Chapter 31

142 6 3
                                    

Chapter 31

Haharapin

Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko sa mga nalaman. Hindi ako halos nakapagsalita. Nakatulala ako sa taong mahal ko ngunit tila hindi ko marinig ang pagtawag niya sa aking pangalan.

Napalingon ako sa aking kapatid at ganoon din kay Calix. Lahat ng imahe na sumusubok pumasok noong una naming pagkikita ni Lana ay ngayon ko lamang nabuo.

Iyong pamilyaridad ng mukha ni Lana noong una naming pagkikita na pilit kong sini-sino ay tsaka lamang nabuo sa aking isipan.

And now.. I am staring at the son of my mother's affair. I am staring at the boy whose life has been ruined because of my mother. And I couldn't believe that I once faced the man I have been cursing my whole life. His father.

"Ynah.. please. Stop crying." Tila nanginig ang buong sistema ko sa narinig.

"I'm.." hindi ko matapos ang ibig kong sabihin. Pakiramdam ko ay durog na durog ang puso ko. I am so sorry.

"H-how.." nilunok ko ang tila puro karayom na nakabara sa aking lalamunan. "How can you face me?" Umawang ang bibig niya, tila naguluhan sa tanong ko.

Labis na pagkahiya ang nararamdaman ko. Labis-labis. Na pakiramdam ko ay hindi ko magagawang humarap sa kanya.

"Calix.. I.. I think we should just break--"

"No! Fuck, no! Don't you dare continue that, Ynah!" Mas lalo lamang bumuhos ang luha ko sa pagpigil niya sa akin.

"Ate ynah!" Saad ng kapatid ko at sinubukan akong lapitan. Damn it!

"Don't! Please, Lana. If you don't want to get hurt, please don't go near me. Don't you even dare follow me!"

"Ynah!" Sigaw ni Calix ngunit ay umatras ako at umiling.

"Please, Calix.. don't follow me." Umiling siya sa akin at lumapit.

"Huwag mo akong lapitan sabi! If you try to come near me or even follow me, I swear, this would be the last time you'll see me." Napatigil siya sa paghakbang palapit sa akin.

"I know this is a selfish act, Calix. But I don't have the nerve to face you right now."

Nang may dumaan na tricycle ay agad ko iyong pinara at sinabi na sa bayan ako ibaba.

Nanginginig ang kamay ko nang sinubukan kong tawagan si Matthew. Right now, I think he's the only one I can lean on.

"Ynah?" Napahikbi ako nang marinig ang boses niya sa kabilang linya.

"Hey. Are you crying--"

"Matt. C-Can I borrow some of your time?"

"Where are you?" Sinabi ko agad sa kanya kung saan ako hahanapin at binaba ang tawag.

Ilang minuto ako naghintay sa isang convenient store nang makita ko si Matthew na bumaba sa sasakyan niya. Agad akong lumabas at sinalubong siya. Nakakunot ang noo niya nang salubungin niya ako.

"What the hell happened to you?" Hindi ako kumibo sa halip ay umiling lamang.

"Pwede mo ba akong samahan pauwi?" Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.

"Pauwi ng San Miguel." Pagpatuloy ko sa sinabi ko. Ngumuso siya sa akin at tumango.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa daan. Paulit-ulit ring nagpe-play back sa isip ko ang mga nangyari.

When was he going to tell me the truth? At kailan pa niya alam ang totoo? Does he know everything before we start our thing on? Did he figure it out before he even know me?

Chase and CatchWhere stories live. Discover now