Chapter 20

160 6 1
                                    

Hi, guys! If you have a twitter account, you can follow me there. My username is @ alistarille and you can also follow Calix, @ calixfernandez. Thank you for your support! :)

Here's chapter 20 for you. Enjoy reading! :)

----------------------------------------------------------

Chapter 20

Hard to love

Nakadapa ako sa kama at nagfa-facebook nang biglang pumasok si Calix. Katulad ng suot niya na pantulog kagabi ay iyon pa din iyong suot niya ngayon. Ngumuso siya sa akin ngunit binalik ko na lang ang tingin sa screen ng phone ko.

Nang icheck ko kasi ang messenger ko ay pinapaulanan ako ng messages ni Jamie. Tinatanong niya kung nasaan ako at kung anong lagay ko.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang lahat sa kanya. I mean, alam naman niyang inis na inis ako kay Calix pero ngayon ay ganito na kaming dalawa.

Nagulat pa ako nang bigla ay tumunog ang skype ko at nakita na tumatawag si Jamie. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung ire-reject ba iyon o sasagutin. Sa huli ay sinagot ko na.

Kaagad na tumumbad sa akin ang mukha niyang nakakunot ang noo at nang masilayan ako ay umaliwalas ito.

"Hi, ateng! Anong lagay mo dyan? Nasa inyo ka ba?" At pilit sinisilip ang background ko.

"Ayos lang ako Jamie.." naramdaman ko pa ang pagpula ng pisngi ko dahil sa mga naisip.

"Wala ako sa amin. Nasa Tagaytay ako."

Napatingin ako kay Calix na ngayon ay nasa gilid ko at sumilip sa screen. Hindi pa siya nagpapakita kay Jamie pero nangingisi siya, siguro ay dahil na rin sa itsura ko.

"Sino ang kasama mo, ateng?" Ani Jamie na halatang halata sa pagkakakuryoso. Ngumuso ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo.

"Umm.." napabuntong hininga ako at tinapat kay Calix ang camera. Ilang segundong tahimik si Jamie at maya maya ay napatili na siya at kung anu-ano na ang lumabas sa bibig.

"Oh my God, bakit magkasama kayong dalawa?" Natatawa lamang si Calix sa reaksyon ng kaibigan ko.

"Ateng.. did you do that?" Ani Jamie. Lalong napatawa si Calix dahil doon. Halos umusok na ang magkabila kong pisngi sa init nito.

"Or.. teka, paanong nangyari na magkasama kayo?"

Napapikit ako ng mariin. I knew it! He'd be like this when he found out. "Ano bang meron sa inyo? Kayo na ba?" Napangisi si Calix at napatingin sa akin.

"Tayo na ba?" Aniya. Hinampas ko pa ang braso niya sa tanong niya. Kami na ba? Of course we are! We kissed and we also exchanged I love you's.

"What? Aren't we?" Ani Calix na ngumunguso ngayon.

"Tayo na nga! I said I love you, isn't that enough? We even shared a kiss, Calix." Tuluy-tuloy kong saad. Narinig ko ang pag singhap ni Jamie na siyang nakapag paalala lang sa akin na narito siya.

"Oh my God.." iyon lamang ang nasabi niya. Ang lalaking katabi ko naman ay halos mapunit na ang mukha sa kakangisi.

Sa inis ko sa kanya ay pinaghahampas ko pa ang braso niya at lumayo sa kanya.

"Come on, sweetheart." Aniya at patuloy sa pagtawa.

"Sweetheart!" Tukso ni Jamie at natatawa na rin. "Hindi mo naman sinabi sa akin, ateng.. Sweetheart lang pala ang gusto mong itawag ng mga nagtangkang manligaw sayo!"

Kung nandito siguro si Jamie ay ilang hampas na rin ang inabot niya sa akin. Hiyang hiya ako sa mga nangyayari! Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na may makaalam na may feelings ka sa isang tao.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon