Chapter 47

2.9K 59 13
                                    

**

Chapter 47

Hindi ko alam kung ano 'tong sinasabi ko. Ni hindi ko nga din alam kung bakit ito ang mga lumalabas sa bibig ko.

Pero gusto kung masagot ang mga tanong sa utak ko. Gusto kong mawala ang lahat ng agam-agam na patuloy gumugulo sa isip ko. Lahat-lahat, gusto kong mawala at masagot.

"Yes..." yumuko sa at pinagdipa ang dalawang palad na para bang nadadasala. "Takot akong mawala ka, dahil ikaw ang pangarap ko simula pa lang. Nasabi ko naman na noon ito sayo di ba?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Ako ang pangarap niya? Naguguluhan ako, paano?

"Mukhang hindi mo na tanda. Ang bilis mo namang makalimot. Sige uulitin ko na lang." Huminto siya sandali at huminga ng malalim. "Sampung taon na ang lumipas bago ulit tayo magkita." Ibig sabihin matagal na kaming magkakilala? Hindi ko talaga maintindihan. Ni hindi ko maalalang nagkwento siya sa akin. Makakalimutin na ata talaga ako.

"I can tell..." tumitig sya sa akin na para bang nadismaya dahil sa hindi ko pag-alala. "You can't really remember. Why?"

Para akong tangang hindi malaman kung anong sinasabi niya, para akong batang nakakatuklas ng bagong bagay at pilit na inaaral.

"Lagi kang nasa garden namin, everytime na dudungaw ako sa kwarto ko. Sa twing mapapatingin ka sa direksyon ko ay ngumingiti ka sa akin pero ramdam na ramdam kong malungkot ka." Garden? Naalala ko noon kay Tita Erene ako lagi dinadala ni Mommy dahil everytime na galing kami sa ospital ay pinapalanghap niya ako ng sariwang hangin.

"You mean Tita Serene and the Tita Erene na kilala ko ay iisa?" Tinanguan nya ako bilang pagsang-ayon.

"So ikaw din 'yung guy na laging may hawak na libro?" Tumango din sya.

Lumapit sya sa akin. Pinagdikit niya ang mga noo namin. "Ika..."

Parang nagbalik lahat ng ala-ala ko 10 years ago. Kung paano kami naging magkaibigan at kung paano niya ako itrato bilang prinsesa.

"Oh my ghad, Ien..." Niyakap ko siya ng mahigpit. "I never noticed na ikaw na pala 'yan. Ang laki ng pinagbago ng itsura mo. How come you noticed me?"

"I knew it ever since that I am going to marry you in the future."

"You mean, all this time ay alam na alam mo pala kaya hindi ka tumututol."

Tumango-tango siya, "Ayos ba?"

"TSE!" Inirapan ko siya. "Sana sinabi mo agad! Siguro pinagtatawanan mo ako noon, no?"

"Hindi, ah." Nagpeace sign sya. "Konti lang." Hinampas ko ang sya ng pagkalakas-lakas.

"Ouch!"

"Ang arte mo!"

"Kumpara naman sayo."

Para bang ibang tao ang nasa harapan ko. Ibang-iba siya sa antipatikong nabangga ko na akala mo ay laging may dalaw kung makapagsungit.

"You really changed..." hinaplos ko ang pisnge nya, "a lot."

"You too."

"But still, I'm the Ika you used to know." sabay hiwalay ko at tumayo.

Hinawakan niya ang mga isa kong kamay. "I love you." nabigla ako. Hindi ko expected na sasabihin nya 'yun. Lagi nya akong binibigla sa mga sinasabi at ginagawa niya. Ito nga siguro ang sinasabi nila na mas magandang ipahiwatig at ipaalam na mahal mo ang isang tao sa pamamagitan ng pagpapakita nito at hindi lamang sa pagsasabi.

Lumevel ako sa kanya, "I love you more, and I don't want to leave you hanging." sabay halik sa labi niya.

I don't know what to do, every single day I'm scared. Simula ng dumating sya sa akin para bang ayoko ng tanggapin pa ang kapalaran ko. Para bang gusto kong lumaban kahit na wala naman na akong dapat pang ipaglaban dahil huling-huli na.

Niyakap niya ako. "Please, fight. Don't leave me." Bulong niya.

Naluha ako. How did... How...

"How."

"Hush, baby. Please."

Hindi ko na alam. Para bang nagshut down ang utak ko at hindi makapag-isip ng maayos. How come,  how did I let him in my life? How did I open my heart kung alam kong sa bandang huli ay hindi naman ito maglalast ng panghabangbuhay?

I keep asking so many questions in my mind but I end up crying in his shoulder.

"I want to live..." Iyak ko na. Hinahaplos niya lang ang likod ko.

"Then live... don't be scared to fight."

"...but I can't." Napahinto siya sa paghaplos ng likod ko.

"Don't say that. Don't be so negative about your condition." Pinunasan ko ang mga luha ko habang yakap niya pa din ako.

Hindi mo alam. Tinanggap ko simula pa lang ang sakit ko at namuhay ayon sa gusto ko. Naging independent at hindi ininda ang lahat dahil ayokong isipin ng iba na pabigat ako sa pamilya ko. My family and half of my relatives, who are close to my heart are the only one who knew about this... that I'm sick.

Lumayo ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya, "I'm really happy that you came into my life. The moment you bumped me in our university, I knew that I will end up loving you. The hate relationship that we have, everything, I love it and I never regretted any of it."

"Are you bidding your goodbyes?" Umiling ako.

"You bastard, of course not." I smiled. "I just wanna say it, you know." Nararamdaman kong any moment ay sisikip na din ang dibdib ko sa sobrang pressure ko sa sarili ko, or any moment ay aatakihin na ako sa puso sa sobrang stressed na nararamdaman ko.

"Good." He pat my head.

I kiss him in his forehead...

Both of his cheeks...

Tip of his nose...

I stop and face him, "I love you, okay?" And I finally kiss his lip.

Naging kissing monster na ata ako at kinaadikan ko na din ang panglanghap sa amoy niya, amoy na hindi ko kailanman makakalimutan.

"Stop being like that you little weird potatoes."

"Stop being like that you little weird potatoes...nyah~ nyah~ nyah" I mimick what he said.

"Let's sleep." Yaya nya sa akin. Tumingin ako sa orasan.

"SLEEP?! Are you kidding me? 7:30 PM pa lang, wow naman, mister!" Tumayo siya at inihiga ako. Siraulo talaga ang isang 'to.

"Gusto ko ng matulog, okay?" Sapilitan akong umayos at humiga, humiga din siya sa tabi ko. Kinuha niya ang kumot at yinakap ako na parang unan.

"Ano ba 'yan! Baka naman gahasain mo ako ha!" Reklamo ko.

He frown. "Ako pa talaga? Baka ikaw ang gumahasa sa akin. Hinalikan mo nga ako sa buong mukha ko, eh."

Kumuha ako ng unang sa likod ko at hinarang sa mukha niya. "Bwisit ka talaga! Susuntukin ko 'yang mukha mo ng manahimik ka!"

Inalis naman niya ito, "Sungit mo na ulit, kanina ang drama mo."

"Wala kang paki! Out of the blue ko lang naman sinabi 'yun tapos kung anu-ano nang dinadagdag mo!" Inaalis ko ang mahigpit niyang yakap sa akin.

"'Wag malikot, just stay. I won't rape you. Wala din naman akong makakapa sa harapan."

Hinampas ko nga ng pagkalakas-lakas, imbis na masaktan ay tumawa lang ang loko at sinuksok ang mukha sa leeg ko.

Baliw talaga ang isang ito pero kahit na magulo ang relasyon na meron kami ay mahal na mahal ko ang bean sprout na 'to.

Hinayaan ko lang siyang ganun. Nararamdaman ko ang bawat paghinga niya sa leeg ko. Nakikiliti ako pero pinilit kong pigilan. "mm... I love you."

-

A/N: Madaliin na natin ang pagtatapos ng masimulan na ang Little Things. Haha! Jk. Jk. =) 13 Chapters to go~ ♥ Thanks for reading.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now