Chapter 33

4.7K 99 10
                                    

**

Chapter 33

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!" sigaw ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko sa lalaking nasa harapan ko at lasing na lasing. Oh my gad! Don't tell me kanina pa iyan wala at pumunta sa bar? Jusmiyo, nagbabar na sya? Ang baho baho niya at gegewang-gewang pa.

"Lumayo ka nga!" sigaw ko sa kanya at pilit na itinutulak pero malakas sya.

"Mahal na mahal kita." Ewan ko ba parang lumukso yung puso ko sa sinabi nya. Parang kanina lang inakusahan niya akong malandi at ngayon naman sasabihan nyang mahal ako. Naguguluhan na talaga ako sayo Kaien. Bakit ganito ka?

Hinaplos ko ang buhok nya na ngayong nakasandal ang ulo nya sa aking balikat. 

Mahal din kita, pero hindi ka sigurado sa nararamdaman mo at alam kong lasing ka lang. Gusto ko sa kanyang sabihin iyan pero... Ayoko. Ititikom ko na lang  yung bibig. Baka masaktan lang ako ulit.

Tiningnan ko lang ang lalaking nasa harap ko. Ang bigat niya ngunit hindi ko ininda iyon dahil tiningnan ko ang bawat features ng mukha niya. Kung sa isang batayan ko ay siya na ang makakakuha ng pinakamataas na puntos kung hindi nga lang talaga palpak sa ugali.

"Bakit kasi--" hindi na nya natapos pa ang sasabihin niya dahil nakatulog na siya sa balikat ko.

"HOY!" Sinampal-sampal ko ang pisnge niya at pilit na ginigising.

Naman! Ang bigat-bigat niya. Hindi ko naman pwedeng gisingin si Manang dahil alas dos pasado na ng umaga.

Iniakay ko sya ng maayos, naman! Ang bigat ng taong ito.

Hirap na hirap akong iniakyat siya sa hagdan at sa wakas! Nasa tapat na kami ng kwarto niya. Ipinasok ko sya at inilapag sa kama niya at kasabay nito ang pagyakap niya sa akin na siyang dahilan ng pagkahiga ko sa dibdib niya.

"Samahan mo ako..." Hah? Nabingi ata ako. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito?

Pinaghahampas-hampas ko ang dibdib niya. "Nakakainis kang lalaki ka!" saka ako sumubsob sa dibdib niya. "Hindi naman ako malandi... Ikaw lang naman." sabi ko pa ng mahina.

"Hmmm." ungol niya.

Kainis, ang baho niya talaga. Inilayo ko ang sarili ko sa kanya at pilit na umaalis.

"Hmmm." Ay naman. Ganito ba talaga paglasing? Panay ang ungol.

Dahan-dahan kong inialis ang mga braso nyang nakayakap sa akin at sa wakas natanggal ko din. Dumikit ang amoy niya sa damit ko. Malamang Arika, niyakap ka ng mabahong lasing!

Papalitan ko ba ang damit niya?

Oo, palitan na! Bakit pa ba ako nag-iisip.

Dahan-dahan kong iniangat ang T-shirt niyang may print ng one piece.

Iginala ko din ang mga mata ko habang patuloy na iniaangat ang damit niya. May mga one piece, naruto at bleach na posters na nakadikit sa bandang study table niya. May mga anime figures din at iba't-ibang mangas. Fan ba siya ng mga iyan?

Bigla ko tuloy naalala yung first kiss namin, dahil sa isang otaku magazine.

Sa wakas, natanggal na. Pumunta ako sa closet niya at kinuha ang pantulog niya. Ang problema ko naman ngayon ay paano ko papalitan ang shorts niya? First time ko ito. Ay ewan, tulog naman siya at wala sa ulirat.

Ipinikit ko ang mga mata ko and I unbuckle his belt. Mabilis kong tinanggal ito at isinuot ang panbaba niya habang nakapikit pa din.

"Haaah..." napahikab ako. Inaantok na ako.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now