Chapter 33

172 8 4
                                    

Chapter 33

Burden

Pinagdikit niya ang ilong namin matapos ang halik. Bumuntong hininga ako at lumayo sa kanya para pulutin ang nabasag na pabango.

"Don't pick that up." Aniya nang makita na pupulutin ko ang mga bubog. Hinatak niya agad ang braso ko para lang mailayo doon. Pagod ko siyang tiningnan at lumayo muli sa kanya.

"Put back your clothes. Hindi ka aalis. Hindi ka ulit sasama sa kanya." Madiin niyang sabi. Napakagat ako sa aking labi. I can sense how mad and tired he is. Nang tingnan ko siya ay madilim niyang hinagod ang katawan ko ng tingin. Ngunit tila siya nagpigil dahil imbis na sabihin niya ang gusto niyang sabihin ay tinuon niya lamang ang pansin sa pagpulot ng mga bubog.

Kaya imbis na tingnan ko ang ginagawa niya ay niligpit ko na nga ulit ang gamit ko. I texted Matthew and told him he's right. Na nandito nga si Calix.

Nang matapos si Calix sa ginagawa niya ay agad siyang tumabi sa akin.

There're still questions I wanted to ask but I remained silent.

"Ynah.. please have a talk with your mom." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"I know you're mad. But you need to work things up. Don't let your rage eat you up. Alam na alam ko na galit ka kay dad, mahirap para sakin, aaminin ko, pero nandito ako para sayo sa oras na magharap ang pamilya natin."

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. All this time, he knew. Sa mga oras na iyon sobrang nahirapan na siya. He endured all the pain just to fix me. How selfless and selfish he was at the same time?

"Please let your mom explain. Please hear her out." Walang lumabas sa bibig ko na kahit na ano. Although my mind is likely to explode dahil sa dami nang naiisip ko ngunit hindi pa din ako nagsalita.

Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa din ang sistema namin. I am rejecting all their calls as well as I'm trying to pursuade myself to hear her explanation. Things between me and Calix are kinda awkward. Hindi ko maiwasang mailang sa tuwing nakikita ko siya dahil sa hiya na aking nararamdaman.

Mag a-alas kwatro ng hapon nang makita ko ang text ni mama sa akin.

"Ynah, anak.. please let me explain.." paulit ulit ko iyong binasa at paulit ulit din akong nag tipa ng reply ngunit hindi ko magawang sabihin kay mama na pumapayag ako sa gusto niya. Tila hindi ko siya kayang harapin na hindi nahihiya.

Nilagay kong muli ang cellphone ko sa aking bulsa at pinagpatuloy na lamang ang pagwawalis ng kalat nang hindi ako nakagalaw nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Calix sa aking baywang.

Napasinghap ako nang maramdaman ang mga mumunti niyang halik sa aking balikat at leeg. Nabitawan ko ang walis at napakagat sa aking labi.

"Are you still mad?" His husky voice made me shut both of my eyes. Mas lalong napakagat ako sa aking labi nang maramdaman ko ang paulit ulit niyang paghaplos sa aking tiyan at ang paglapat ng kanyang labi sa aking leeg at patuloy na binigyan iyon ng maliliit na halik.

"Calix.." sa loob ng dalawang araw ay ngayon ko lang ulit siya natawag sa kanyang pangalan.

"Yes, sweetheart?" Aniya at patuloy lang sa kanyang ginagawa. Napatigilid ang aking ulo sa ginawad niyang halik sa aking leeg nang biglang may nagbukas ng pinto. Kitang kita nila Lana ang ayos naming dalawa ni Calix at naging malakamatis ang aking mukha sa kahihiyan.

Hinabol ko ang aking hininga nang makahiwalay ako sa kanya. I even saw how Lana's cheeks brushed and even mama's.

Napapikit ako ng mariin dahil sa kahihiyang nasaksihan nila. Nagpapasalamat pa nga ako at wala si papa sa likod nila!

Chase and CatchWhere stories live. Discover now