Chapter 3

305 11 6
                                    

Chapter 3

You were being chased

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa araw na iyon. Gustuhin ko mang sabihin kay Jamie ang nalalaman ko ay hindi ko magawa dahil marunong akong rumespeto ng privacy ng ibang tao, hindi ko naman sinasadyang marinig ang nangyari, nagpapasalamat pa nga ako na narinig ko lamang ang mga kaganapan sa araw na iyon, mabuti pa nga iyon kaysa sa nasaksihan ko talaga. And besides, hindi naman natuloy! My God. Now I doubt that he's still a virgin. Sa klase ng nangyari sa araw na iyon? I don't think so.

Nagpasalamat ako kinabukasan dahil hindi ko nakita si Calix sa school. Hindi ko alam kung nakita niya ako sa sinehan at kung alam niya na ako ang nasa kabilang cubicle. Mas mahihiya pa nga ata ako kaysa sa kanya kung sakali mang alam niyang ako iyon.

Matapos ang araw na iyon ay gumawa ako ng assignment sa math para lang may magawa sa apartment. Nang matapos ako sa pag gawa ng assignment ay nagpa load ako para sa broadband ko at nag on line. Nakita ko ang mga notifications sa facebook ko at nang makitang isa si Calix sa mga nag friend request sa akin ay napakunot ang noo ko. Sakto namang nag pop out sa chat ko ang pangalan ni Jamie.

Bakla, i-accept mo daw si fafa C.

Na-imagine ko pa si Jamie sa pagpalo sa akin habang sinasabi iyon.

At bakit ko gagawin iyon?

Nagtype siya ng reply,

Interesado yata sayo si fafa C, ateng. Ba't ba napakasuplada mo sa kanya? Mabait naman siya, gwapo pa, tapos mukang masarap..

Nang isend niya sa akin iyon at nang mabasa ko ang bitin niyang message ay nag init ang muka ko dahil sa ala-ala nung araw na iyon.

SHUT UP, JAMES FLORES. SASAMPALIN TALAGA KITA BUKAS!!

Pagkasend ko sa kanya na yon ay mga ilang sandali ay tumunog ang cellphone ko. Nawala ang inis ko kay Jamie nang makitang si Papa ang tumatawag sa cellphone ko.

Mabilis kong ni-reject ang tawag at kinalma ang sarili ko. Tinignan ko ulit ang laptop ko at nakita ang chat sa akin ni Jamie.

Masarap yakapin at mahalin, bakla! Utak mo naman. Hahaha.

Babush na nga, may lakad ako tonight since ayaw mo namang sumama sa night out natin. Hmp. Bye bakla, loveyou mwatsup.

Napangiti ako sa chat niya sa akin at napailing. Calix? Masarap mahalin? I don't get why girls fall in love with someone like Calix, a guy who loves to flirt with every girls. I won't buy his flirtness if he's hitting on me. No, I won't lose in his game.

Kinabukasan nang mag PDH kami na subject ay maagang dumating ang prof. Wala si Calix at bukod tangi yatang wala sa barkada nila. "Ateng, wala pa si fafa C, kanina ko pa tinetext hindi nagrereply." Saad sa akin ni Jamie. "Hindi na iyon dadating."

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon