✓ I want to finished this story and make another one.
**
Chapter 11
Kinapa ko ang bulsa ko at agad na inilabas ang cellphone ko, huli ka boy! Nakita ko siyang sumasayaw ng Careless Whisper. Just imagine that, this geek boy is dancing like an idiot at gumigiling-giling pa. 'Yung bawat pagkembot niya kakaiba, halatang sanay sa ginagawa. Nakakatawa lang isipin na dinaig niya pa ang kalambutan ng katawan ko at medyo nabibitter ako dun. Hindi maiaalis sa labi ko 'yung sayang nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya, seriously para siyang tanga. Nang makarecover ako ay agad kong sinave at tinago ito.
Napansin niya ako sa side ng mirror na nasa gilid niya. "Kanina ka pa dyan?" bungad niya.
"Hindi, ah. Ngayon-ngayon lang." pagmamaang-maangan ko.
"Tss. Umalis ka na nga." Sabi niya at sinara ang nakaawang na pinto. Bumalik ako sa kwarto ko nang maisipan kong panoorin ang kahihiyan niya. Tawa ako ng tawa sa pinaggagagawa niya. Hindi ko talaga maiwasan na mapaisip kung lalaki ba talaga siya o bibigay na ang uri niya. Isang Kaien de Morcerf ha sumasayaw ng isang sexy dance?! He's not so him.
Naramdaman kong nagvibrate na naman ang phone ko. Halos magsalubong ang kilay ko. Si Louise...
| Hoy! Address mo bakla? Me wants to go there. |
Ay! Oo nga pala. Halos mawala na sa isip ko ang pagbibigay ng address sa kanya dahil sa nakita ko. Nagsimula akong magtype at itinext sa kanya 'yung address. Bumalik ako sa paggawa ng homework ng naalala kong hindi ko naisulat ang notes sa isang subject namin o napiktyuran man lang, patay! May quiz pa naman kami dun.
Pumunta kaya ako kay Kaien at manghiram? Papahiramin kaya ako nun? Ano Arika? Para ito sa quiz! Hwaiting! Dali-dali kong isinuot ang mga tsinelas ko at pumunta sa kwarto niya.
Kumatok ako at agad naman niya naman akong pinagbuksan.
Puno ng cream ang mukha niya at nakabusangot din. "Problema mo?" bugnot niyang sabi sa akin.
"Pahiram ng notes sa management, oh." With my paawa effect. This is not me. Ew!
"Wala." sabay sarado niya ng pinto.
Bastos talaga ang lalaking ito. Bwisit! Pinagsisipa ko 'yung pinto niya sa sobrang inis ko kaya buksan niya ulit ito.
"Pahiram kasi! Wag kang madamot!"
"Ayoko!"
"Dali na kasi. Ayokong bumagsak! Magrereview ako." reklamo ko.
"Sabing ayoko."
Nagpupumilit akong pumasok sa kwarto niya ng pilit niya naman itong sinasara.
"Dali na kasi."
"Ayoko."
Dahil mas malakas sya ay naisara niya ang pinto. Nanatili lang ako sa labas at kinuha ang cellphone ko.
"HOY PAG HINDI MO KO PINAHIRAM IKAKALAT KO ANG KABALIWAN MO." sigaw ko sa kanya. Sarado pa din ang pinto at wala pa ding siyang response sa sinabi ko. Akala niya ata nagbibiro lang ako sa mga sinasabi ko.
Naghintay pa din ako ng ilang minute pero wala pa ding response ang loko.
"Okay lang naman. May laptop naman ako sa kwarto ko, eh. Kaya madali lang 'tong kumalat. Lalagay ko din sa website ng university para mapahiya ka... with the title of 'The Grandson of the President is doint a dirty dance'." Nilakasan ko talaga ang pagkakasabi ng marinig niya. Aalis na sana ako ng maramdaman ko ang yapak niyang papalapit sa pinto kaya pumesto akong muli sa harap ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Playful Hearts
Teen FictionMy crazy love story begins when I entered in college. It went up, side, down and full of surprises. All along I always thought that I have a freedom to choose whoever person I will love. But nah, how can I love someone whom I dislike the most? Wait...