Chapter 31

5.3K 100 17
                                    

**

Chapter 31

Madalas na kaming nagkikita ng kambal, gaya ng unang pagkikita ayon sobrang sungit pa din sa akin ni Shiro. Sa twing kasama ko ang kambal niya ay dapat kasama din siya, ganun kaover-protective ang lalaking 'to. Sa ngayong heto kami sa may park dahil niyaya ako ni Hiro, wala daw kasi siyang magawa at ganun din naman ako.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo." Sabi ni Manang. Oo nga pala, bumalik na si Manang, pinabalik siya ni Tita dahil nag-aalala daw siya baka daw gumawa kami ng milagro dito. HAH! Asa pa naman no, kahit gusto ko iyang lalaking iyan eh hindi naman ako ganun na biglang isusuko ang bataan. Mas gusto ko ang traditional kesa sa modern ngayon, kasala muna bago galaw.

"Sino po manang?" tanong ko naman sa kanya. Umagang-umaga may naghahanap agad sa akin? Si Louise kaya iyon? Mababatukan ko talaga ang babaeng iyon kung siya nga.

"Lalaki po, dalawa po sila." Eh? Sino naman? Bilang lang naman sa kamay ko ang mga close ko. Hindi naman pwedeng si Flandre iyon dahil nasa ibang bansa na siya at kung si Alexus man iyon ay hindi pa din dahil dalawa daw? Hindi kaya.

"Sige, Manang ako na pong bahala." Sabi ko at tumakbo palabas ng bahay. Napatingin ako sa kanila. Head to toe. Toe to head. EHHHHHHHH!!! Bakit nandito ang kambal na ito?!

So ayun nga ang nangyari, pinuntahan nila ako kanina. Buti na lang at wala pang gising noon at nakahimlay pa ang kurimaw sa higaan niya. Late na din kasi nagising kaya ganun.

"Arika, okay ka lang?" Napatingin ako sa kanya.

"Ah, oo. Sorry!" sabi ko. Ang weird ko lately. Ako na mismo nakapansin sa sarili ko. Ewan ko ba. Kasi nung mga nagdaang araw din eh, nag-iba na ang pakikitungo sa akin ni Kaien. Oo, Kaien na ang madalas kong tawag sa kanya dahil ang sama ko masyado kung tinutorture ko ang pangalan niya sa ibang katawagan.

"Arika." Tawag niya sa akin habang nasa sala ako. Napatingin naman ako sa kanya.

"Oh?" nakangiti kong sagot. Nasa mood ako ngayon dahil wala lang, feel ko lang ngitian siya.

"Pangit mo, wag ka nga ngumiti." Masungit niyang sagot. Ako pangit? Pangit? Arika, pangit ka daw? HAHAHAHAHA Pangit ka daw, Arika. HAH! Isang Arika delos Reyes, pangit? Hindi ako pangit ano! Baka gusto niyang isupalpal ko sa mukha niya ang pictures ko mula noon hanggang ngayon ng malaman niya kung pangit ako o hindi.

Nag-iba agad ang timpla ng itsura ko ng sabihin niya iyon. "Baka ikaw ang pangit!" sabi ko at tinalikuran na siya. Kainis na lalaki ito. Kala mo sobrang gwapo, grr!!

Okay na eh, ganda na ng ngiti ko tas bilang sasabihan niya ako na ang pangit ko? Minsan nga lang ako magbigay ng ngiting ganun tapos pangit sasabihin niya? Eh iyong iba nga hindi ko nginingitian!  "Arika?"

"Ikaw ang pangit!" sigaw ko.

"HAH? Arika?" Nakita ko si Hiro sa harapan ko. Ano bang ginawa ko? Umismid lang si Shiro sa akin. "Ang weird." Dugtong pa niya.

Napatakip ako bigla ng bibig ko. "Ay... hehe... sorry!"

"Weird." Sabi bigla ni Shiro. Inirapan ko naman siya. Kahit kelan talaga ang sungit ng lalaking ito.

"Sorry uli." Sabi ko at nagpeace sign. Bakit ba siya na naman nasa isip ko. Magtigil ka nga!

Naglakad lang kami ng naglakad. Bawat sasabihin ko ay kinokontra naman nung isa. Kahit kelan napaka niya!

Nang mapagod kami at napagpasyahan na naming umuwi. Inihatid nila ako at naabutan namin si Kaien na nakaupo sa tapat ng pinto? Problema nun, nakatungkod pa ang ulo sa mga tuhod.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now