Chapter 36

163 6 9
                                    

Chapter 36

Hindi nawala

"I love you, Ynah Marie."

Halos habulin ko ang aking hininga dahil sa panaginip. Nasilaw pa ko sa liwanag nang maidilat ko ang mga mata. Tumingin ako sa aking katabi at gising rin ito.

"Had a great nap, lady?" Anitong lalaki, bilang sagot ay tumango at ngumiti ako.

“Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the Ninoy Aquino International Airport. Please make sure one last time your seat belt is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin to make a final compliance check and pick up any remaining cups and glasses. Thank you.”

Huminga ako nang malalim at inihanda ang sarili. I'm pretty sure Jamie and Matthew's there to welcome me.

It's been 2 years since I left Manila to transfer in Dubai. Isa kasi ako sa mga na assigned ng kumpanya na doon mag trabaho para sa next project namin.

Pero dahil sa may mga bagong ipadadala ng team namin doon ay nag request naman ako na pabalikin na ako dito. And just when I was approved to go back here ay biglaan naman ang balita sa akin nila mama na nasa hospital si papa, kaya nang malaman ko iyon ay agad-agad ang pag file ko ng pagbalik.

Pumikit ako at muling nakita ang imahe ng kanyang muka na walang makikita kundi galit, ibang-iba sa mga mata niyang nasa panaginip ko na puno ng pagmamahal. Nag igting ang aking panga at minulat ang mga mata.

Heck, it's been 8 years now.

“Ladies and gentlemen, we have just landed at the Ninoy Aquino International Airport. Local time is 20 minutes past the hour of 8 in the morning....."

The flight attendant announced it. Nanatili kaming mga naka upo ng ilan pang minuto at bumaba lang nang makasigurong pu-pwede nang bumaba.

Nang matapos sa pag ch-check ng mga gamit ay tsaka lamang ako tuluyang nakapag relax.

"Ynah!" Napalingon ako sa dagat ng mga tao, hinanap kung saan nang galing ang boses.

"Ynah!" Muli ay napalingon ako sa aking likod nang makasigurong doon nang galing ang boses.

Nabitawan ko ang luggage nang salubungin ako ni Matthew ng isang mahigpit na yakap. Napangiti ako. Parang di kami magka video call bago ako lumipad pabalik dito.

"I missed you!" Saad niya nang humiwalay ng yakap sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi. Ngumuso ako.

"I missed you too." Saad ko, mas lumaki ang pangangatawan niya kaysa sa nakalipas na dalawang taon. He's more manlier, mas gumwapo, at mas successful.

"Nasaan si Hayme?" Tumungin siya sa likod niya at ganoon din ako.

Compare to the Jamie 8 years ago, he's so manly now. Sino naman kasi ang mag a-akala na magiging gan'to siya? He's cleaned cut, wearing a white v-neck shirt and a jeans, plus, he's gotten bigger. Any girls can fall for him now.

Ngumuso ako para magpigil ng ngiti. I'm still not used to seeing him like this kahit na walong taon na ang nakakalipas simula noong magbago siya. But, for me it's better. Sayang naman kasi ang lahi niya. He's handsome even before di lang mapansin dahil sa long hair niya at sa pagpahid ng kung anu-ano sa mukha, at syempre ang pag suot niya ng mga "cute" na damit.

"Kung makatitig ka naman. Gwapong-gwapo ka ba sakin?" Pigilan ko man ay natawa na ko sa sinabi niya. Ang laki na nga ng boses niya bago pa ko umalis ay mas malaki na ito ngayon.

"I missed you, my best friend!" Saad ko at agad agad na yumakap sa kanya at binigyan ng halik sa pisngi.

"Ayos mo nga, Ynah." Natawa akong muli at humiwalay sa kanya dahil pilit na siyang humihiwalay sakin.

Chase and CatchWhere stories live. Discover now