UNKNOWN #2

1.4K 46 2
                                    

Second year high school pa lamang ako at tutok sa pag-aaral kaya naman walang nagiging problema sa akin ang aking mga magulang lalo na't pagdating sa eskwela. Ni minsan ay hindi ko nararanasang mapagalitan dahil sa mababang marka o kaya naman ay sa paglalakwatsa. Ngunit isang hapon nang umuwi ako sa aming bahay galing sa eskwelahan ay ang galit kong ina ang sumalubong sa akin.



"Saan ka nanggaling huh!?" pauna niyang salita. Mababakas mo sa mukha at salita niya na galit siya sa akin


"Po? Saan pa po, e di sa school" sagot ko naman. Totoo naman sa school ako nanggaling. San pa nga ba?


"Sa school ... Nakita kita kaninang alas dos na nakasakay sa tricycle. At kelan ka pa natutong maglakwatsang bata ka!"


Huh? Tanong ko sa isipan ko. Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko.. Pilit kong inuunawa ang mga katagang narinig ko. Paanong nakita ako ng nanay ko na nakasakay sa tricycle kaninang alas dos ng hapon samantalang may klase pa ako ng oras na iyon.


"Saan ka nagpunta? Magsabi ka ng totoo. Kitang-kita kita! Kumaway ka pa sa akin na may kasamang pag-ngiti" muling tugon ng nanay ko.

"Huh? Sa school lang po ako nanggaling at hindi ko alam ang sinasabi nyo" sagot ko sa kanya.


Hindi ako nangangatwiran. Totoo talaga ang sinasabi ko.

Marami pang sinabi ang nanay ko pero hindi ko na ito inintindi pa dahil kinakausap ako ng pinsan ko. Ang mga sinabi niya ay nagpatindig ng balahibo ko


"Baka kaluluwa mo 'yun? Nagpapaalam na" natakot ako pero hindi ako nagpahalata

Pinilit kong huwag maniwala sa sinabi ng pinsan ko ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot ang matagal ko nang tanong – Sino siya? Bakit kamuka ko siya? Ginagaya lang ba nya ako? SINO S'YA?


FOLLOW || VOTE || COMMENT

True Experienced Ghost StoriesDär berättelser lever. Upptäck nu