Chapter 36

4.5K 86 5
                                    

**

Chapter 36

"Seryoso? Ginawa niya iyon?!" reak ni Louise nung kwenento ko sa kanya yung ginawa ng panget na iyon sa burol.

"Yup! Ewan ko kinilig nga ako eh. Haha!" Matapos nya kasing magpropose, propose talaga. Basta matapos yung araw na iyon parang nagdiwang lahat ng mga cells ko sa katawan. May kung anong butterfly na nagsiliparan sa tyan ko.

"Bes, this is it. Ayan na ang prince charming mo. May happy ending ka na talaga kay Mr. Menopause." Hm. Happy ending daw. Sabi nga ni Vice Ganda, happy lang walang ending.

"Ewan ko sayo, Louise. Inaatake ka na naman ng kabaliwan mo."

"Ay nako bes. Boyfriend material na din naman kasi siya tsaka duhhh, mayaman, matalino, into sports tsaka... tsaka..." sabi niya na tila nag-iisip. "mabait?"

"Mabait ba iyon? Pero sa bagay, kahapon kasi parang ibang Kaien yung kasama ko eh." pagpapaliwanag ko. 

Sa totoo lang, ibang-iba talaga siya sa Kaien na nakilala ko. Kahapon kasi seryoso siya na masungit tapos may side na magugustuhan mo talaga sa kanya.

"Anyway, tama na nga tayo dyan sa boyfriend mo."

"Hindi ko nga siya boyfriend!" pagdidiin ko.

"Fine fine, edi dyan sa suitor mo. Tse!" saka umirap.

"Bitter mo. Ayos naman na kayo ni Alex." sagot ko. Nag-iba agad yung timpla niya sa sinabi ko. 

"Whatever, nga pala umalis na pala si Jairus." Pag-iiba niya.

"Hah? Nabingi ata ako. Pakiulit please." Imposible.

"Sabi ko, umalis na si Jairus." pah-uulit niya.

"Oh, Saan daw?" Imposible talaga, anong rasom nun bakit umalis?

"Tumawag ako sa kanila eh. Sabi ni Tita, province na daw siya mag-aaral." Province? Eh Davao pa ang province nun, for sure masusunog balat nun doon. Pero bakit?

"Bakit daw?" takang tanong ko pa.

"Aba malay ko, ako ba si Jairus. Pag nakita ko talaga iyon masasapak ko siya." sabi niya at pinagtama ang mga kamao niya.

Napabuntong hininga ako. "Sobrang sayang yung opportunity niya dito sa Manila."

"Wala eh, baliw tayong magkakaibigan." Ikaw lang naman ang baliw sa atin. Tsk. Dinamay mo pa kami pero hindi ko na lang sinabi baka masaktan pa at magdrama.

"Maiba ako, bakit nag-iba aura mo nung sinabi ko ang pangalan ni Alexus?" pag-iiba ko. Ano kayang problema nito. Simula nung nagcollege kami hindi na siya masyadong nagsheshare sa akin eh.

"Eh kasi, bwisit na lalaking iyon. Nagpapalandi sa iba. Nakakainis!!!" gigil na gigil na sabi niya. Hay nako, Louise Annika Mendez Santillan kahit kelan napakaselosa at possesive mong babae.

"Oh catch!" naputol ang pag-uusap namin sa sigaw ng pamilyar na boses na ikinagulat namin pareho.

"Kabayo ka!" sigaw ni Louise.

"Siopao ka! sigaw ko naman.

Naisalo ko naman yung bigay niya. Baho! "Hindi naman ito yung gusto ko!!" pag-iinarte ko.

"Eh ano pala, ayan yung nakalagay sa ref sa bahay." sagot naman niya.

"Eh sa ayoko niyan. Nanliligaw ka ba talaga?" singhal ko. Bigyan naman daw ba ako ng durian, eh napakabaho kaya nito! "Grrr! Epal mong panget ka!" sabi ko.

"Mas epal ka." balewalang sagot niya.

Hinagis ko pabalik sa kanya yung durian niya sa inis ko. Kahit kelan talaga tong bwisit na ito. Ang alam ko ang sinulat ko sa ref eh, hate na hate ko ang durian at ni minsan hindi ko naging favorite yan. "Pringles gusto ko hindi iyan!" pagtatantrums ko.

"Di wag, akin na ito." Saka umupo sa tabi ko. "Saka walang pringles sa bahay. Bumili ka sa supermarket, bigyan na lang kita pera."

Napahampas na lang ako sa noo ko at napa-grr na lang. Nakakainis talaga ang isang to. Lakas mamilosopo.

"Bes, andito pa ako. He-he." sabi nung nagsalita.

"Ay tipaklong ka. Sorry, nadala lang." dispensa ko. "Kala ko wala ka na. Joke!"

Nakakahiya kay Louise na nakikita niya akong ganito, tinatago ko kasi yung emotion ko sa kanya lalo na pag related sa love, malihim ako sa babaeng iyan kasi sobrang daldal.

"Siya. Aalis na nga lang ako, text me if you need me." excuse niya.

"Alam ko galawan mo Louise. Huwag ka mag-isip ng hindi maganda." pabulong kong sabi.

"Hindi ko sinabi iyan ha. Sige na alis na ako. Andyan na..." kinuha niya yung bag niya saka tumayo. "...boyfriend mo." at tumakbo na palabas. Hahabulin ko sana kaso may humawak sa kamay ko.

Urrgh. LOUISE HUMANDA KA TALAGA SA AKIN!!!

Hinila niya ako paupo at napatabi naman ako sa kanya. Pinipilit kong lumayo pero nakasalop ang mga kamay namin.

"H-hoy... bi-bitiwa-wan mo nga ang kamay ko." Bakit ako nauutal?!

"Ayoko nga." sagot niya habang hindi ako tinitingnan.

"NANLILIGAW KA PA LANG PERO KUNG MAKACHANSING KA!!!" sigaw ko habang tinuturo siya gamit ang isa ko pang kamay. "Tsa-tsaka gusto ko ng pringles."

Humarap ito sa akin at nagsmirk. "Magiging tayo din naman. Pakipot ka pa."

Ngumiti siya. "Naglilihi ka ba sa pringles?" sabi niya na ikinagulat ko.

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"A-aasa ka pa!" sagot ko. "Wala namang nangyari sa atin, bat ako maglilihi." kaswal na sagot ko.

Ngumisi ito. "Bakit gusto mo bang may mangyari sa atin?" sabi niya.

"BWISIT KAAAAAAA!!!! Ako tigil-tigilan mo!" inis na sabi ko. Ano bang lumalabas sa bibig ko at bibig niya. Nakakahiya!

"Bakit nagtatanong lang naman ako ha? Ikaw kaya nagbigay ng idea."

"Sinabi ko lang naman. Bwisit ka!!!" dispensa ko sa sarili ko.

Ano bang nangyayari sa akin. Kahapon pa talaga ako weird dahil sa panliligaw niya. Jusko naman.

"Nagbibigay ka kasi ng motibo na gawin." husky na sabi niya.

"Nasa sayo yon kung gagawin mo no!" sabi ko pa.

"Eh paano kung gawin ko, may magagawa ka kaya?" mapanghamon na sabi niya.

"Baliw!" tatayo na sana ako dahil narealized kong bibitawan niya na ang kamay ko pero hinila niya ako at napahiga ako sa sofa.

Nasa ibabaw ko siya.

Anong gagawin niya? Seryoso ba siya sa sinabi niya kanina? Mommy! Naiiyak na ako.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya. Napapikit na lang ako. Nararadaman ko na ang hininga niya sa akin. Nagkadikit na din ang pisngi ko sa pingi niya. "Asa ka pa!" sabi niya at tumayo.

Naiwan akong nakatulala. What was that?! Anong nangyari? Bakit biglang naging ganun? Waaahh! Nag-expect ba talaga ako sa kiss niya? Ano ba naman iyan! Arika!!! Engot ka talaga. Engot, engot. Hay!

Playful HeartsWhere stories live. Discover now