Chapter 2

283 11 2
                                    

Chapter 2

Muntik na..

Matapos ang insidente na iyon ay tinadtad ako ng text ni Jamie dahil umuwi ako ng araw na iyon. Paano kasi ay tinanong ko na sa office kung nandoon ang mga susunod na prof kaya lang ay sinabing wala. Napag alaman ko rin na ang prof namin sa history na sa Main pa ang room namin ay next prof ng block 3 kung saan kami pumasok ni Jamie sa 7:30 class namin kaya nang sinabing wala doon ang prof ng Philosophy at History ay umuwi na ako.

Walanghiya ka, ateng. Naagaw mo ang atensyon ni fafa Calix, hinihingi ang number mo!

Napairap ako sa text ni Jamie sa akin at mabilis nag type ng reply.

Subukan mong ibigay ang number ko sa kanya, susungalngalin talaga kita.

Of course nagbibiro lang ako sa pagsungalngal ko sa kanya pero hindi ako nagbibiro na huwag ibigay ang number ko.

Ateng ang hirap tumanggi!

Nang sabihin niya iyon sa text ay hindi ko na siya nireplayan, hindi ko rin sinabi sa kanya na wala namang prof, sakto pa namang tamad na tamad iyon pumuntang office kaya hindi niya alam kung may darating ba na prof o wala.

Mag a-alas dose ng tanghali siya nag text sa akin ng araw na iyon at galit na galit ang gaga.

Ang sama mo, bakla. Now I wonder paano kita naging kaibigan? Sinaktan mo ang perlas ko!

Natawa ako sa text niya imbis na mainis.

Umayos ka, wala kang perlas. At tigil-tigilan mo ang pag kulit sa akin na ibigay ang number ko sa malanding lalaki na iyon.

Sumang ayon naman siya sa akin na hindi iyon gagawin dahil nagtanda na siya. Nagtanda siya dahil ayaw na niyang maulit pa na iwan ko siya sa ere at paghintayin sa mga prof kung darating o wala. Kinabukasan sa araw na iyon ay rest day namin. Walang araw ang lumipas na hindi nagtext sa akin si papa, kaya lang ay hindi ko naman iyon pinapansin sa takot na may masabi akong hindi maganda. I miss him, yes. I want to see him, yes. But if it will lead me to see my mom and her daughter, surely, I'll lose my control and it fears me. Baka kasi imbis na matanggap ko sila ng paunti unti ay mas lalo ko silang kamuhian.

Naglinis ako ng apartment ko at pagkatapos non ay inaya ko si Jamie na mag shopping kaya lang ay tumanggi siya dahil may dumating daw na foreigners sa resort nila at mukang nagustuhan ang pamamalakad at gustong mag invest, kaya kahit nangangati siya na mag shopping ay tumanggi siya. Ngunit hindi iyon nakapagpapigil sa akin na sundin ang gusto kong mangyari. Nagbihis ako ng loose shirt at denim shorts at sneakers na dark blue. Namasaheros ako at nagpunta sa SM at nagshopping mag-isa.

Namili ako ng bag at tatlong shirts from penshoppe, primadona at bench. Bumili rin ako ng pants at shorts pati na rin, flat sandals at sneaker. Nang matapos ako sa pagbili ay nag order ako ng isang Champ sa Jollibee at large fries pati na rin coke at pinatake-out dahil nagdesisyon akong manood ng sine mag isa.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon