Chapter 8

190 8 4
                                    

Chapter 8

Not alone.

Mag a-alas kwatro na ng hapon at hindi pa rin umuuwi si Calix. Naiilang ako dahil sa nakita niya akong umiyak ngunit ay nagpapasalamat ako dahil sa hindi siya nagtanong kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko.

"I'm done. Can you check this out?" Aniya at pinakita sa akin ang mga naisulat niya sa kanyang reflection paper. Binasa ko ang kanyang mga isinulat.

"Aren't you hungry?" Tanong niya ngunit ay hindi ko siya tinapunan ng tingin.

"Can I use your microwave?" Aniya at tinanguan ko na lang dahil abala ako sa pag tingin sa kanyang gawa.

Maya maya lang ay naamoy ko na ang pizza na kanyang ininit. "Eat some, Ynah Marie."

"Baba mo diyan." Saad ko at patuloy na binabasa ang kanyang gawa. Matagal tagal ko pa iyon tinignan at may dinagdag lang ako na ilang information about sa event na nangyari noon.

"Here." Aniya at nang harapin ko siya ay nakatapat na sa aking bibig ang pizza na hawak niya. "Eat some." Aniya. Uminit ang pisngi ko sa ideyang susubuan pa niya ako kahit kaya ko naman.

"Please?" Napakagat ako sa labi ko at kumagat na ako sa pizza na kanyang sinusubo sa akin. Napangiti siya sa akin kaya iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.

"I can do it." Saad ko at kinuha sa kanyang kamay ang pizza na hawak niya. "Thanks." Habol ko pa.

Kumunot ang noo ko. Ilang babae na kaya ang sinubuan niya ng pizza? No wonder kung bakit maraming nagkakandarapa sa kanya. Magaling siyang maglaro na kung tanga ka ay talagang matatalo ka sa laro niya.

Pero hindi ako. Kung sa ngayon ay nakikipaglaro siya sa akin, hinding hindi ako bibigay sa kanya. He could make me blush but that's just because he was the first guy who did something like that for me. Hinding hindi ako bibigay sa kanya. Hinding hindi ako mapapasama sa listahan ng babae niya.

"Ikaw lang ba ang mag isa dito?" Naputol lang ang pag iisip ko nang tanungin niya ako. Tinanguan ko siya at hindi tinignan. "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko.

"Where's Jamie?" Nakakunot ang noo niya at hindi pinansin ang tanong ko. "May inasikaso sa business nila." Tumango siya.

"Hindi ba siya uuwi dito?" Tanong niya ulit kaya kumunot na ang noo ko sa kanya. "Nope. Bakit?"

Umiling siya. "Will you be fine alone?" Natunugan ko sa kanyang boses ang pag a-alala.

"I'm fine, Calix. I'm used to it." Sagot ko at napabuntong hininga. Naalala kong muli si papa. Sa higit isang buwan na hindi ko na siya kasama ay nasanay na ako. Ngayon ay natatanong ko tuloy ang sarili ko..

Is he happy without me? Is he fine without me? Dahil kahit sabihin kong sanay na ako na mag isa ay hindi ko maikakaila sa sarili kong nakakalungkot rin na walang kasama.

"I can stay here if you want." Napatingin ako sa kanya. Hindi katulad ng palagi kong nakikitang ngisi sa kanyang mga mata ay may kung anong emosyon iyon.

"Go home, Calix. I don't need anyone." Mariin kong sabi sa kanya. Umawang ang bibig niya at hindi ko na mabasa ang kanyang emosyon.

"Okay." Malamig ang pagkakasabi niya na iyon at maging ang ekspresyon niya ay ganoon din. Sinave niya lang ang kanyang work sa kanyang usb at niligpit ang mga gamit niya.

"Thanks for the help." Aniya at tuluyan nang umalis nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Napapikit ako ng mariin at kinalma ang sarili.

Sumapit ang huling araw ng klase at lahat ay abala para sa magaganap na Christmas lighting.

Napaharap ako kay Jamie na naghihikab pa sa kanyang upuan nang may maalala akong isang bagay.

"Hindi ba ay may number ka ni Calix?" Ngumisi siya sa akin tila nang aasar.

"Yes, ateng. Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay sa tono ng boses niya. "Don't get me wrong, Jamie. Just text him kung nasaan na siya." Saad ko at nag iwas na ng tingin.

"Okay, okay!" Aniya at humalakhak pa. Marami ng tao dito sa room nila ngunit wala pa rin siya. Tumingin ako sa gawi nila Aisha at napansin na ala rin doon si Aeron. I guess he won't come. Mabuti na lang ay--never mind.

Dumating na ang prof namin at napatingin ito sa akin. Napangiwi ako at hindi ko malaman kung ano bang sasabihin ko. "Ateng, hindi nagrereply si fafa C e." Saad ni Jamie.

Tinipa ko ang message ko kay Calix.

Where are you?

Hindi siya sumagot. Natapos ang klase namin nang hindi siya dumadating. Nakalabas na ang prof namin at nagmamadali akong habulin ito. "Ma'am!" Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Ito po yong project ni Calix. Please give him another chance kasi po ay hindi siya nagpakita ngayon. But, he did his project kaya po sana ay pagbigyan niyo po siya.." kinuha ko sa aking bag ang folder na may laman ng project ni Calix. Yup. Pina print ko ang gawa niya na nakasave sa macbook ko para kung sakaling hindi siya pumasok.

Tumitig sa akin ang prof ko tila binabasa kung ano ang iniisip ko.

"Gawa niya ba iyan, Ms. de Luna?" Aniya. Tumango ako bilang sagot.

Tinanggap ng prof namin ang project niya at napailing na lang ako nang makaalis ito.

"Wow, ano iyon?" Tukso ni Jamie. Inirapan ko na lang at hindi ko sinagot.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pina-print ko ang gawa niya pagkatapos niyang umalis sa apartment ko. Siguro ay dahil sa na guilty ako pagkatapos ko siyang itaboy sa pagmamagandang loob niya o kung ano pa man ang tawag doon.

Hinintay namin ang Christmas Lighting at nang nagsimula na iyon ay kasabay na tumunog ang phone ko sa tawag ni Calix.

Hindi ko iyon sinagot at nanood na lang ng mga high school at elementary students na nakacostume na Angel at masayang kumakanta ng christmas songs.

Talagang nalalapit na ang pasko at mukang hindi ko makakasama si papa sa paskong ito. Gustuhin ko mang umuwi ay hindi ko magawa. Gustuhin ko mang magpatawad ay hindi ko makaya. My papa has been hurt for many years.

Kahit hindi niya ako nakitang umiyak dahil sa nalaman ko ang katotohanan na iniwan kami ni mama dahil sa iba at sa anak niya ay hindi ko maitatanggi sa sarili kong nasaktan ako, na nangulila ako, at galit ang bumalot sa puso ko.

Kaya hindi ko maipapangako sa kanila at sa sarili ko na kaya kong magpatawad sa ngayon.

"Ynah Marie." Napatingin ako sa likod ko at nakita si Calix na seryoso ang mga titig.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Pareho kaming nakatingin sa isa't isa at kahit gusto kong basahin ang iniisip niya ay hindi ko magawa.

Lumapit pa siya sa akin at hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nakatitig lamang ako sa mga mata niyang mapungay at aaminin kong iyon ay masarap titigan.

Matagal niya akong tinitigan sa mata at napakurap lamang ako nang maramdaman ko ang paglapat ng kamay niya sa tuktok ng aking ulo at hinaplos ang aking buhok.

"Thank you." Aniya

Hinayaan ko siya sa ginagawa niya.

For the first time after I left my home, I feel I'm not alone.

Chase and CatchWhere stories live. Discover now