Chapter 49 pt. 2

3.3K 59 8
                                    

**

Chapter 49 pt. 2


"'Wag mo naman akong batukuan baka hindi na maging dean's lister ang girlfriend mo!" Reklamo ko sa kanya habang inaalis ang kamay sa batok ko. Napansin ko kasing nitong mga nakaraan ay panay ang batok niya sa akin.

"Edi masaya, ako ang tutor mo 24/7 edi mababantayan din kita." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kahit kelan napakayabang ng isang 'to. Hindi porque matalino ay ipagyayabang niya. Air-headed, pasalamat talaga siya at mahal ko siya.

"Edi ikaw na matalino!" Tumawa lang siya.

"'Di pag 'di bale 'pag hindi ka nakagraduate this year edi Octoberian ka. Full support mo pa ako. Papagawa pa akong banner mo." Say what?!

"No way! I'd rather die than to graduate late." At sa pangalawang pagkakataon ay binatukan na naman niya ako. Napahawak uli ako sa parteng sinaktan niya.

Tumayo siya at inihawi ang kurtina na nakaharang sa bintana. Ang likod niya ang nakikita ko, nakatanaw siya sa sikat ng araw na siyang umaaninag din sa pwesto ko. "Go ahead and leave me hanging. I swear to God that I will haunt you." Namutla ako sa sinabi niya.

Oppps... Arika, it's not a good joke.

"Joke lang naman."

"Don't give a damn and idiotic joke. It's not even funny." Tumango ako at nagsorry.

Napagdesisyunan kong tumayo at yinakap siya sa likod. "I won't leave you hanging, of course. Kahit na masungit ka, mayabang, magulo ang isip. Mahal na mahal pa din kita. I won't leave you because I love you. I won't leave you because I can't graduate in time, but, of course I won't leave you even though I have this stupid illness. I will fight for you; I will fight for myself to live with you."

Nanatili siyang nakatalikod sa akin habang nakayakap ako. Pinaglalaruan niya lang ang mga daliri ko, "Live for us." And with that parang naformat lahat ng nasa isip ko katulad ng isang computer. Gusto kong mabuhay para sa kanya. Gusto kong maging maayos at makasama siya ng matagal. Gusto kong grumaduate at tuparin lahat ng pangarap ko. Gusto ko pang maging masaya habang kasama siya.

"Roger!" Masigla kong sabi.

Biglang lumuwag ang pagkakahawak ko sa kanya at parang nagdidilim ang paningin ko.

"Mahal na mah-" bago pa man niya matapos iyon ay napaupo na ako sa sahig. Mabuti na lamang ay naalalayan niya ako agad. Adrenaline rush na din siguro kaya niya iyon nagawa. "Ayos ka lang?"

Tumango ako, "Headache lang."

Inalalayan niya ako pabalik sa kama, "Sobrang fragile mo naman, paano na pala 'yung pangarap ko."

Pangarap? Anong pangarap naman niya? Makagraduate ng with flying colors. "Anong pangarap naman?"

"Secret, walang clue!" Inihiga niya ako at iniayos ang kumot.

"Ano kaya 'yun! Ang weird mo din. Baliw ka talaga."

"Sabi mo, eh." Bigla niyang hinawi ang kumot at tumabi sa tabi ko.

Humiga din siya na siyang kinabigla ko, "Anong ginagawa mo?"

"Humihiga." Simple niyang sagot at yinakap ako.

Pilit kong iniaalis ang yakap niya ngunit sa bawat pagpupumilit ko ay mas lalong hinihigpitan niya. Kulang na nga lang ay sakalin niya ako sa sobrang higpit ng pagkakapulupot niya.

"Ang manyak mo naman! Baka iba na mayakap mo dyan, ha!" Sita ko sa kanya.

"'Edi mabuti, baby na agad." Bulong niya. Napaupo ako at naitulak ko siya sa sobrang pagkabigla. Siraulo talaga ang isang 'to. Kung anu-anong nasa utak. Sobrang manyak!

Hinihimas-himas niya ang pwetan niya. "Niloloko ka lang, baka nga may mangyari. Ospital pa ang venue? Tss. Pangarap ko sa mesa hindi sa kama."

Kamatis na siguro ang mukha ko sa sobrang pula at kahihiyan. Ibang klase talaga! Sobrang broad ng utak at napakagreen din.

"M-m-me-mesa?" Utal-utal kong sabi.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Tinutulak ko siya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga kamay ko sa dibdib niya ngunit wala akong lakas dahil sa sobrang information overload.

"Dito ba gusto mo?" Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, may kung anong nagsasabi sa kabilang parte ng isip ko na ''wag ka ng mahiya pa, chance mo na iyan'. Biglang nagpop-out sa isip ko 'yung mga kalokohan ni Louise. Ganitong-ganito 'yung mga anime na pinapanood namin.

"H-hindi, ah!"

Ilang inches na lang ang pagitan naming dalawa. Kulang na lang ay magkahalikan kami, "Hindi daw." Mapanukso niyang sabi. Hinawakan niya ang baba ko at nararamdaman ko na ang kanyang bawat paghinga. Ipinikit ko ang mga mata ko na para bang nagsasabi ng handa na ako.

"STOP!"

-

A/N: Nyahahaha! Ayan ito na 'yung part 2 gaya ng promise ko kaso Saturday ko na nagawa dahil sa sobrang busy. Tinatry ko pa ding magtype kahit sobrang busy ako para lang matapos ko na talaga siya this month. 11 chapters to goooo.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now