Chapter 32

144 5 1
                                    

Chapter 32

Fix you

"I'm sorry, Matt." Saad ko nang bigyan niya ako ng pantulog na damit at ipaghanda niya ako ng tulugan. Wala sana ako dito sa bahay nila ngunit wala akong naging choice. Jamie's still in Manila kaya hindii ko magawang magpunta sa bahay niya para doon makitulog. At kaya noong alukin ako ni Matthew na sa kanila na lang ako matulog ay hindi na ako nagdalawang isip pang sumama.

"It's okay. Call me if you need anything. Sa kabilang room lang ako. Good night."

"Good night, Matt. Thank you ulit." Tumango siya sa akin at lumabas na ng kwarto. Matt's living alone with 2 maids in this big house. I don't know where his family are. Wala akong ganang magtanong at hindi rin naman siya nagbigay impormasyon tungkol doon.

Inayos ko ang gamit ko. Tiningnan ko ang phone ko at nakita ang madaming missed calls at messages doon. Ngunit imbis na buklatin iyon isa-isa ay mas pinili kong patayin ang telepono para hindi nila ako macontact.

Sa pagod ko ay nahiga agad ako. Pinikit ko ang humahapdi kong mata at hinilot ang aking sentido.

Damn. I did not let her explain again! Sinapawan nanaman ako ng galit ko. Remembering the pain plasterred in her face makes me guilty of all the things I've said.

Ngunit sa tuwing maalala ko ang pamilyang sinira niya ay sakit at galit muli ang nararamdaman ko.

How did Calix tolerate the pain? Lalo na noong malaman niyang ako ay anak ng babaeng nanakit sa mama niya? Kailan pa niya nalamang kapatid ko si Lana? At bakit kailangan pa niyang ituloy ang pagligaw sa akin kung alam niya? Bakit pa niya ako hinayaang mahulog sa kanya gayong alam niya na sobrang sakit ang mararamdaman ko kung malaman ko?

Buong gabi na iyon ay wala kong nagawa kundi ang umiyak. Ni hindi ko namalayan ang oras kung kailan ako nakatulog. Nagising lamang ako nang maramdaman ko na may humaplos sa aking pisngi.

Sa pag-aakalang si Calix iyon ay agad akong dumilat. Ngunit bigo ako nang makita ang mukha ni Matthew na malungkot akong pinagmamasdan.

Tila ba may kung anong karayom ang tumusok sa aking puso nang mapagtantong sa kabila ng anong sakit ay si Calix pa rin ang hahanap-hanapin ko. Na tila siya lamang ang magpapahilom sa kung ano mang sugat ang natamo ko.

"I'm sorry. I woke you up." Aniya at umalis sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko. Bumangon ako pagkasabi niya noon. Doon ko lamang napagtanto na ang kahapon ko pang damit ang suot ko.

"I see you didn't change your clothes last night," napakunot ang noo niya at lumipat ang tingin sa damit na nakahanda. "Would you like to change first before eating our breakfast?" Tumango ako at tumayo.

"Thank you, Matt." Inalalayan niya ako papuntang CR. "Call me if you need anything." Aniya at lumabas nang makalapit ako roon.

Pagtapos kong maligo ay nanatili pa ako ng ilang sandali sa kwarto. Nilibot ko ang tingin at napagtanto na mukhang sa kapatid niya itong babae. The walls are all white and the curtains are purple.

There's also a picture frame of their family at the side table. Dalawa lamang silang magkapatid at tulad niya ay halata sa kapatid niya na galing sa isang mayamang pamilya. Their dad is too manly and their mom is gorgeous as if she's not in her mid forty's.

Ngumuso ako at sinuklay ang buhok. It's still wet so I dried it using a blow dryer. Pagkatapos ko roon ay lumabas na agad ako.

Tahimik ang bahay nila Matthew. Ang footsteps ko lamang pagbaba ang siyang nagpapaingay sa buong bahay nila. Nang makababa ako ay agad kong nakita ang dining area nila. He's already sitting and the breakfast is all ready.

Chase and CatchDonde viven las historias. Descúbrelo ahora