New Neighbor Arrives

1.9K 49 8
                                    

July 07, 2014 (8PM)

[Meron na talaga kaming kasama dito, si A, last week pa sya. Nasa baba sya, 2-storey kasi to - 1st to 3rd rooms sa baba at 4th to 6th room sa taas. At this time, nagsisimula nang lumipat ang apat na lalaki sa room #5 katabi mismo ng room namin]





"Merong lilipat dyan sa tabi nyo ah!" balita sa amin ni A

"Ayan! May kapitbahay na kami. Di mo na kami matatakot!" sabi ko naman sa kanya dahil lagi nya kaming tinatakot lalo na pag brownout








Maya-maya pa ay bumaba na si A upang kumain, sinarado na namin ang pinto dahil kakain na rin kami ng hapunan.

Umupo kami sa sahig para doon kumain dahil maliit ang lamesa namin at nahihirapan kami doong kumain. Bukod pa doon ay mas masarap talang kumain kapag nakaupo sa sahig.


Habang kumakain kami ay nakaramdam kami ng pagyanig.

Dahil nasa second floor kami, magkakarugtong ang sahig ng tatlong kwarto sa taas at talagang mararamdaman mo kung mayroon tatalon ng malakas sa kabilang unit.



"Ano 'yun? Parang may tumalon?" puna ng isa sa amin


At may tumalon ulit - dalawang magkasunod naman na talon ang muli naming naramdaman. Kinabahan na kami - kung ano-ano na nang pumasok sa isip namin kung bakit tumatalon ang mga lalaking bagong lipat sa kabilang unit.


Kasunod nuon ang biglang pagkalabog ng pinto. Isinara nila ang pinto at dinig namin ang pagtakbo ng apat na lalaki. Maging ang dali-dali nilang pagbaba sa hagdan ay dinig na dinig rin namin.


Natigil kami sa pagkain. Sabay sabay kaming sumilip sa bintana para makita namin sila.

Kitang kita namin na dala-dala nila ang mga unan, rice cooker, kaserola, mga bag at iba pang bagay na dala nila sa paglipat. Kanina lamang ay hinahakot nila ito pataas ngunit ngayon ay hinakot na naman nila pababa ang lahat ng kanilang mga kagamitan.

Sumakay sila sa tricycle.


"Manong, bilis! Bilis!" dinig naming sabi ng isang lalaki at tuluyan nang nakalayo ang tricycle kasama ang mga bago sana naming kapitbahay. Ngunit dahil sa hindi malamang dahilan ay naudlot ang paglipat nila sa Room #5


Hindi na sila bumalik kinaumagahan - isang tanda na may masama nga silang naging karanasan sa Room #5.





SA PALAGAY N'YO? Ano kayang nakita nila?

=D


FOLLOW || VOTE || COMMENT

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now