Prologue

830 16 3
                                    

Napamulat ako sa narinig kong malakas na tugtog na nanggagaling sa kabilang apartment na katabi lamang ng apartment ko. Napabalikwas ako ng tayo mula sa pagkakadukdok ko sa lamesita nang makitang papagabi na at hindi ko man lang natapos pa ang pag aayos ng gamit sa apartment na tutuluyan ko. Binuksan ko ang ilaw at nakita ang dalawa pang bag ng mga gamit ko na hindi ko pa naaayos.

Napailing ako dahil nakatulog pala ako sa pagliligpit ng aking mga gamit. Humarap ako sa salamin at inayos ko ang mahabang tuwid kong buhok at pinusod iyon ng paikot. Nakita ko ang lungkot sa aking kulay light brown na mata at nakita ang pamumugto nito. Pinilit kong ingiti ang maliit kong labi at tumalikod upang magsimula ulit sa pagaayos ng aking mga gamit. Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng aking damit hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang picture frame kung saan naroon kami ni papa at masayang nakatingin sa camera. Nagbara ang lalamunan ko at nagsimulang manginig ang sistema ko sa galit at lungkot, naalala ko kung bakit nga ba ako nandito sa apartment na ito na walang kasama.

"Ynah Marie de Luna. Huwag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap pa kita!" Napairap ako sa singhal sa akin ni papa at sa pagtawag niya sa buo kong pangalan. Humarap ako sa kanya at nakita ko ang awa sa kanyang mata. "Ayoko, Pa. Ayoko!" Lumapit siya sa akin at umatras naman ako, "Sinabing ayoko!" Bumuhos na ang luha ko sa aking mata, "Anak, mama mo siya." Umiling ako sa sinaad niya. "Hindi ko naramdaman ang pagiging ina niya sa akin papa. Maiintindihan ko kung bakit siya lumayo sa atin para mabuhay ako, para mabuhay tayo, pero Pa, alam mo kung anong ginawa niya!" Sunod sunod ang pagbuhos ng aking luha mula sa aking mga mata. "Anak, 18 years natin siyang hindi nakasama--"

"Labing walong taon, Papa! Labing walong taon natin siyang hindi nakasama dahil iba ang kinakasama niya sa loob ng ilang taon na 'yon! Ni hindi ko matandaan ang muka niya, ni hindi ko naramdaman ang yakap at halik niya nung bata ako! Hindi niya nasubaybayan ang paglaki ko kasi ibang bata ang inaalagaan niya sa mga panahong iyon! Anak niya sa iba, papa! Tapos ngayon ay babalik balik siya sa atin? At nakuha mong sikmurain na makita ang dahilan kung bakit niya tayo iniwan noon? Pasalamat ako at wala ako kagabi nang magpunta sila dito. Ngayon ay hinihiling niyo sa akin na harapin siya at makakasama na natin siya dito sa bahay natin kasama ang anak niya?" Tahimik si papa na umiiyak dahil sa sinabi ko.

"Papa, alam kong sabik ka sa kanya. Naiintindihan ko iyon, naiintindihan ko na sa wakas sa loob ng labing walong taon na nangungulila ka sa kanya ay heto na siya at handa ka na ulit makasama. Pero papa, hinding hindi ko siya kayang makasama dito kasama ang anak niya."

"Anak ayaw mo bang lumigaya ako?" Basag ang boses ni Papa nang sabihin niya sa akin iyon. Para bang nabasag ang puso ko sa narinig, "Hindi ka ba naging maligaya kasama ako papa? Kakailanganin mo pa ba siya ngayon? Hindi ka ba naging masaya kasama ako? Kulang pa ba ako? Hindi pa ba ako sapat para maging maligaya ka?" Umiling si papa at pilit akong hinawakan ngunit lumayo ako, "Ynah, hindi iyon ang ibig kong sabihin, makinig ka naman sa akin.."

"Mahal kita papa pero hindi ko kaya ang hinihiling niyo sa akin. Kung ayaw niyo akong pagbigyan, ako ang aalis!" Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.. "Hindi, Ynah.." iling ni Papa sa akin.

"Marco?" Napalingon ako sa pinto kung saan nanggaling ang boses. Nanginig ang buong sistema ko. "Yanna.." saad ni Papa, bago pa man bumukas ang pinto ay dali dali akong tumakbo paakyat papunta sa aking kwarto at kinandado iyon. Tinawagan ko ang numero ng pinsan kong si Erick. "Oh? Napata--"

"Kuya." Nanginig ang boses ko pagkaputol ko sa salita niya. "K-kuya. Diba may nirerentahan kang apartment sa Baliwag na binabalak mong iwan na?"

"Oo, Ynah. Ano bang problema?"

"Kuya ihahanda ko ang gamit ko, pumunta ka dito sa bahay ngayon. Ihatid mo ang mga gamit ko sa apartment mo at doon ako titira simula ngayon. Wag mo muna akong tanungin ngayon kung anong nangyayari dahil alam kong may ideya ka na kung anong kaganapan dito. Magkita na lang tayo sa apartment mo." Hindi ko na siya hinintay sumagot at nagsimula na akong mag impake. "Ynah!" Hindi ko pinansin ang pag tawag sa akin ni papa at ang pagkatok nito sa pintuan ko. Kinuha ko ang bag pack ko at doon ko nilagay lahat ng gamit ko sa school. Kinuha ko ang isang malaking maleta at doon nilagay ang mga pantalon at mga sapatos ko.

"Ynah!" Bumukas ang pinto marahil ay sa spare key ni Papa. "Ynah.." natigil ako sa narinig kong boses. Muling nanginig ang sistema ko. "Ynah, anak.." napalingon ako sa kanya. Lumuluha siya at ako ay masamang tinitigan siya. "Anak?" Tumawa ako ng mapakla. "Anak? Wala akong nanay. Ang alam ko, matagal na siyang patay--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nakatanggap ako ng isang sampal galing kay Papa. Tumulo ang luha ko. "Y-ynah.." tila napagtanto ni Papa ang ginawa niya. Hindi ako nakapagsalita, kusa na lamang akong gumalaw at kinuha ang bag ko. Kinuha ko ang wallet ko at ang cellphone ko.

"Ynah, anak.." narinig ko ang pagmamakaawa sa boses ni Papa. Nilagpasan ko sila nang maramdaman ko ang paghawak sa akin ng isang malamig at nanginginig na kamay na kailanman ay hindi naging pamilyar sa akin. "Bitawan niyo ako." Saad ko sa malamig na tono. "Ynah, wag mong gawi--"

"Bitawan niyo ako sabi! Bitawan niyo ko!" Malakas kong kinalas ang kamay ko sa pagkakahawak niya sa akin. "Anak.." Kinilabutan ako sa pagtawag niya sa akin ng anak. "Huwag niyo kong matawag tawag na anak dahil kahit kailan ay hindi ka naging ina sa akin!" Hindi ko na sila hinintay sumagot, nagmadali akong bumaba. Mabilis akong pumara ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep. Tinawagan ko ulit si Erick,

"K-kuya.. pasensya na ha. Kung pwede ikaw na rin mag impake ng ilan kong gamit at uniform?" Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya, "O sige. Mag iingat ka, Ynah. Kakausapin ko na rin ang papa mo."

"Salamat, kuya."

Natigil ako sa pag iyak, inalis ko sa aking isip ang ala-ala at napaayos ng upo ng marinig na tumutunog ang cellphone ko, si Papa ang tumatawag, gusto ko sanang sagutin kaso ay pinili kong i-reject ito. Napatingin ako sa oras at nakitang mag a-alas sais na at ang huling beses kong kain ay magmula pa kaninang magtatanghali. Tumayo ako at lumabas ng kwarto, pumunta ako sa kusina at binuksan ang gasulat sinubukan paapuyin, nang makita kong nag apoy ay pinatay ko na lang ulit. Iisa ang kwarto at may double deck na kama iyon. Malaki ang nasa babang kama at single bed naman ang nasa taas. May sarili rin na CR at tama lang talaga ang apartment na ito para sa akin.

Lumabas ako at ni-lock ang bahay, nakita ko ang ilang matang nakatingin sa akin habang naglalakad ako at dahil wala ako sa mood ay hindi na lang ako nagsalita at naglakad palabas papunta sa isang tindahan. "Ano sayo, ate?" Tanong sa akin ng tindera. "May frozen po ba kayo?" Tanong ko.

"Oo, ano bang gusto mo?"

"Tocino na lang ho. Tsaka, isang kilong bigas po."

I'll live by my own starting from now. Alam kong kaya ko 'to. Kanina nang ibigay sa akin ni kuya Erick ang mga gamit ko ay sinabi niya sa akin na kinausap niya si papa at sinabing hayaan muna ako. Sinabi rin sa kanya ni papa na kung maaari ay umuwi ako kapag wala akong pasok. Hindi ko naman alam kung magagawa ko iyon sa ngayon, baka pag umuwi ako ay makita ko pa ang anak ng ni minsan ay hindi ko nakilalang ina.

"90 pesos lahat." Binayaran ko ang nagastos at bumalik ulit sa bahay at sinimulan magluto at magsaing. Pagkatapos kong lutuin ang tocino ay nagsimula ulit akong magligpit ng gamit ko. Habang nagliligpit ako ay tumunog ang cellphone ko, tinignan ko iyon at iyon ay isang message galing kay papa.

Ynah, kumain ka na ba? Alam kong galit ka sa akin at ganoon rin ako sa sarili ko. Hindi ko sinasadya na masaktan kita, anak. Nabigla lang ako. Mag iingat ka diyan, palagi mong i-lock ang pinto. Ang ATM mo na sa iyo diba? Nilagay ko na dyan ang monthly allowance mo. Namimiss na kita anak.

Pinilit kong huwag maiyak sa text ni papa. Hindi ko naman siya nireplyan dahil baka may masabi lang ako na masama. Tinapos ko na lang ang ligpitin ko at kumain pagkatapos.

Kinabukasan ay naghanda na ako papasok sa school. Hanggang maaari ay hindi ko dinala sa university ang problema ko at pinilit kong ngumiti sa lahat ng kaklase na makikita ko. "Hoy, bakla! Anong meron dyan sa feslak mo? Ba't ganyan ang eyebags mo? My goodness ang putla mo pa!" Napairap na lang ako sa sinaad sa akin ni Jamie. Ang ka isa-isa kong matalik na baklang kaibigan. Jamie ang gusto niyang itawag sa kanya kahit James Flores ang totoo niyang pangalan. "Hoy, Hayme, wag mo ngang pansinin ang muka ko. Na inggit ka nanaman!" Umarte siyang na parang nasusuka sa pangalang tinawag ko sa kanya. "Naku! Sasampalin pa kita diyan kung hindi lang maganda yang muka mo, e!"

Napatawa at napairap na lang ako sa sinabi niya, napatigil lang ako sa pag tawa nang makita ko si Calix Fernandez na paparating. "Calix!" Sigaw ng malanding bakla na aking kasama at ang walang hiya ay kumapit pa sa braso ni Calix. Napairap ako at nagsimulang maglakad palayo. Kahit na-ga-gwapuhan ako sa nilalang na iyon ay hindi ko pa ring maiwasang mainis dahil sa kalandian niya sa mga kababaihan.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon