Chapter 6

209 8 1
                                    

Chapter 6

Friends

Mabilis na napatili si Jamie nang mamataan niya si Calix. Nag iwas na rin ako ng tingin at pilit na kinalma ang puso kong mabilis at malakas pa rin ang pagkalampag.

Kaagad na lumapit si Jamie kay Calix at inaya sa table namin. Nang mamataan ko siyang nakatingin sa akin ay inirapan ko na lamang siya. "Who's the guy?" Saad ni Nixon at agaran kong naramdaman ang pag akbay niya sa akin. Hinayaan ko siya sa kanyang ginawa dahil sanay na ako sa mga ganyan niya. Hindi ko nasagot ang tanong niya at tumungga na lang na kabubukas lang na SanMig lights.

Nagkakatuwaan na rin ang iba kong kaibigan at panay na rin ang kwentuhan nila. "Yung dalawa nagsosolo!" Saad ni Jamie at napatingin sa amin ang lahat.

Naramdaman ko ang pag kurot ni Nixon sa aking pisngi at hindi nakaligtas sa akin ang pag taas ng kilay ni Calix. Umalis tuloy ako sa pagkaka akbay sa akin ni Nixon dahil sa tukso mg mga barkada namin.

Sa paglipas ng oras ay nakita ko na ang pagkakawala sa sarili ni Jamie, napairap ako at kinuha ang boteng tinutungga niya. Ngumuso sa akin si Jamie at napasubsob siya sa table sa sobrang kalasingan. Napairap akong muli at naalala kung gaano siya kahirap iuwi.

"Stupid." Nabulong ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigan namin at nakitang maayos pa sila. Nagtama ang tingin namin ni Calix nang tumayo siya't lumapit sa akin.

"You going home?" Taas kilay ko siyang tinignan,

"Yes." Saad ko. Napaiwas ako ng tingin nang dinilaan niya ang kanyang labi at tumikhim. Bumaling ako kay Nixon na ngayon ay nakatingin sa amin ni Calix.

"Una na kami." Saad ko, ngumuso siya at tumayo upang hagkan ako. Tinapik ko ang likod niya at nagpaalam na. Hinatak ko patayo si Jamie kahit na hirap na hirap siya sa paglalakad.

"Stupid, Jamie! Iinom inom ng marami kahit di naman kaya. Ugh!" Saad ko at inakay siya kahit naramdaman ko na rin ang pagkahilo ko.

Damn it. Not now. "Let me help you, then." Ani Calix sa gilid ko. Inismiran ko siya at di pinansin.

"Come on, Ynah Marie." Saad niya at nagdulot iyon sakin ng kilabot. Naka abot na kami sa parking lot ni Jamie na di ko tinatanggap ang tulong ni Calix.

"Why would you drink so much when you couldn't handle it in the end? You, stupid girl--ouch! Shit!" Kamuntik na kaming matumba ni Jamie nang mabunggo ako sa mga lalaki.

"Sorry--"

"Watch where you walk, bitch!" Umawang ang bibig ko sa sinabi ng lalaki.

"What did you say, you asshole?" Saad ko. Kitang kita ko ang pagtiim bagang ng lalaki at ganun ganon na lang nang itulak niya ako.

Napabagsak kami ni Jamie hindi lang dahil sa nawalan ako ng balanse upang mapigilan ngunit dahil sa lakas ng pagtulak sakin ng lalaki.

Nang mapatingin ako sa lalaki ay nakita ko ang pag suntok ni Calix dito at nang makabawi ang lalaki ay sinuntok din nito si Calix dahilan upang mawalan siya ng balanse.

Nakita kong gumalaw si Jamie at tinanggal ang heels niya. Tumayo siya at the next thing I knew ay napahiyaw na lang ang lalaki dahil sa pagbato ni Jamie ng kanyang heels sakto sa ulo ng lalaki.

Tumayo ako at tinulungan kong tumayo si Calix at maging pati si Jamie at tsaka kami tumakbo papunta sa sasakyan ni Jamie.

Binuksan ko ang pinto at pinapasok sa likod si Jamie. Nagkatinginan kami ni Calix nang binigay ni Jamie sa kanya ang susi ng sasakyan niya.

Magsasalita sana si Calix ngunit nang makita kong nakatayo ulit ang lalaki kanina ay mabilis kaming pumasok sa loob at pinaandar ang Ford niya.

Napatingin ako kay Calix na seryosong nakatingin sa daan, nakita ko ang pamamaga ng gilid ng labi niya kahit madilim. Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo niya.

"Gagong lalaking iyon. Mas bakla pa sa akin kung pumatol sa babae!" Nag iwas ako ng tingin kay Calix at tinignan si Jamie na nakahiga sa at nagsasalita ng kung anu-ano.

Sinabi ko rin kay Calix kung saan ang apartment na tinutuluyan ko at nang makarating kami doon ay tinulungan rin ako ni Calix na akayin ang natutulog na si Jamie papasok sa kwarto namin.

"Sandali lang." Saad ko kay Calix at iniwan siya sa salas. Pumunta akong ulit sa kwarto ko at hinanap ang safety kit ko. Pagkakuha ko ay naabutan ko si Calix na may kausap sa phone.

"Yep. Yeah, thanks bro.. I'll wait for you, then. Got it." Binaba niya ang tawag nang makita niya ako. Kinagat ko ang labi ko at pinaupo siya sa sofa.

"Umm.." damn it, Ynah. Just do it! "It's my fault so.. let me do this." Tinuon ko na lang ang pansin ko sa betadine at bulak.

Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ang pisngi niya para magamot ko ang sugat niya. Seryoso ang tingin niya sa akin at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"M-masakit ba?" Saad ko nang mapaiwas siya sa pagdampi ko sa sugat niya. Hindi siya sumagot at tumingin lang sa akin.

Kinagat ko ang labi ko at mas lalo akong kinabahan nang makita ang pagtitig niya sa labi ko. Pervert!

"I'm fine now. Thanks." Aniya at hinawakan ang kamay ko para itigil iyon. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at niligpit ang gamit. Nanatili kaming tahimik. This is awkward!

"Are you hurt?" Tumingin ako sa kanya at nakatingin din naman pala siya sa akin. "No. I'm fine.", bumuntong hininga ako.

"I'm sorry." Nagulat ako sa pagsabay naming sinabi iyon. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"I'm sorry if I assumed that you're the one who spread rumors. I'm sorry if I got you mad." Napatitig ako sa mga mata niya.

Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng pagiging mayabang niya ay kaya niyang magpakababa. I mean, he's not proud. I can't believe he'd say sorry. And I can't believe his eyes are full of sincerity.

"It's..fine." saad ko na lamang at nag iwas na ng tingin. "Umm, you want some coffee?" Narinig ko ang pag ngisi niya at tama nga ako dahil nakaguhit sa labi niya ang pilosopo niyang ngiti.

"I'll have it some other time. Nandyan na ang sundo ko sa labas e." Tumango ako at sinamahan siya sa labas.

"Thank you." Saad ko nang tignan niya ako. Ngumisi siya,

"Are we friends, now?" Aniya. Ngumiwi ako at umirap.

"Come on, don't assume like that." Saad ko bago siya tinalikuran.

Narinig ko ang pagtawa niya. "Alright, see you around, Ynah Marie." Pinigilan ko ang pag ngiti ko. In the first place, hindi naman dapat ako dapat ngumiti diba?

But as soon as I got inside my unit, my lips formed a smile as if they are betraying me from doing not so.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon