nagsisigarilyong mukhang patola ang buhok. Mga gangster sa kanto!

Kaien pumunta ka na dito please. Kailangan kita.

"Kahit sino naman solve na dyan eh. Sexy pa." Kumindat ito sa akin at naghigh five naman sila nung kasama niya. Huwag ako utang na loob lang.

"Tulungan mo ako Kaien." Bulong ko.

"Anong binubulong-bulong mo dyan?"

"Sabi ko tabi." Sabi ko na tila ba walang bahid ng takot. Hinawakan kong maigi ang cellphone ko at inilagay ito sa dibdib ko. Sobrang naninikip na din kasi.

Hindi sila tumabi, lumapit sa akin ang may hawak ng sigarilyo at binuga ang usok sa mukha ko. "Patikim muna bago kami tumabi, tara sa kanto."

Sobrang takot na takot ako. Bakit may nakapasok na ganito dito, mahigpit ang security sa ganitong exclusive village.

Kailangan kong tumakbo pero mas lalong mahihirapan ako pero ayokong mawala ang lahat sa akin. Hindi bale lang mapahamak ako sa sakit ko kesa mapahamak ako sa kamay ng iba.

Tatakbo na sana ako pero naharangan agad ako ng isa pa. "Oops, oops. Miss Beautiful patikim lang wag madamot. Sige ka hindi ka bibiyayaan niyan." Kaien, asan ka ba. Kailangan ko ang tulong mo. Kailangan kita.

Pasikreto kong iginala ang mga mata ko, silang tatlo ay nakapalibot sa akin. Ang tyansang makatakas ako ay sobrang labo pero kailangan kong kayanin.

"Dude, bottom ako." Sabi ni Tae.

Ngumisi naman si Cigarette boy. " Top na lang ako. Solo ko boy ha!"

"Bottom na lang din ako pre. Madami naman dun eh." Ano bang pinag-uusapan nila? Pero habang ganun pa nga ay ito na ang tyansa ko.

Takbo Arika... takbo...

Tumatakbo akong nakahawak sa dibdib ko. Kaya mo iyan, Arika. Malakas ka. Malakas ka, pupuntahan mo pa ang nagtatampong boyfriend mo.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now