Chapter 45

103 4 6
                                    

Happy new year, everyone! Enjoy reading! Thank you so much for the support. :)
-------------

Chapter 45

Wife to be

Hinanap ko sa aking contacts ang numero ni Lana. I need to ask her kung bakit ang kuya niya ang narito!

Nakabihis na ako ng spaghetti strap at pajama dahil sa inis ko kay Calix, dahil matapos siyang suminghap sa leeg ko ay nawala na ko sa ulirat at nagdiretso ng kwarto! He said I'm the one who rules ngunit nang gawin niya iyon ay sarili kong katawan at pag iisip ay hindi ko na ma-control.

"Hello, ate." Ani Lana sa kabilang linya.

"Lana, care to explain why your brother's here?" Narinig ko ang pag singhap niya at nautal sa pag sagot.

"U-uhm, I'm kinda busy sa farm, ate. At may i-me-meet din akong clients natin dito sa Bulacan this week, that's why I asked kuya Calix to be with you during the meetings. Kilala din kasi siya ng mga partners natin dahil isa din siya sa tumutulong satin to save our trucking."
Muli akong nagulat sa mahaba niyang sinabi. What?

"I'm sorry, hindi ko agad nasabi sayo. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin na tumutulong rin si kuya kay papa."
Napabuntong hininga ako.

"Alright, Lana." Iyon lang ang tanging naisagot ko. Narinig ko pa ang paghabol na tawag niya sa akin ngunit naibaba ko kaagad iyon.

I don't know about Calix's game. Hindi ko alam kung laro nga ba ito sa kanya, or baka nagu-guilty siya sa ginawa niya sa akin o kaya ay dahil baka sa kapatid niya si Lana kaya niya ito ginagawa para sa pamilya namin.

Bahala na kung saan ako dalhin ng pakikipag usap sa kanya!

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko siyang nakahilig sa upuan. Nang magtama ang tingin namin ay kinilabutan ako, lalo na nang makita ang matalim niyang pagtitig mula sa aking ulo hanggang paa at sa huli ay ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi.

Sinamaan ko siya ng tingin para lang maibsan ang kabang nararamdaman ng aking dibdib at dumiretso sa kitchen.

Naghain ako ng para sa aming dalawa at hindi ko maiwasang mag reminisce ng nakaraan. May tumutusok sa aking dibdib lalo na nang maalala na paborito niyang ulam ang adobo. Damn! It's like the first time na magpunta siya sa apartment ko para sa pag gawa ng kung ano mang project iyon? Parang may pumipiga sa damdamin ko nang maalala kung paano siya magpigil ng pag kurba ng labi para lamang maitago ang mga ngiti noon, but still failed to hide it.

Kinagat ko ang aking labi lalo na nang mapa isip sa mga bagay-bagay. I used to tell myself that I would never fall for someone as flirt as him, but in a span of one month, I failed it, I destroyed my own principle, I fell for him.

Kung gaano ako kabilis nahulog sa kanya, ganoon din niya ako kabilis sinaktan. And I never thought this pain could last this long.. it's never ending.

"You okay?" Napalingon ako sa kanya na hindi ko namalayang nakasunod na pala sa akin, mabilis din akong nag iwas ng tingin sa takot na makita niya ang nanggigilid kong mga luha.

Fuck. I want this pain to end.

Tumikhim ako at tinuon ang pansin sa paghain.

"I.." panimula ko ngunit hindi ko rin agad nadugtungan sa panginginig ng boses ko. Nahirapan ako sa paglunok bago pa ulit magsalita.

"Uhm, I made adobo for my dinner. Kumain ka na din dito bago ka umalis." Saad ko, hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin.

Naupo ako at ganoon din siya. This is awkward! Kumilos ako para sumandok ng kanin ngunit sabay naming ginawa iyon, kaya imbis na sandok ang mahawakan ko ay ang kamay niya ang nahawakan ko. Nagkatinginan kaming dalawa at mabilis kong binawi ang kamay ko dahil sa pagkapaso sa balat niya.

Chase and CatchWhere stories live. Discover now