Chapter 19

168 7 1
                                    

Chapter 19

On

"Anong iyo?" Tanong ko kay Calix na ngayon ay nakasimangot sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa itsura niya. Nasa Concha's Garden Cafe ngayon para sa aming dinner.

"I won't eat unless you let me pay for us." Ani Calix. Nanliit ang mata ko sa kanya. Kanina pa siya gastos ng gastos para sa aming dalawa at ngayong kakain kami ay siya pa din itong gagastos?

"Sagot ko na nga ito!" Inis kong sagot sa kanya pagtapos ay binalik ang tingin sa menu. Nakapili na ako ng akin at siya na lang ang hinihintay ko.

Nang makita ko ang pagsarado niya sa menu book ay tinanong ko siya kung ano ang kanya ngunit umiling lang siya.

"Bahala ka!" Banta ko sa kanya at tinawag na ang waiter. Kung ano ang akin ay iyon na lang din sa kanya. Napakakulit!

Habang sinasabi ko sa waiter ang order namin ay ramdam na ramdam ko ang paninitig niya sa akin.

"Thank you!" Ani ko doon sa waiter at nginitian ito. Narinig ko ang inis na tikhim niya. Tumingin ako sa kanya at ngayon ay nakita ko ang pag sunod ng tingin niya doon sa waiter. Sa ilalim ng upuan ay mahina ko siyang sinipa at pinagtaasan siya ng kilay.

"What the fuck?" Aniya. Mas lalo ko siyang tinaasan ng kilay.

"Ba't ganoon ka makatingin sa waiter?" Kunot noo kong sita sa kanya.

"At bakit ganoon ka makangiti doon?" Sita niya sa akin. Namumula pa ang magkabila niyang tainga.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napangisi. Sa inasta niya ay kumalabog pa ng malakas ang aking dibdib.

Napakagat ako sa ibaba kong labi. Ganito ang epekto niya sa akin?

"Are you jealous?" Tukso ko sa kanya. Umigting ang panga niya sa akin. Muli ay napakagat ako sa aking labi at natawa ng bahagya.

Why am I so happy with the idea of him being jealous?

"Tss. Bill's on me." Aniya at umirap pa sa akin. Napailing ako at napairap din sa kanya. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina.

Pagkabalik namin sa pinanggalingan namin sa zipline ay kinulit kulit na niya ako tungkol sa pag amin ko sa kanya.

"Come on, sweetheart. Please, let me hear that again." Pagmamakaawa niya. Iling lang ako ng iling sa kanya at pilit na nauuna sa kanya sa paglakad. Nahihiya ako!

"Kumain muna tayo." Iyon lang ang naging tugon ko sa kanya. "We'll eat after I hear you say that again." Aniya. Ibig kong matawa sa pagmamakaawa niya.

Ngayon ay hinarap ko siya. "Let's eat first and I'll pay for us. And then, I'll say that again after." Wala siyang nagawa doon dahil natulala siya sa sinabi ko. Inagaw ko pa sa kanya ang susi ng Hilux niya at pinatunog iyon at nauna nang pumasok.

Kaya ngayon ay nakabusangot siya dahil iyon ang napagdesisyunan ko. Maya-maya pa ay dumating na ang orders namin.

Nagsimula na ako sa pag kain at siya ay nakatingin lang sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kumain ka na! Gusto mo bang subuan pa kita?" Pinagtaasan ko pa siya ng kilay. Muli ay umirap lang siya sa akin. Sa inis ko sa kanya ay ginalaw ko ang pagkain ko at isinubo sa kanya.

Mamula-mula ang mukha niya nang gawin ko iyon. "Kumain ka na." Ulit ko sa kanya at mabuti na lang ay sinunod na niya ako.

"I do not let a girl pay for me."

Sabi niya nang tawagin ko ang waiter para sa bill.

"Sagot ko na nga ito." Iyon ang sabi ko sa kanya at inunahan siya sa pagkuha ng pera at pagbayad doon.

Chase and CatchWhere stories live. Discover now