Chapter 42

3.4K 62 10
                                    

**

Chapter 42

Bago ako makalabas sa ospital ay chineck-up pa ako. Madaming sintomas gaya na lang ng pagkahilo ko at pagsikip ng dibdib ko.

"Sa bahay na daw ako." Paalam ko sa taong nagtutulak sa wheelchair ko. Simula ng mangyari ang insidenteng iyon ay lagi ng nasa tabi ko si Kaien, para bang baldado ako na mabitawan lang ay mababasag.

I feel weak. Weak enough to make everyone worried about my situation.

"Doon din ako." Eh? Sa pagkakatanda ko ay boyfriend ko pa lang siya at hindi ko alalay o hindi ko kalive in.

"Bakit? Hoy. Baka nagkacut class ka na?" Paninigurado ko. Araw din kasi bago ako nakalabas.

Tumingala ako at pinagmasdan ko lang ang gwapo kong boyfriend. Ni hindi siya sumagot sa tanong ko, sa halip ay kinamot niya lang ang ulo niya.

Pinababayaan niya nga ang pag-aaral niya! Sayang ang good records niya. Sayang! Sayang!

"Halika." Sabi ko. Humarap naman siya lumevel sa akin.

Agad ko syang binatukan ko, "Naman! Wag mo akong alalahanin. Malakas ako, wag kang OA. Mag-aral ka. Konting kembot at tumbling na lang naman ay bakasyon na." Kasalanan ko ito eh. Kung sana hindi nagreak ng ganun ang katawan ko ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Hindi niya sana mapababayaan ang pag-aaral niya.

"Para saan naman iyon?" Takang tanong niya.

"Wala naman, para lang iyan sa pagiging pabaya mo." Saka inirapan siya.

Tumayo siya at inilagay niya ang kanang palad sa ulo ko, "Ayos lang iyan! Madali lang bumawi sa ganun pero ang oras na kasama ka at alagaan ka ay mahirap bawian." Ngumiti ito na siyang ramdam ko ay kinapula na ng kamatis ang mga pisngi ko. Naman kasi eh.

Umiwas ako ng tingin, "Hmp! Drama." bulong ko pa.

"Ano?"

"Wala! Sabi ko tara na!" Sigaw ko. Hindi pa din ata ako sanay sa Kaien na masyadong maaalalahanin at hindi menopause.

Ganito ba talaga ang totoong Kaien? Akala ko puro lang siya kayabangan sa katawan pero hindi pa, hindi ako nagkamali na gustuhin siya. "Huy! Sabi ko tara na." sabi ko uli. Hindi kasi niya itinulak. Nabingi na ata ang boyfriend ko kakasigaw ko sa kanya.

Itinulak na niya ang wheelchair, "Damot mo naman. Ano nga?"

"Wala nga, ang kulit naman ng lahi mo boyfie!" Napatakip ako ng bibig ko sa salitang lumabas sa bibig ko. Arika naman! Bakit boyfie pa? Alam mo namang ayaw mo sa mga tawagan na ganyan. "Ah, now I know." singit niya at tatango-tango.

"H-hoy!" Halos namula na ako. "Kaya pala ayaw ng Krung o loves o kung ano. Sige, girlfie." WHAT?! Ang pangit ng grllfie. Mukhang aso na ewan lang.

"Napakapangit naman niyan! Arika na lang kasi!" rekkamo ko. Bakit kasi iyon lumabas sa bibig ko. Nandiri ako bigla. Hindi naman kami ganun ka sweet para sa mga tawagan na ganyan.

"Wag na tama na iyan!" Hay nako.

"Arika! Dale! Pasok na dito." Napahinto sa pagtulak si Kaien dahil sa sigaw ni Mommy. Nakarating na pala kami sa labas ng ospital ng hindi ko namamalayan. Lumipad ata ang isip ko sa kakaalala na sinabi ko.

"Tara na." sabi niya at patuloy na itinulak.

"Uy! Since fiancee na tayo uli. Gusto ko ng makasal. Hehe." Bulong ko sa kanya ng may himig ng pagkahiya ng nakasakay na kami sa sasakyan.

"Kelan mo ba gusto?" kaswal nasabi niya.

Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko at nag-isip. Kelan nga ba? Gusto ko pag nasa 20s na ako. Legal naman na di ba? Pwede naman na siguro akong magpakasal sa ganoong edad.

Playful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon