Chapter 3

13.8K 219 34
                                    

✓ Hindi man ganun kaganda ang gawa ko, sana ay maappreciate niyo pa din.

**

Chapter 3

Dumating ay weekends na tanging pahinga ko. Buti na lang talaga at wala akong pasok sa mga araw na 'to kundi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"Kamusta naman first week mo, ateng?" Sabi niya habang kumakain ng breadstix.

"Ayos lang."

"Yoy! Ayika. Kamushta firsht whik mo?" ulit niya habang pinupuno ang bibig.

"Ulit-ulit, ate? Unli ka ba?"

"Ha-ha-ha. Okay. Sorry naman!" Bumaling siya sa pinapanood niyang anime. Pareho kaming mahilig sa anime hindi lang talaga halata, mas gusto niya ang fashion kesa sa mga 2D guys.

Tumayo ako at pumuntang kitchen, hindi ko masabayan ngayon ang kabaliwan niya sa kakanood. Lutang pa ako sa nangyari kahapon at nagugutom na din ako kaya magluluto na lang ako.

"Hotdog of course." Monologue ko.

"Fried hotdog with breeding mix." Nang matapos ay bumalik ako sa sala para manood.

Saktong pagdating ko ay hinalikan nung Ate niya yung bunsong kapatid nila. Agad namang pumasok sa isip ko 'yong nangyari sa bookstore. Aish! Erase... Erase... Bakit ba 'yun agad ang pumasok sa isip ko? 'Yung first kiss ko na labing pitong taon kong iningatan, napunta lang sa isang napakawalang kwentang tao. Pagbabayaran niya talaga kung ano ang kinuha niya sakin. Napasabunot na lang ako sa sarili ko.

"Problema mo dyan?"

"WALA!"

"Ayoko na nga! Nagsasawa na ako, bukas naman." Tumayo siya at pinatay ang TV. Bumaling siya sa akin. "Uy penge naman niyan." Kukuha sana sya kaya lang nilayo ko kaagad ang plato.

"Asa! Magluto ka ng iyo." Nagpout naman siya sabay bulong ng 'damot'. 

"Akala mo naman kung ano niluto mo, eh hotdog lang naman!" Nagdadabog siyang pumunta sa kusina at nagluto ng kanya.

"Whatever!"

Patapos na akong magpapak ng pagkain ng umupo si Louise sa tabi ko at may dalang pagkain din. Hindi lang basta pagkain, favorite ko 'yun... sobrang paborito ko.

"HOY! CHOCOLATE KO 'YAN!" sigaw ko.

"Bleehhh! Nenok mo. Nakita ko sa ref 'to." Dipensa niya.

"Hoy bahay ko 'to. Natural akin 'yan." Sagot ko. Hanep na babaeng 'to talagang chocolate ko pa ang natripang kainin. Akala ko nagluto ng ulam niya, hindi naman pala.

"FYI, Ateng roommates tayo sa apartment na ito. Kung anong nakalagay sa refrigerator na 'iyo ay akin na din at isa pa wala ng itlog dun puro hotdogs at chickens lang, ayoko naman nun. Ang damot mo kasi, buti nga." sagot niya habang binabalatan ang chocolate ko.

"Bwisit ka. Lumayas ka na nga sa paningin ko!" Stress-reliever ko pa man din ang mga chocolates ko.

"Sarap ng reese impernes. He-he-he." Pang-iingit niya sa akin.

"Ang mahal-mahal niyan. Padala sakin nina Mommy at Daddy 'yan galing Japan. Kakainin mo lang. Bakit hindi ka na lang magpadala sa mommy mo since nasa US naman sila ngayon."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko, sa halip ay iniba pa niya ang pinag-uusapan namin. "Blockmate mo daw si Crush?"

"Huh? Sinong crush?" Inosente kong tanong. Pero sino ba crush niya? Si Aizen lang naman kilala kong crush niya simula high school kami, may iba pa ba?

Playful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon