Tagabantay

1.5K 47 4
                                    

A/N:

The title is supposed to be "PAPA" kaso baka isipin nyo pinapartner ko sya 'dun sa "MAMA" so iba nalang :)

The story is from my High school classmate


- - - -

EYEN'S PoV

Gabing-gabi na at wala pa rin si Papa. Masarap sanang matulog sa oras na ito dahil sa lakas ng ulan at lamig ng kapaligiran ngunit hindi ko naman magawang matulog dahil sa kanina pang aligaga si Mama, wala pa raw kasi si Papa baka raw kung ano nang nangyari sa kaniya sabi ng Mama ko. Dahil sa pag-aalala niya ay hindi ko maiwasang mag-alala rin. Naisip ko tuloy na hindi naman gawain ni Papa na umuwi ng gabing-gabi na, pasado alas onse na rin. Nagdasal na lamang ako dahil wala na naman akong iba pang magagawa maliban roon.


Sinubukan ni Mama na tawagan si Papa sa telepono ngunit hindi naman ito sumasagot. Lalo lamang tuloy nag-alala si Mama, gayon din naman ako.


"Ma, magkape muna tayo" aya ko sa aking ina na hanggang ngayon ay hindi pa rin makuhang matulog.


"Pampa-wala ng antok" dagdag ko pa


- - -

Lumipas ang isang oras at pasado alas dose na nang mabuhayan kami ng loob ni Mama dahil sa narinig namin si Spayra na kumahol - ibig sabihin ay naririnig na niya mula sa malayo ang tricycle ni Papa.


Hindi kami nagkamali ni Mama, dumating nga si Papa.


Agad naman naming sinalubong si Papa na ngayon ay basang-basa dahil sa malakas na pag-ulan sa labas dulot marahil ng paparating na bagyo.





"Naka-ilang tasang kape na kami ng anak mo, Dyos ko saan ka ba nanggaling Julio at ngayon ka lamang dumating?" may pag-aalala sa tinig ng aking ina


"Heto ang damit mo. Magpalit ka muna at magkape ka na rin para hindi ka lamigin" dugtong pa ni Mama





Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin si Papa mula sa kwarto at umupo siya sa harap namin ni Mama


"Papa, san ka galing?" tanong ko


"Anak, galing sa trabaho ang Papa"


"Trabaho? Julio, gusto mo bang maniwala akong galing kang trabaho? Alas dose na Julio! Anong klaseng trabaho pa ang trinabaho mo?" sagot naman ni Mama


"Alas sais ng gabi ng maisipan kong umuwi na dahil napakabilis dumilim nitong mga nakaraang araw. Sa daan ay nakita ko si Aling Sonya at pinara niya ako. Ihatid ko raw muna siya Kay Kakang Beni, 'yong magtatawas sa baryo... Nagpahintay siya at alas otso na kami nakauwi. Ihinatid ko muna siya sa kanila. Bandang alas nuebe ay papabalik na muli ako dito sa ating bahay, kasagsagan ng ulan ng sandaling iyon nang may isa na namang matanda ang pumara sa tricycle ko sa tapat ng isang tulay. Isang matandang lalaki - naawa ako sa kanya kaya pinasakay ko na siya. Ang sabi ko ay hindi ko na siya maiihatid sa kanila dahil papauwi na rin ako. Sinagot niya ako na ayos lamang daw basta makikisakay siya kaya naman pumayag ako. Kinakausap ko ang matanda at napagtanto ko na si Mang Maximo pala ito! 'Yong kapit bahay natin. Kausap ko lamang siya mula kanina pa nang mapansin kong nasa may tulay na naman kami! Umiikot lang kami! Kaya pala kanina pa ako nagmamaneho pero ang tagal naming makarating samantalang isang kilometro na lamang ang layo ng ating bahay mula sa may tulay. Kinilabutan ako - dalawang oras na pala kaming paikot-ikot sa may tulay. Pero mas kinilabutan ako nang mapansin kong pagdating muli ng tricycle mula sa tulay ay naglaho ang matandang si Maximo! NAWALA SIYA! SA MAY TULAY! NAWALA SIYA!! Pinaharurot ko ang sasakyan ko. Hindi ko na inisip kung saan ako makakarating! Pero salamat sa Dyos at nakarating rin ako" mahabang kwento sa amin ni Papa. Kinilabutan rin ako sa kwento niyang iyon. Inisip ko rin kung totoo pero wala namang dahilan para magsinungaling si Papa.


"Totoo ba yan?" tanong ni Mama na mukhang nahihintakutan na rin...


"Oo Minda. Isinusumpa ko, totoo talaga ang sinasabi ko" kita ko sa mata ni Papa ang katapatan.





Minabuti na lamang naming magpahinga ng gabing iyon...















































Kinabukasan :



"JULIO!! PATAY NA RAW SI MANG MAXIMO!" sigaw nang aking ina!


NANLAKI NA LAMANG ANG AKING MGA MATA SA AKING NARINIG!








Important Note:

Pumunta daw sila kay Kakang Beni (yung isang character dyan na nabanggit) at sabi raw ni Mang Beni ay nagsacrifice raw si Mang Maximo para makaligtas si Julio... kasi diba paikot - ikot lang sila. 'Yon ang dahilan kung bakit namatay si Mang Maximo... Kung hindi raw nagsacrifice si Mang Maximo ay pareho silang mamamatay ni Julio.

True Experienced Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon