Chapter 18

157 8 0
                                    

Chapter 18

Falling

Napahikbi ako dahil sa pagpigil ko sa pag iyak. Siguro ay sa gulat niya ay mabilis niya akong iniharap sa kanya. Nakitaan ko ng takot ang kanyang mga mata at nanginginig na pinunasan ang tumutulo kong luha.

"Ynah.." mas lalo lang akong napaiyak nang hinawi niya ang mga nagsilaylay kong buhok sa aking mukha.

"Gago ka.." iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko at wala sa sariling yumakap sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko gayong naguguluhan ako sa nararamdaman ko!

Dahil dapat noong una pa lang ay hindi ko to maramdaman! Dapat ay hindi ko 'to maramdaman dahil may isang salita ako! Pero bakit sa tuwing lalapit siya sa akin, bakit sa tuwing magpapakita siya sa akin ng pag aalala ay gumuguho ang mundo ko? Bakit?

"Stop crying.." aniya. Humigpit lang ang yakap ko sa kanya.

"Ikaw kasi!" iyon ang lumabas sa bibig ko at kumalas sa yakap.

Bago pa ako makalayo ay hinigit na niya akong muli at ikinulong ulit sa bisig niya.

"Trust me, sweetheart.." malambing niyang sabi. Kagat kagat ko ang labi ko at kinalma ang sarili kahit mukhang walang pagkakataon na tumigil ang tambol sa puso ko.

I'm not sure if he's telling the truth. Kung ano man ang alam kong sigurado ay iyon ang ideyang nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil hindi ko maamin ang totoo. Nasasaktan ako dahil hindi ko mahayaan ang sarili kong sumuko.

My mom cheated on my dad. Paano ko hahayaan ang sarili ko? I've been hurt my whole life. I noticed the pain my dad has to go through. I was seven years old that time when I learned everything.

My mom was supposed to go back home kaya lang ay hindi iyon natuloy.  Paulit-ulit iyong nangyari sa loob ng ilang buwan sa taong iyon. And then, here we go again.. akala ko ay uuwi na siya but then, hindi nanaman.

I still remember everything.. We were so excited.. I was so excited to see her. Because after all these years ay makikita ko na siya. Pero pag uwi ko galing sa pagpasok sa eskwela ay ang umiiyak na aking ama ang naabutan ko. Lasing na lasing at hindi na makapag isip ng maayos.

"Hindi na babalik ang mama mo.." iyon ang mga katagang binitawan niya. Humingi pa ako ng tulong sa mga tito at tita ko para lang maiayos si papa.

Ilang araw din siyang tulala hanggang sa madaling araw ay nagising ako dahil sa pag sigaw ni papa. Sumilip ako sa maliit na espasyo ng pinto at nakita roon sa labas si papa.

"Tanggap ko ang lahat, Yana! Noong una pa lang tinanggap ko na ang batang iyan dahil mahal na mahal kita. Kahit hindi ko iyan kadugo ay handa akong akuin ang responsibilidad!"

"At ano? Habang buhay mong itatago kay Ynah ang totoo na may kapatid siya? Maawa ka naman sa anak mo. Gustung-gusto ka niyang makita ngunit hindi ka tumuloy dahil nahihiya kang humarap sa amin? Yana, please.. I can give her my name. I will love her like my own child.."

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni papa sa oras na iyon kaya lumabas ako at nagpakita sa kanya. Hindi ko alam kung tama ang lumabas ngunit gusto kong malaman ang totoo. Gulat na gulat pa ang ekspresyon ni papa dahil sa akin.

"Ynah, anak.." tahimik lamang ako. Mabilis niyang pinutol ang tawag at lumapit sa akin.

"Papa.. may kapatid ako?" Iyon ang tanong ko sa kanya. Para bang hirap na hirap siya sa pagtango. Gusto kong maging masaya ngunit di ko magawa.

"Bakit ganoon, papa? Bakit hindi niyo sinabi sa akin?"

Umiyak si papa at niyakap ako. "I'm sorry, anak.. Natatakot lang ang mama mo na magalit ka sa kanila.."

Chase and CatchWhere stories live. Discover now