Chapter 47

102 3 10
                                    

Chapter 47

Victims

We left my condo minutes after the body guard showed up. Hindi ko malaman kung tatakbo ba ako o maglalakad lang dahil kalmado lang si Calix.

Nang makarating kami sa basement parking ay pumasok kami sa passenger seats ng isang puti na SUV na highly tinted ang windows pagkatapos ay ni-lock iyon. Some of Calix's men went another way at nakita ko na lang na pumasok sila sa dalawang van na magkaparehong kulay itim and also highly tinted windows, other men went to his car and start the engine.

"Where are we going?" tanong ko sa kanya at kinakabahan. Namamawis na ako dahil hindi naman buhay ang makina ng sasakyan. Seryoso siyang nakatingin sa mga tauhan niya at sa halip na sagutin ako ay kinuha niya ang cellphone na mukhang dahil sa tawag.

"Okay." aniya sa kausap.

Maya maya lang ay nag umpisa nang umalis ang mga tauhan niya. Naunang umalis ang isang van, sumunod ang sasakyan ni Calix at ang huli ay ang isa pang van.

Ilang minuto ang lumipas at tahimik din ang basement parking.

"Cal--" magsasalita sana ako ngunit agad niyang tinakpan ang aking bibig. Nakatingin siya sa labas at nakita ko na rin na may ilang lalaki na nakasuot ng uniporme ng maintenance.

I was wondering why he suddenly covered my mouth dahil mga empleyado naman ang mga iyon ng building na ito and they don't seem armed ngunit nang makita ang ilang pag silip nila sa mga naka park na sasakyan ay agad akong kinabahan.

Oh my God! Are those men in disguised?

Nanlaki ang mata ko nang isa sa mga lalaki ay napatingin sa SUV na sinasakyan namin. Calix's still covering my mouth. Ramdam ko ang pag apaw ng kaba sa aking dibdib lalo na nang magsimula ang lalaki sa paglapit sa amin.

Tinanggal ni Calix ang kamay niyang nakatakip sa aking bibig at dahan dahang sumenyas na kami ay yumuko't dumapa. Sinunod ko ang sinabi niya at dahan dahang ginawa iyon.

Pinigilan ko ang sarili ko na gumawa ng ano mang ingay nang subukan ng lalaki na buksan ang pinto. Napapikit ako ng mariin lalo na nang may liwanag akong nasinagan.

The guy is using flashlight to see what's inside! Nanalangin na lang ako at nagtiwala sa tinted windows ng sasakyang ito.

Ilang beses niyang sinubukang buksan ang pinto ngunit bigla itong tumigil.

"Is there a problem with my car?" puno ng pagtataray na boses ng isang babae ang narinig ko. Sinubukan kong tingnan kung sino iyon ngunit hindi ko makita ang mukha niya.

Hinihintay kong sumagot ang lalaki ngunit wala akong narinig. Nang sumilip akong muli sa labas ay wala na doon ang lalaki. Ilang saglit pa ay binuksan ng babae ang pinto sa driver's seat at naupo doon at nagsimulang i-start ang engine ng sasakyan.

Ilang saglit pa ay nagsimulang umandar ang sasakyan.

"Stay down." saad niya. Saglit siyang tumingin sa rear view mirror at nakatingin sa akin.

When I saw her almond eyes, rosy cheeks and those heart shaped lips ay inalala ko kung saan ko siya nakita. I am sure I met her somewhere! Maybe dito rin sa building na ito? Maybe she's one of the residents here? And what's her relationship with Calix?

Nang makalabas kami ng building ay saka lamang umayos ng upo si Calix, gumaya ako sa kanya.

"I'm sorry, I'm a bit late." aniya at tumingin kay Calix na bumuntong hininga. Tumingin yong babae sa akin na hanggang ngayon ay inaalala ko kung saan ko ito nakita.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon