UNKNOWN #1

1.7K 46 8
                                    

A/N: Pass muna po tayo sa "End of the Road Apartment Series" kasi po nawala 'yung draft ko :( AT lumipat rin po ako ng paaralan kaya hindi na ako nakatira sa apartment na'yon ngayon.


Unknown #1


    Maraming taon na ang nakakalipas nang mangyari ang kababalaghang ito. Isang araw sa tag-init, naglalaro ako sa loob ng aming bahay kasama ang kababata kong si Ellaine. Masaya kaming naglalaro nang dumating ang isa pa naming kababata na si Mich.


"Hello! Nasan ang Mama mo?" tanong sa'kin ni Mich na naging dahilan para mapatigil ang paglalaro namin ni Ellaine ng mga paper dolls.


"Ahh- e hindi ko alam e... intayin mo nalang laro muna tayo. Lika dito, may mga bago akong paper dolls" paanyaya ko naman


"Hindi pwede, pinapahatid lang kasi sakin ng nanay ko itong singkamas. Sige mauna na 'ko babalik ako mamaya" nakangiti niyang sambit





Pinagpatuloy namin ni Ellaine ang naantala naming paglalaro.


Maya-maya ... sabay kaming tumakbo papunta sa likod na pinto ng aming bahay...





Hindi man sinasadya pero talagang sabay na sabay rin kaming sumigaw


"Inay!" sabi ko "Tita Amm" sabi naman ni Ellaine ngunit sabay namin itong sambit


Sabay rin kaming nagkatinginan matapos nang aming sabay na pagsigaw.


Ang kanyang sinabi ang nagbigay sa akin ng kilabot...















































"Nakita mo rin?" lumaki ang kanyang singkit na mga mata matapos akong tumango sa katanungan niya


"Oo, si inay... di'ba dumaan?" tango at yakap lamang ang isinukli niya sa akin bago pa namin maisip na tumakbo palabas ng bahay.




ANONG NANGYARI?

    -Nakita namin pareho ang isang babae na akala namin ay nanay ko. Sabay kaming tumakbo patungo sa direksyon kung saan namin siya nakita. Sabay rin ang aming pagsigaw upang tawagin siya. Ngunit nang pagsilip namin sa pinto ay unti-unti nang laglalaho ang babae. (Dead end na dun sa parteng pinaglahuan niya... puro halaman na at di na kayang daanan ng tao pero lumusot lang siya doon tapos bigla nang nawala)


SINO SIYA?


Vote || Comment || Follow - for next chapter and dedication :))

True Experienced Ghost StoriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora