Chapter 51

2.9K 50 5
                                    


**

Chapter 51

Makalipas ang ilang araw ay naging maganda naman ang resulta ng lahat, paminsan-minsan ay sumisikip ang dibdib ko pero wala na din namang malalang nangyayari... siguro? Mas naging pabor ang lahat ng nangyayari sa amin ni Kaien.

Mas naging close kami at mas naging okay ang relasyong meron kami. Hindi pa din naman nawawala ang mga bangayan at asaran. Mas naging maingat siya sa akin kaso ako itong si Pasaway na hindi sumusunod.

Ineenjoy ko lang kung anong meron kami ngayon dahil mamimiss ko 'to ng sobra pag-aalis na ako. Ang hirap umalis pag nasanay ka na sa presensya ng tao.

"Seatbelt sabi!" Napanguso na lang ako. Everytime he shout or more like naggagalitan eh natatawa ako. He really thinks that I am that fragile.

Hindi ko siya sinunod, sa halip dinedma ko lang ang sinabi niya at dumungaw sa bintana.

Papunta kami ngayon sa university dahil halos ilang araw ang naging pahinga ko nung mga nakaraan, baka madrop pa ako gayong malapit na matapos ang school year.

"Ang kulit, seatbelt sabi!" Sabi niya sabay kinabit ang seatbelt sa akin.

Hinahampas ko lang ang kamay niya dahil sa pagpupumilit, "ano ba!" Pag-iinarte ko.

Hindi naman sa ayaw kong magseatbelt, gusto ko lang talagamg nakikita siyang nagiging sweet sa akin. Minsan ko lang kasi makita yung side niya na iyon.

"Hoy Kaien!!!! Babangga!" Sigaw ko ng makita kong may kasalubong kaming isang motor. Tinigil niya ang paglalagay sa akin at minaniobra niya agad ang sasakyan kung hindi ay tapos kami pareho.

Natulala ako sa nangyari. Muntik na. I almost died. "Kainis naman kasi!" Reklamo ko.

Inihinto niya ang sasakyan, sinugod kami ng motor driver. "The faq man! Bobo ka ba? Muntik na ako dun! Bakit ba kasi ang landi niyo pareho!" Singhal niya na nagpantig sa tengga ko. Lumabas din ako dahil nakita kong hindi sinagot ni Kaien. Kainis! Bakit ba ang pipi ng isang 'to. He didn't even bother to say sorry.

"Mister, I'm sorry for what happen, kung may injuries ka man or what we'll pay for it." Sabi ko sabay labas ng wallet ko.

"Arika!"

"What?! I'm being generous here. Malelate na tayo."

"Miss, hindi ako bayaran. I have my own money. Kung sa tingin mo ay mabibili mo ang lahat pwes nagkakamali ka. Masyado kang mayabang. Payatot ka naman!" Sabi niya habang sumakay na uli sa motor niya.

Aba ayos 'tong kumag na to ah.

"Hoy! Leche ka! Napaka ng ugali mo!" Sigaw ko ng ipaharurot na niya ang motor niya.

"Bwisit na lalaki, bakla ata yun eh." Reklamo ko kay Kaien. Hindi naman siya umiimik. "Hello... may kausap pa ba ako?" Sabi ko habang winawagayway ang kamay ko sa mukha niya.

"Kung hindi ka sana nagbingi-bingihan eh di sana hindi na tayo muntik ng madisgrasya! Kung hindi dahil dyan sa kaartehan mo sa pagseseatbelt wala sanang mangyayaring ganito! Ang arte mo kasi masyado!" Litanya niya na kinagulat ko. Halos mangiyak-ngiyak ako sa sinabi niya. Tumagos lahat sa akin. Para akong sinasaksak ng katotohan. Coming from his mouth mismo.

Iniayos ko ang sarili ko bago sumagot. "Sorry naman ha! Hindi ko kasi feel magseatbelt. Sorry din kung muntik ng masiraan ang precious car mo! Aba sinabi ko bang suotan mo ako? Hindi di ba?" Singhal ko. Wala akong ginawang mali, well... meron, ang hindi pagsunod sa gusto niya but that's what I want. "At isa pa, wala namang nangyaring masama. You see." Umikot pa ako para ipakita sa kanya na walang nangyari.

"Nakakatanga ka na Arika sa totoo lang. Tangang-tanga na ako sayo!"

"What? So anong pinaparating mo?!" Hindi ko siya magets. Lagi na lang bang ganito. Everytime we're in a good terms laging may mangyayari na pag-uugatan ng away namin. We are old enough with this dramas.

"I'm tired with this kind of relationship!" Sinabunutan niya ang sarili niya.

"What do you mean?"

"I need space." Then, it hit me hard.

"Space? Damn, you need space? Bakit space? Hindi ako naniniwala sa space. Mahal mo pa ba ako Kaien?" Ayokong isipin ang nakita ko nung mga nakaraan pero napaparanoid lang ako kakaisip kung sino siya sa buhay ni Kaien. Ang daming sikreto. Sobrang dami. Hindi ko pa talaga siya ganun kakilala.

The girl who kissed him... posible bang isa siya sa mga rason kaya kailangan niya ng space? Posible ba yun?

"Mahal na mahal."

"Then why do you need that fcking space?!" Sigaw ko.

"Because I'm damn tired! Tired babysitting you! Tired of loving you! Tired with this set up! I'm tired with our so called relationship!" Firm pa ding ang pagkakasabi niya. Hindi ko na napigilan pa ang kanina pang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Then go! Let's break up!" Napatakip ako sa bibig ko. Ayoko man pero kusa na talaga siyang lumabas.

"Lumabas din, damn... sa wakas."

"Ano masaya ka na? Ano wala ng pabigat sayo? Tang ina! Ayan sige umalis ka na! Sumama ka sa iba!" Sigaw ko. Sobrang sakit. Ang sakit-sakit.

"Hinala! Tss." Akmang aalis na sana siya ng kusang gumalaw ang mga paa ko at pinigilan siya, "Hindi, hindi ko sinasadya. Ayoko, I need you. All I need is you, Kaien." Tumulo lang ng tumulo ang luha ko. "Kahit na lokohin mo ako, sige lang. Basta stay by my side. Please."

"I'm tired. Let's set each other free." Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya. Sumakay siya sa sasakyam niya at pinaharurot ito.

Napaupo nalang ako at umiyak ng tuluyan. "I don't deserve this. Naging mabait naman ako, sinusunod ko naman na ang doctor. Bakit ganito?"

Kaien, why? Am I not worth it?

Ilang minuto din akong nakatulala at ng mahimasmasan na ay para na akong tangang naglalakad sa gilid ng kalsada at walang wala sa sarili. Magulo ang buhok, puro luha ang pisnge. They don't care. Ang mahalaga sa akin si Kaien at ang relasyon naming pero tama naman siguro 'tong nangyayari ngayon dahil aalis din naman ako. Tama naman na 'to di ba? Siya na mismo ang nag-open nun. Pagod na talaga siyang alagaan ako.

Sa halip na pumasok ay hindi na ako tumuloy. He left me. Ang galing. Sobrang galing. Sana pumayag na lang ako sa space. Sana hindi ko na lang sinabi ang salitang tumapos sa amin. Sana kinalimutan ko na lang lahat.

Ang tanga mo Arika but at the same time tama ang ginawa mo. Sana lang hindi mo pagsisihan iyon.

Pumara ako ng taxi para umuwi sa bahay but to my suprise. Wala siya. I even asked manang if umuwi sya.

"Kanina, ija kaso umalis din agad." Napatango na lang ako.

He really left me. He is indeed serious a while ago. I'm so stupid.

Imbis na magstay lang sa bahay ay naglakad-lakad ako sa village hanggang sa mapadpad ako sa playground. Ewan ko, bakit ganun? He give up on me. I gave up on him... too.

Kaien...

Umupo ako sa swing ng nakayuko. Too many thoughts are flying on my mind.

Space? He want it? I will give it, but I need to fix everything first. But... am I that burden?

-

PS: Mabilis na po ang nangyayari. Naloloka na ako sa dalawang itlog na ito!

Playful HeartsWhere stories live. Discover now