Chapter 4

12.3K 205 15
                                    

✓ Sa pagsusulat ko nito ay nirerelate ko ang sarili ko.

**

Chapter 4

Enjoy. 'Yun lang ang masasabi ko sa naging lakad namin, nakakapagod pero ayos naman ang kinalabasan. Maraming reklamo sa akin si Louise pero hindi ko na lang pinansin, pilit niya akong pinapasakay sa mga ayaw kong sakyan gaya na lang ng Anchor's away at vinevideohan pa.

"Gusto ko maulit! Sobrang epic ng mukha mo dito oh." Turo niya sa kanina pa niyang plineplay na video ko na nakasakay sa umiikot na tasa.

"Shut up!" Iritado kong sagot.

Ewan ko ba, Hindi ko talaga kailanman nagustuhan ang mga nakakahilong mga bagay at matataas na buildings. Feeling ko tumatakas ang kaluluwa ko at umaalis para iwan akong mag-isa.

"Salamat, ateng! Kahit na napilitan ka lang sumakay eh, sumasakay ka pa din." Saka siya ngumiti.

Inirapan ko lang siya.

"Uyyy! Ngingiti na 'yan." Iniwas ko ang mukha ko sa kanya at palihim na ngumiti. "Sabi na eh!"

"Ewan ko sayo. Baliw ka na talaga. Hindi na ako sasakay sa mga pinapasakay mo!"

"Salamat, ateng! Pasok na ako sa kwarto ko. Good night!"

"Good night din!"

"WAAAAHHH!" Nalaglag ako sa kama ko ng makarinig ako ng sigaw galing sa labas, boses ni Louise 'yon. Napatakbo naman ako agad kung saan siya.

"Anong problema?" natatarantang tanong ko.

"Nasunog 'yung niluluto ko na suppose to be breakfast natin."

"Leche ka Louise! Ginising ako ng pesteng sigaw mo dahil akala ko mamamatay ka na! Bwisit ka talaga."

"Sorry na ateng. Exaggerated ba? Sleep ka na ulit." Ano pa nga ba? Sigurado naman na akong hindi na ako makakatulog pa.

Iniayos ko na lang ang mga kailangan ko at ginawa na din ang iba ko pang morning rituals gaya ng nakagawian ko.

Lumipas pa ay naglalakad ako ngayon sa corridor dahil inutusan ako ng adviser ko. Hindi ko alam kung para saan ba ito, ang alam ko lang ay pinapirmahan niya sa akin ito at pinapapasa sa faculty ng college namin.

"Well, well, well, the girl in distress is here." sabi ng familiar na boses sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya, nag-iba agad ang timpla ng ekspresyon ko.

"Did you missed me, my dear ex-bestfriend?"

"Whatever, Leigh. You. Are. Not. My. Business. Here. So shut up!" Pinagdiinan ko talaga ang mga salitang lumabas sa bibig ko para naman damang-dama niya na ayaw ko siyang makita.

"Really? Well, I'm your business here. We are going to compete in the same category." Napahuh ako sa sinabi niya, teka? Ano bang sinasabi ng babaeng ito? Anong compete with the same category?

"I bet you didn't read that thing." turo niya sa hawak ko.

"Oh this memo?" Teka? May memo bang pinipirmahan? "Whatever."

"I'll definitely win this one, I won't be your shadow again." Halos matawa ako sa sinabi niya, palibhasa laging second place lang sa mga contest na sinasalihan namin.

"Congrats, first ka na. I won't join anyway." Sabi ko sabay punit ng paper na harap niya.

"How could you do that!" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng pinupulit na form? How pathetic you are."

"I know you still want him, Arika. Don't pretend that you don't missed him."

Playful HeartsWhere stories live. Discover now