Chapter 48

2.9K 51 3
                                    

**

Chapter 48

Nagising ako ng may kung anong nakadagan sa tyan ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko ng maalala kong tabi nga pala kaming natulog ni Kaien.

Ewan ko ba parang baliw siyang nangungulit sa akin kagabi at hinihigpitan ang pagyakap.

Napatingala ako sa mukha niya at nakapatong ako sa mga bisig nya dahil hindi daw siya mapakali nung mga oras na iyon. Ewan ko ba kung anong ibig niyang sabihin hindi ko talaga naintindihan.

"Tapos ka na bang tumitig?" Namamaos niyang sabi.

Nanatili ang pagtitig ko sa kanya. "Hindi pa, kinakabisado ko pang lahat."

Mas higpitan pa nya lalo ang yakap niya sa akin.

"Papatayin mo ba ako sa yakap mo?" Tanong ko.

"Naiistress ka ba sa mga nangyayari?" Umiling ako. I lied. I won't tell him the truth unless oras ko na talaga. Ipapahiwatig ko na lang paunti-unti.

I won't tell him that I have Coronary Heart Disease. Ayaw kong isipin nyang mahina ako kahit na ang totoo ay sobrang hina ko nga.

"Pasyal tayo mamaya?"

"Where to?"

"Enchanted?" Umiling ako. "Why?"

I mouthed the word 'malayo'.

"Saan ba gusto mo?"

Nag-isip ako. Sa'n nga ba? "Dagat."

"Mas malayo naman 'yan." Nagpout ako.

"...please."

"Okay, sige pero bukas na lang pala."

"ONII-CHAN!" Iniluwa ng pinto si Ema na umiiyak.

"Ema ple-" Napabangon ako ng wala sa oras, kasamang iniluwa ng pinto si Alexus. Oh my ghad! Nakakahiya.

"Ano... a-ano...w-w-we..."

Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat sa nakita. NAKAKAHIYA. Naramdaman kong may yumakap galing sa likuran ko. Mahiya ka namang halimaw ka! 'Wag kang PDA!

"Hey! Stay away..." sigaw ni Ema sa akin. Para akong tangang hindi makapaniwala.

Alexus...

Ema...

Kaien...

... at ako

Para akong preso na itinaas ang dalawang kamay at naramdaman ko na lang na may humalik sa pisngi ko na syang ikinabigla ko ng todo.

"You kissed her! ONII-CHAN!" Hystherical na reklamo nito.

"Epal mo!" Reklamo ko din.

Ngumiti lang sya.

"Ema, let's go. Let them be." Singit ni Alexus na pilit hinihila ito ngunnit nagpupumiglas.

"YADDA! YADDA! YADDA! Let me go. Let me go!" But Alexus never let her hands go.

"Ano gagawin mo?" Bulong ko sa kanya.

"Let them fix what their problem is. We don't care, anymore." Mahina ko syang hinampas.

"Salbahe."

He grabbed my hands, "Tara, breakfast na tayo."

Nagpatangay na lang ako.

Napahawak si Ema sa laylayan ng damit ni Kaien, "Onii-" pero imbes na tulungan ay inalis nya ito.

"Kai..."

Playful HeartsWhere stories live. Discover now