Chapter 15

8.8K 138 9
                                    

✓ Knowing that I made a friends here is fun and very unforgettable ♥

**

Chapter 15

"So?"

"Wala naman! Susunduin ko lang si Leigh."

Tumahimik na lang ako at hindi na lang siya sinagot. Nanatili akong nakaupo at nakatingin sa kawalan.

"Bakit?" Out of the blue kong sinabi. Mula sa peripheral view ko ay nakita kong tumingin siya sa akin. Halata din namang nakuha niya ang ibig kong sabihin. Tumihim siya bago magsalita.

"Sor-" Bago pa man nya matapos ang sasabihin niya ay tumayo na ako at nagsimula ng palakad palayo sa kanya. Hindi ko maatim na makita ang pagmumukha niya after ng mga nangyari noon pero para bang may nagsasabi sa akin na kalimutan na ang lahat ng nangyari. Call me bitter pero kung ikaw ang nasa posisyon ko noon ay ganun na ganun dun ang mararamdaman mo.

Magmumuni-muni ako akong naglalakad nang bigla kong namiss si Louise. Sa mga oras na ito ay siya ang karamay ko. Sa bawat kadramahan at kabaliwan ko ay siya lang ang nakakaintindi.

Napahinto ako sa mga babaeng nagkukumpulan malapit sa may swimming pool. Anong meron bakit ang daming babaeng nagtsitsimisan? Patakbong lakad akong lumapit para mas makita ko kung anong tinitingnan nila. Halos nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

OMG! Seryoso?

Paakyat na si Alexus sa hagdan ng swimming pool at nakatrunks siya with a wet look. Napatakip ako ng bibig ko. I can't breathe. May praktis sila ng swimming club? Ay teka, member ba siya nun? Kung oo man ay siya na talaga ang talented. Napatitig ako sa lower abdomen niya at nakaramdam ako ng init sa katawan. Lord, sorry po!  May abs siya ngunit hindi lang ganun kahalata. Pero gusto kong hawakan...

Hinayaan kong iabot ang kamay ko kahit na malayo siya na para bang langit ang Makita siya sa ganung itsura. I never expected this to happen. I want to rape him... I want to cuddle him... I want to praise his little abs... No, no, no! Arika, be good.  Ang sasaeng ko, ganito 'yung napapanood ko minsan sa mga koreanovela eh, 'yung tipong gagawin lahat para sa idol o gusto nila.

Napabaling siya sa direksyon ko at ngumiti napababa naman ako bigla ng kamay. Nakakahiya! Nakita niya ako sa ganung posisyon na para bang ang manyak ko. Shocks! Ngumiti pa siya sa akin, wala na talaga sabog na ang ovaries ko. Feeling ko isa akong fangirl niya kaso nga lang ang version ko, eh hindi pwede kasi nakatali na ako sa pamangkin niya. Halos nginingitian niya 'yung mga babae at ang iba naman ay nagpapapicture sa kanya bago makalapit sa akin. Seryoso! Kahit nakatrunks, eh pumapayag pa sya. Maybe I should try to take one picture with him, too... in that outfit and put it on my room. Napangisi ako ng bahagya. Erase! Erase! Ang manyak ko na! Epekto 'to ng kakasama ko kay si Louise, eh.

"Bakit ka ngumingisi dyan, Rika?" Nabalik ako sa ulirat ng may magsalita sa harap ko.

Alexus...

Malapitan...

Nakatrunks...

Walang damit...

Wala na.

Biglang nagdilim ang paningin ko.

"Rika, okay ka na ba?" Sino 'yun? Alam kong familiar ang boses na 'yun.

Unti-onti kong idinilat ang mga mata ko at isang nag-aalalang Santos, Alexus ang bumungad sa akin. Napahawak ako sa ulo ko na medyo masakit pa din. Jusko naman.

"Anong nangyari?" Tanong ko. Wala akong maalala bukod sa nakatrunks siya kanina at lumapit sa direksyon ko. Ano ba 'to. Parang nagkaamnesia ako bigla.

Playful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon